OneShit

1.1K 40 30
                                    

A/N: Again, another one of my shiz na nahanap ko sa luuuuuuma kong notebook. Inedit ko lang yung jeje stuffs at characters so, ye. Ta-dah!

Dedicated to the characters. Heyo! YuNoaht Sana may wifi na kayo!

At also kay regulations Ze cover is hers.

___________

"Naging Tayo Ba?" OneShot.

___________

Hoami's POV

Naglalakad lang kami ni Jelene nang bigla nalang siyang sumulpot sa ewan ko kung saan.

"Saan punta niyo?"

"Sa canteen. Bakit?" sagot at tanong ko.

"Ah. Pwedeng sumama?"

Hihindi sana ako kaso naunahan ako ni Jelene.

"Kukunin ko muna bag ko ah. Sama kayo?"

Hihindi sana ulit ako kaso naunahan na naman ako ni Jelene. Kaya ngayon, para kaming amo na nakasunod sa buntot ng aso.

"Jelene,"

"O?"

"Sino ba talaga ang ka-MU niya, ako o ikaw?"

"Eh? Syempre ikaw. Kaya nga ako tumatango kasi IKAW. Eh IKAW naman tong ayaw sumunod kay Ralpho. Pa-hard to get ka pa."

Pinaikutan ko lang siya ng mata.

Nang makarating na kami sa gym, kinuha agad ni Ralpho ang bag niya at naglakad na naman kami ulit. Kaso, naging kabaliktaran ng kanina, siya na ang nakasunod samin ni Jelene.

"Hay, ang init!" Reklamo ko.

Nagulat na lang ako nang may biglang nagpatong ng panyo sa ulo ko.

"Magdala ka kasi ng payong sa susunod." tugon niya.

"Hoy kayong dalawa dyan, OP na nga ako tas ipapahalata niyo pa sa iba na mukha akong thirdweel? Jusmiyo."

Tinawanan lang siya ni Ralpho. Dinedma ko lang sila.

Nang makarating na kami sa canteen, inilagay ko muna yung bag ko sa mesa para kunin yung wallet ko. Gusto niyong malaman ang kulay? Neon green at peach. Tutti frutti ganon.

In speaking of tutti frutti, may frozen yoghurt ang canteen namin kaya yun ang naisipan kong bilhin.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ni Ralpho.

"Fro-yo."

"Ahh."

"Sabihin mo na, magpapalibre ka noh?"

"Kung gusto mo.."

"Well, hindi ko gusto. Sarreh ka na lang."

Kumuha na ako ng cup at nagtungo sa mga fro-yo machine. Cake batter at raspberry ang pinili ko. Tas pumili na ako ng toppings. Syempre, choco sprinkles at marshmallow.

Ipinatimbang ko na yung aking cup at binayaran ito. Bumalik ako sa pwesto namin.

"Mamaya ka nalang sana bumili, matutunaw yan." Saad ni Ralpho.

"Inggit ka lang."

"Hoami, why you so mean?" Tanong ni Jelene na may dalang coke at soup.

"Teka, soup ba yan?"

"Sopas. Sopas ito." Pamimilosopo niya.

Kinuha ko ulit yung wallet ko at tumayo. Tumayo rin si Ralpho.

Naging Tayo Ba? [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon