PROLOGUE

18 1 0
                                    

"Are you done reading that book?"


"Not yet," my hand turned another page from the book I'm holding.


"May ticket ka na ba for the concert?


"Ticket for the what?" Hindi ko siya narinig dahil tutok na tutok ako sa librong aking binabasa. Nandito kami ngayon sa loob ng isang bookstore dahil nagpumilit ako pagkatapos ng trabaho namin sa school na samahan niya ako dahil may gusto akong bilhin.


"Ang sabi ko, may nakuha ka na bang ticket for the concert?" Pag-ulit niya.


"Lakasan mo nga 'yang boses mo, Esia," I said. Still reading in front of her.


"Ticket sa concert? MERON KA NA BA?"


"Bakit kailangan magdala ng tiki sa concert?" I moved to the next page of the book. Climax na, 'e.


"CLAIRE!"


Muntik ko nang mahulog ang aking libro pero mabuti nalang at agad ko itong nasalo. Bigla niyang inagaw sa'kin ang libro.


"Esia, give it back!" Pagreklamo ko. Hindi talaga niya binibigay sa'kin kaya nagulat siya nang bigla akong nag-dribble kahit walang akong bolang hawak. I tried to distract her for a moment to get the book but failed.


"Wow, ang mature.." Bulong niya.


Tumigil na'ko at tumawa. "Nahiya naman ako sa'yo!"


Mabilis naman akong tumahimik nang makitang may mga tao na sa loob ng bookstore na napapatingin sa amin. 


"Ano ba? Kanina pa kita tinatanong, Claire." Napamewang na ang aking kaibigan habang hawak-hawak pa rin sa isang kamay ang aking libro. "I'm asking if you got a ticket for the conce-"


"Look, if you're planning to go in one of those K-pop concerts again, 'wag mo na ako isali diyan." I crossed my arms and stared at the book she doesn't want to give back.


"Oh, c'mon! Hindi na nga ito boygroup! I swear! Wala nang maghuhubad!" She tried to shake my arm with her other hand. Too desperate to convince me. 


"Esia...we're too old for these kinds of stuff.." I exhaled a large amount of breath as I slowly reached and took away from her the book I've been trying to read.


She then pouted as her shoulders fell down, "Just because we're both 30 and single?"


Napahimas ako sa aking sentido. "That's not what I meant-"


"'Yun naman pala, 'e! Wag kanang KJ! Samahan mo nalang ako bukas! May extra 1 ticket pa ako! Please! Gusto ko nang may kasama, 'e! It's not like it's your first time going with me! Sige na!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. 


Pleading with her face. "Bigyan mo naman sarili mo ng time magpahinga at mag-enjoy ng mga ganitong bagay! Hindi na'to K-pop group, promise! Hindi ka na magiging OP sa tuwing may fanchants!" She then gave me a cute smile. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between The Pages (VABE SERIES #1)Where stories live. Discover now