One More Time (One-shot)

503 24 21
                                    

-x Lahat po ng naka italicize ay past at lahat po ng naka-normal ay present. Maraming salamat! -x

-

One More Time (One-shot)

SA tuwing titignan ko ang cellphone ko, laging siya ang naaalala ko, hindi ko alam ngunit hanggang ngayo'y mahal ko pa rin siya.

Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko kung bakit nangyari 'yon sa kanya at ako ang dahilan kung bakit siya sumuko ng hindi man lang lumalaban.

Araw-araw akong nagluluksa, araw araw umiiyak, nahihirapan at nangungulila kung bakit gano'n ang kinahinatnan naming dalawa.

Pilit kong inaalala ang bawat sandali na nakakausap ko pa siya at hindi ako malayo sa kanya.

-

"Kath, kamusta na kayo ni Rafael?" Tanong niya sa 'kin si text.

"Okay lang, hindi naman kami Ches eh. Simple lang, MU. Yun lang. Ikaw kamusta kana! Mage-enroll kana diba?" Reply ko naman sa kanya.

Last year pa kami magkakilala ni Ches, kaso nga lang ay hindi kami madalas magkausap. Madalang lamang at ngayon lamang kami nagkausap na halos buong araw ay magka-telebabad kami.

Masasabi kong siya ang pinaka-mabait na lalaking nakilala ko, kumbaga para na siyang perfect. Gwapo na, gentleman pa. San ka pa?

Nirerespeto niya ako, syempre bilang kaibigan niya. Madalas ay sa text lang kami nagkakausap dahil magkalayo naman kami ng bahay.

Agad namang nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at bumungad ang text ni Raf. "Goodnight baby! I love you!" Napangiti na lamang ako ng mabasa ko 'yon saka nireplayan.

Hanggang sa kaming dalawa na lamang ni Ches ang magka-usao. Sa totoo lang ay masaya ako kapag kausap ko siya, nakakatuwa kasi siya mag-reply at ang cute.

Cute in the sense na mapagkakamalan mo siyang may girlfriend na. Sabi niya may nagugustuhan daw siyang babae, nahihiya daw siyang sabihin sa 'kin dahil kabaklaan daw.

Ayoko naman siyang pilitin kaya hinayaan ko na lamang. Hanggang sa muling nag-vibrate ang cellphone ko at tumatawag si Ches na agad ko naman sinagot.

"Oh bakit napatawag ka?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Grabe ka naman, ganyan ang bungad mo sa 'kin." Saad naman niya.

"Ang drama mo! Oh? Ano bang kailangan mo't napatawag ka?!"

"Diba gusto mong matutong mag-bike?"

"Duh! Matagal mo nang alam yan! Bakit? Nako, kung aasarin mo lang ako eh 'wag na!"

"7am, dadaanan kita diyan sa bahay niyo, magba-bike tayo."

"Nanga-asar ka talaga eh no? Sinabing hindi nga ako marunong."

"Tuturuan kita! Ako bahala sa bike mo!"

"Talaga?!" Hindi makapaniwala kong sabi. "Seryoso?"

"Oo nga! Haha! Ayaw mo?" Bahagya pa siyang tumawa kaya mas natawa ako, para kasing nakakakilit yung tawa niya, nakakahawa.

"Syempre! Gusto ko! Ikaw pa ang kasama ko! Ang saya kaya no'n!" Masaya kong sabi. Hindi naman siya agad nakasagot. "Uy, ches!"

One More time (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon