Prologue

283 8 0
                                    

"Anak."


Napatingin naman ako kay mama nang tawagin niya ko, hindi padin siya humihinto sapag lalaba.


"Bakit po ma?"


Tumayo naman ako at pinuntahan si mama sa labas.


Madaming labahan si mama ngayun halos siya na kasi ang naglalaba, nag simulang mag laba si mama nung bata pako.


Sapag lalaba ni mama kaya may kinakain kami araw-araw.


Wala si Kuya ngayun, nag tatrabaho din siya pero hindi gaano kalakihan ang kinikita niya bilang isang waiter sa isang restaurant, isang beses sa isang linngo lang si Kuya nakaka uwi.


"Nak tulungan mo nga ako isampay tong mga damit."


Tinulungan ko naman si mama na mag sampay, halos mag damag din kasi siyang nag lalaba.


Ayaw niyang tumigil kaka laba kahit sinabihan na siya ni kuya, sinabi din ni kuya na siya na ang bahala pero ang tigas talaga ng ulo ni mama.


Wala na si papa.


Limang taon palang ako ng iwan na niya kami, nasagasaan siya ng sasakyan habang tumatawid pauwi galing trabaho at hanggang ngayun hindi pa namin alam kong sino ang naka sagasa kay papa, wala kaming magawa para bigyan nang hustisya si papa, wala kaming pera para ipakulong ang may gawa sakaniya.


Ang sabi din kasi ng mga pulis ay tumakas na agad yung nag mamaneho kaya hindi namin alam kung saan at sino ang nakasagasa kay papa at wala naman silang nakuhang plate number nung sasakyan dahil walang cctv sa lugar na kung saan na aksidente si papa.


"Ma, tapos na po ba kayo mag laba?"


Tanong ko kay mama kasi maghapon na siyang nag lalaba.


"Nako anak, hindi pa may binigay kasi saking lalabahin kanina, sayang din naman kaya tatapusin kona to ngayung araw."


Si mama talaga kahit kailangan.


"Ma, gusto mo po tulongan na kita?"


Nakita ko namang ngumiti si mama.


"Salamat anak sa pag tulog mo."


"Okay lang po yun basta po matulongan kita."


Kahit sa simpleng pag tulong ko kay mama ay mapa gaan ang loob niya ay gagawin ko, naka ngiti naman akong bumalik sapag sasampay.


Kahit mahirap kami hindi ako nag hiling ng kahit ano, makita kolang na masaya si mama pati mga kapatid ko masaya nadin ako.


Bumalik naman ako sa kwarto para tapusin ang ginagawa ko kanina, may assignment pa pala akong dapat tapusin.


Tulog padin ang nakababata kong kapatid, apat na taong gulang palang si Carl, nag aaral na siya sa kinder, pinilit lang namin ni kuya si mama na mag aral na si Carl dahil alam kong kailangan niya.


"Ate..."


Napatingin naman ako kay carl ng tawagin niya ko, kahit apat palang ang edad ni Carl ay nakaka salita na siya ng maayus.


"Bakit?"


"Nasaan po si Mama Ate?"


Ngumiti naman ako sa kaniya.


"Nasa labas si Mama, Carl."


"Tulog kana ulit, hindi kami aalis ni Mama."


Nakangiting sabi ko sakaniya, ngumiti naman siya sakin at natulog na ulit.


Hinaplos ko nalang ang buhok niya para maka tulog siya agad, hindi na nakita ni Carl si papa, hanggang sa litrato niya lang napag mamasdan, hindi pako handa sa kung ano ang magiging reaksiyon niya pag nag tanong na siya tungkol kay papa.


Ayaw namin ni mama na masaktan si Carl, bata pa siya kahit naiintindihan na niya ang sitwasiyon namin.


yheirriehhwhyr

#TheSafePlaceCalledLovebyyheirriehhwhyr

The Safe Place Called LoveWhere stories live. Discover now