Chapter 1- Anghel

77 0 0
                                    

Ang saya ng buhay pag walang problema sa pera, sa lovelife, sa mga kritiko at di mo problemahin na pwede ka mamatay bigla.

Kasalanan ko bang pinanganak na akong anghel?

Hi! ako nga pala si Jho, isang anghel na sinuswerte dahil sa langet na ako pinanganak.. Di naman ako nag iisa marami naman kami dito, isa nadun si James na ubod ng gwapo at bait na, si Mikah biniyayaan ng ganda in and out kaya lahat ng lalaking anghel gustong gusto siya.

Yung iba di ko na kilala masyado kasi akong makakalimutin.

Sa choral practice naming lahat dahil mag lilinggo na, di ko tinatangging gandang ganda ako kay Mikah. Nagsimula na kaming kumanta.

Ng bumukas na ang mga bibig niya......

"Abeeeeeee Mariaaaaaaaah!"

^-^ patawarin ang pusang binato sa pader, di ko maintindihan kung sinumpa ba sya o sadyang perpect lang si Dios at binigay sa kanya lahat.

" Jho kumanta kana!" sabi ni James

" wait lang baka mas pumanget yung kanta" sagot ko kay James na may halong kaba

" Ano ka ba alam nating lahat dito na halos lahat ng anghel dito idol ka sa pagkanta" sabi ni James sa akin habang nakangiti na parang nakakatunaw.

" Bahala na nga" sagot ko na may halong kaba.

Nang nag umpisa na akong kumanta..

" ang himig mo,
ang awit ko,
lahat ng itoy inaalay sayo♡

oh diyos, oh panginoon
lahat ng biyaya ...."

Lahat ng mga anghel ngumiti at sinabayan ang awit ni Jh0, paramg nililipad sila ng hangin sa mga himig na kanilang naririnig.

Ng matapos ang kanilang practice.. biglang lumapit si Mikah kay Jho.

" Wala ka pading kupas, ikaw na talaga!" Sabay niyakap si Jho.

" oy !! Wag baka mag selos ang ibang mga anghel. Masuntok pa ako dito." sabi ni Jho na di maipinta ang mukha.

" Alam naman nating dalawa na si James ang gusto ko, pero sadyang ikaw lang gusto niya" ayon ni Mikah na busangot na ang mukha.

" Ha ha ha.. magkaibigan lang kami at saka ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Imposible yun" sagot ni Jho

" Ayun sinabi mo din na gusto mo sya.. para sa mga tao yan.. nakalimutan mong anghel tayo?" nakangiting sagot ni Mikah

" Mikah wag mo ng hulihin yan"

Nagulat si Mikah at Jho na biglang nagsalita si James, di namalayan na nasa likod lang pala sya.

" Kahit di niya sabihin alam ko ng ako gusto niyan kasi ang lakas niyang tumitig sa akin lalo na kung nag iinsayong sumayaw at kumanta" ayon ni James

^-^ totoo naman kasi sa hubog ng katawan niya..sa gwapo at tangkad niya sinong di magkakagusto sa kanya.. mabait na nga gwapo pa.. mahangin nga lang... Sobrang hangin!!

" kung tatanggi ako di ka maniniwala.. kung sasabihin kong oo, di moko tatantanan" naiiritang sagot ni Jho

" ok lang Jho.. matagal na kitang sinagot so tayo naba?" sagot ni James habang nakatitig kay Jho

" Sampalin kita ng takure eh.." asar na sagot ni Jho.

Deep inside talagang gustong gusto ko na si James. Siya lang kasi naging close ko na kaibigang lalaki. Dahil halos lahat ng lalaki di ko makasundo dahil halos pagsayaw ang mga gusto.. ako lang natatanging anghel na may ipagyayabang sa pagkanta.

" Pumunta kayong lahat sa sacred gate"
sigaw ng manok ni San Pedro

Sacred gate... ay isang gate.. hahaha.. gate sya kung saan kumokonekta sa langit at lupa. Pag ang isang anghel ang dumaan sa gate magiging ispirito sya at sasanib sa isang bagong sanggol.

"Bakit kaya tau pinapatawag? Minsan ang manok na yan nakaka kaba din minsan" ayon ni Jho.

"Tara punta na tayo." ayon ni James habang nakangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Papaalala ko sayo (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon