Kabanata Isa

1 0 0
                                    

"Tina, Sa tingin mo kasama tayo sa gagraduate?" tanong sakin ni Lotte habang nakatingin sa mga estudyanteng nagkakagulo dahil sa tuwa.

"Oo naman! Tara! Tignan natin kung kasama tayo sa list of students na ga graduate ngayong taon." Walang pagaalinlangan kong sagot at hinila siya papunta sa mga estudyanteng nagsisiksikan sa Bulitin board

"Oh my.. Tinaa!!" Biglang napa sigaw sa tuwa ang kaibigan niyang si Lotte ng makita nila ang mga pangalan na kabilang sa official na gagraduate ngayong darating na graduation.

"Shit. Totoo naba 'to? Gagraduate naba talaga ako? tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Quintinna sa sarili.

Mangiyak ngiyak naman sa tuwa si Lotte "Oo, bes! Totoo' yan! Gagraduate kana! Gagraduate na tayo!!" at niyakap ni Lotte sa tuwa ang kaibigang si Quintinna na 'di parin makapaniwala na ga graduate na siya sa Kursong Bachelor of Science in Nursing.

Pagkarating sa bahay ni Quintinna ay nadatnan niya ang kaniyang mama na nagluluto ng paborito niyang Adobong Baboy.

Ang sarap na nga ng ibabalita ko sa kanila, ang sarap pa ng magiging ulam namin! Hindi na ako makapag hintay. Saad ni Quintinna sa kaniyang sarili.

Tumakbo at yumakap si Tina sa nanay niya habang ito ay nagluluto.

"Maaaa!"

"Nak naman! Nanggugulat ka naman, oh! Baka ako ay biglang atakihin sayo sa puso." Gulat ang rumihistro sa mukha ng inay. Nag peace sign lang si Quintinna

"eh kasi naman po ma." huminga muna ako ng malalim at "Gagraduate na po ako." masaya ko ng binalita ko sa kaniya na gagraduate na ako.

Makikita naman sa expression ng mukha ni mama na na surprise ko siya sa balita ko.
"Talaga anak? Naku! Salamat naman sa Dios kung Ganon!" sabay yakap sa akin at umiiyak

"Sana makapasa din ako sa Board Exam, ma." Kinakabahan kong tugon habang may ngiti sa labi.

"Pagbutihan mo anak." sagot ng nanay habang may ngiting lumuluha.

"Hoy! Anong iyakan 'yan? Anong meron? " biglang sumulpot ang Kuya niyang naka taas pa ang kilay at nakapamewang na tinignan silang may pagtataka.

"kasi itong kapatid mo gagraduate na." sagot ng nanay sabay nilipat sa malaking mangkok ang Adobong baboy

"Ha! Gagraduate kana? Ang tamad tamad mo ngang mag aral eh, pano nangyare 'yon?" takang tanong ng Kuya niya

Binatukan naman ito ng mama niya "Joke lang!" biglang sambit ng Kuya niya na may halong dipensa sa sarili.

"Ito si mama, nag jojoke lang eh." sabay kamot ng Kuya niya sa ulo nito. "Congrats kapatid. Pa BP nga ako, mukhang tumaas 'yong dugo ko sa batok ni ma-" hindi pa tinapos ni Kuya ang sasabihin ng bigla itong batukan ulit ni mama

"Double kill." sagot ko ng may pagtawa.

Sinamaan lang ako nito ng tingin at nag walk out.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Born To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon