A Beginning For Rim

4 0 0
                                    

#D.E.O.R. Chapter 1

--------------------------

"Bakit? Hanggang kailan? Paano?"

Sa madilim na kwarto nakahiga habang nakatulala sa bintana. Patuloy sa pag-iyak si Rim habang binibitawan ang mga katagang ito. Maraming katanungan sa isipan na hindi malaman ang kasagutan.

Sa pagpikit ng kaniyang mga mata, taimtim siyang nagdasal, "Lord, gusto ko lang naman po maging masaya."

1:34 ng madaling araw, nakatanggap si Rim ng isang text message sa hindi kilalang phone number.

"Hi by, imissyou"

7:38 na nang umaga nang siya ay nagising, huli na siya sa kaniyang klase kaya hindi na niya pinansin ang message at dali-dali nang nag-ayos papunta sa paaralan.

"Manong, hintay!"

"Naku naman! Bakit ba hindi niyo ako pinapasakay, may pamasahe naman ako ah!" sigaw ni Rim sa gitna ng kalsada habang hinahabol ang jeep.

*Beep* *beep* *beep*

"Miss, tabi! traffic enforcer ka ba?!"

"Aba! Sa ganda kong to' sasabihan mo ko na traffic enforcer, bumaba ka nga dyan!"

"Wala akong oras sa'yo dahil mahuhuli nako sa klase ko!"

Hindi na sumagot si Rim at agad na sumakay sa kotse ng binatang lalake

"Anong ginagawa mo, bumaba ka!" sigaw ng binata

"Late na din ako, ano akala mo ikaw lang ang tao sa mundo? Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nakasakay agad, kaya ihatid moko!"

"Anoooooo? Baliw ka ba? Nakaharang ka kaya sa daanan ko!"

"Ano ba! Sayang ang oras, gusto mo ba ma late tayo to the highest level?"

At mabilis niyang ipinatakbo ang kotse.

"Saan ka ba pupunta, nag-aaral ka ba? Bakit hindi ka naka school uniform?"

"Dami mong tanong, naka school uniform ka rin ba? Ibaba mo na nga ako!"

"Siguro di ka nag-aaral, tsssk! Sige, ingat!"

Bumaba si Rim sa kotse at agad na tumawid papunta sa isang Convenient Store.

"Wiw! Hindi man lang marunong magpasalamat, tsk!" bulong ng binata sa sarili at agad na umalis.

Hindi nakapag almusal si Rim sa pagmamadali, kaya naisipan na lang niya na kumain na lang muna sa isang Convenient Store na malapit sa paaralan na kaniyang papasukan.

Pagkatapos niya kumain nagtungo na siya sa kanilang paaralan. Sa kaniyang paglalakad, nakatanggap muli siya ng text message mula sa kaparehong phone number.

"Goodmorning By"

Laking pagtataka ni Rim kung sino ang tao sa likod ng unknown number. No boyfriend since birth si Rim at laging sablay sa mga crush niya, at wala siyang ka-call sign na "By" kahit na sino. Kaya sa pangalawang pagkakataon hindi na naman niya pinansin ang text message at ipinagpatuloy na lamang niya ang kaniyang paglalakad.

"Riiiiiiiim!"

Biglang napalingon si Rim sa likuran upang tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan ya. Si Gia, ang matalik na kaibigan ni Rim.

"Na miss kita ng sobraaaaaa, na miss mo rin ako no?" paglalambing ni Gia

"Syempre, hindi kita na miss, sino ka ba?" pagbibiro ni Rim

"Parang baliw, kalma ako lang to', batukan kita dyan eh. Pero matanong ko lang, bakit hindi ka naka school uniform?"

"Hindi pa kasi natapos eh, tapos wala pa rin naman akong pambayad" malungkot na saad ni Rim

"Gusto mo tulungan kita mag hanap ng work? Yung tita ko kasi nag open siya ng Coffee Shop malapit sa school naghahanap siya ng waitress, kung gusto mo puntahan natin mamaya after class?"

"Talaga ba? Ngayon pa lang magpapasalamat nako, libre na kita sa unang sahod ko"

"Yan ang gusto ko sayo eh! Pero Rim tandaan mo dapat kahit nag wo-work ka maganda ka pa rin, marami raw kasing mayayaman at gwapo dito sabi ng tita ko" saad ni Gia

"Isa na rito ang sikat na football player at alam mo ba captain siya ng team nila pero hanggang ngayon hindi raw makaalis sa 1st year college eh, pero hayaan mo na ang mahalaga gwapo siya" dagdag ni Gia sabay kindat kay Rim

"Ano mapapala mo dun? Mapapakain ka ba ng kagwapuhan niya?"

"Ay iba! Asawa na ba hanap mo te? Di mo ba alam na dahil sa gandang lalake niya pwede siya kunin bilang isang model? Kasi matangkad siya , makinis ang balat, matangos ang ilong, mabango, sarap iuwi pagnakangiti at may 6 packs sarap sa kama, char sarap magluto pala" paglalarawan ni Gia habang nakatulala sa mga ulap

"Tanga! Hindi mo pa nga nakikita yun eh, puro ka imagination kaya ka laging broken hearted kasi ang taas po ng iyong expectation" saad ni Rim

"Sabi yan ng tita ko! At matalas mata ng tita ko sa mga gwapo no, kaya trusted ako sa kaniya pagdating sa ganyan!" pangangatwiran ni Gia ngunit kinurot lamang siya ni Rim sa tagiliran niya.

"A-aaraaay naman Rim! Wag kang maglalaway pag nakita mo siya!"

"Hindi talaga!"

----------

"OMG!! Gwapo niya talaga no"

"Oo nga, alam mo ba na tumingin siya sakin, aahhh pa mine!!"

"Hati tayo friend HAHAHA"

Mga sigaw ng mga estudyante na nakakasalubong nina Gia at Rim habang papasok sa University. Labis ang pagtataka ng dalawa kung ano ang meron nang biglang....

"Tabi, tabi! Sabi nang tumabi kayo eh!"

"Ano ba! Dahan-dahan naman may inaapakan ka nang tao" pagngangatwiran ni Rim

"Wala akong pake! Pakilala ko lang sarili ko, Elcy Joyce Yu tatak mo sa utak mo!" pagalit na sigaw ni Elcy at bigla nang umalis

"Wala rin akong pake, pangit ng ugali mo! Kasing pangit ng mukha mo!" pagsisigaw ni Rim

"Kalma friend" pag-aawat ni Gia sa kaibigan sabay hawak sa braso

"Naalala ko sabi ng tita ko na ang pamilya Yu raw ang isa sa mga may malalaking donations dito sa University" saad ni Gia habang tinitingnan si Elcy papalayo

Habang nagsasalita si Gia tungkol sa pamilya Yu, si Rim naman ay nakatulala sa kabilang direksyon habang nakabukas ang mga labi. At biglang tumingin si Gia sa kaniya

"Sabi ko kanina huwag kang maglalaway kapag nakita mo na siya"

"May laway ba?" nakatulalang sabi ni Rim

"Pati laway mo siguro nakatulala, hindi makatulo friend" saad ni Gia

"Natulala ako kasi ang pangit!" saad ni Rim at bigla nang umalis

"P-pa-pangit? Hoy Rim may sira na ba mga mata mo, pangit pa yon' sayo?" pagtatakang tanong ni Gia

"Gia, ang depinisyon ko nang gwapo ay may respeto at may plano sa buhay"

Nagpatuloy si Rim sa paglalakad upang makaiwas sa mga tanong ni Gia, nang bigla naman siyang nakatanggap ng text message. Sa pangatlong pagkakataon, ang text message ay may kinalaman sa math problems

"If you have 1000 pesos and you lost half of it. Then, suddenly you've decided to buy a Coffee worth P150, a piece of cake worth P100 and a bracelet worth of P107. What do you think I would like to say?"

---------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dry Eyes Of RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon