Kabanata 3
Hindi ako nakatulog no'ng gabing iyon kakaisip sa nangyari sa akin isang araw pa lamang na nandito ako. A lot happened in just a single night and here I was thinking about Marcus and the twins.
Malamig ang guest room kung nasaan ako nag-i-stay. I found out Storm's clothes were here because of Marcus—mukhang nagkagalit sila bago pa umalis ang kakambal ko rito.
How he acted earlier made me feel something else. It felt so wrong because yes, I was here to fix the mess my twin made. I was here to take care of them, and yet Marcus was still Storm's husband and we couldn't change that.
Natatakot din ako't baka ipawalang-bisa ni Marcus ang kasal nila ni Storm, ayon kasi kay nanay na narinig niya mula sa kambal ko'y kapag tuluyang naghiwalay ang dalawa ay kukunin na ni Macky ang kambal at hindi ko na—namin makikita ang mga ito.
I looked around the room where I was in and decided to just turn the aircon off and open the ceiling fan instead. Hindi kasi ako sanay sa ganitong kagarbong lugar. Ang bahay namin nina Nanay noon ay simpleng barong-barong lang at nito namang nagtrabaho ako sa ibang bansa'y nasa storage ako natutulog.
Walang aircon. Walang electric fan. Maliit at madumi na para akong bilanggo kaya ngayong nasa ganito ako kalaking mansyon ay nanliliit ako.
Working as an Overseas Filipino Worker was hard. Akala ng iba'y mayaman ka kapag nagtrabaho ka sa ibang bansa pero mali sila sa aspetong iyon. It was hard—swerte na lang siguro kung maayos ang employer mo pero sa kaso ko? I was abused.
I did hard labor. I rarely ate. Pinakamaraming kain ko na sa isang araw ay isang beses lamang at kung hindi lang ako siguro lumaki sa probinsya ay baka hindi ko na kinaya ang trabaho.
Mahirap na nga ang trabaho, madalas ay delay pa ang sweldo. Matagal ko ng gustong umalis doon pero kapag naiisip ko sina nanay, si Storm, at ang mga bata kaya hindi ako sumusuko. Nobody knew I worked there as a maid aside from my twin. Akala ng nanay ay naroon ako para mag-tutor ng mga bata.
Napatungo ako, sumulyap sa hita ko at marahang inangat ang suot na shorts at nakita ang peklat mula roon sa kanila. It was that time when my employer, the lady, caught her husband peeking at me in the bathroom like a crazy maniac at sa halip na ang asawa ang sisihin, sa akin siya nagbunton.
She accused me of seducing her husband and pulled me out of the bathroom. Pagkatapos ay kinuha ang plantsang katatapos niya lang gamitin at dumikit iyon sa hita ko.
She let me go after that but it was so painful I cried in my room. Nagkasakit ako pero hindi ko madala ang sarili ko sa ospital dahil 'di ako makalabas at wala akong pera pambayad.
I only felt better when Tasha went to me and gave me something to eat. She even took medicine from her mom's room to give me one to help me with my fever.
Hindi madali ang magtrabaho sa ibang bansa. Swertihan din talaga. Hindi lahat ng tao ay pangarap magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa pamilya. Hindi lahat ng tao'y may lakas ng loob makipagsapalaran sa isang destinasyong walang siguradong dulo.
Nakakalungkot lang talagang kaunti ang opportunidad sa Pilipinas. Kung mayro'n may ay maliit ang sahod at hindi sapat sa pamilya. If only our country prioritized Filipino careers so that we wouldn't think about flying to a foreign country to get the job and salary we deserved...
Ni hindi ito ang kursong tinapos ko sa kolehiyo. When I graduated, I aspired to be the best in my job because I was good in class, but opportunities weren't for me kaya napilitan akong lumipad sa bansang hindi pamilyar sa akin at pinatos ang kahit anong trabahong mayro'n para maipantustos sa pamilya.
Kung kaya ko lang talagang manatili noon, ginawa ko na.
Hilom na ang sugat pero ang peklat ay nanatili roon kaya napatitig ako at napangiti. But at least, I survived. It was a good thing. Maybe I still had a purpose. The Almighty might have given me another chance in life because I still had a role to play.
BINABASA MO ANG
Raindrop's Tears
General FictionSandejas Legacy Series #4: Raindrop's Tears **Wattys 2022 Winner** "Sandejas Legacy continues..." How far would you go for your family? For Varsha Romana, if it means having to live as her identical twin sister and pose as mother to her twins and wi...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte