prologue

24 1 0
                                    

"Napakaganda ng guhit ng palad mo,alam mo ba iyon,ha ineng?" nangingislap any mga Mata ng matanda habang pinagmamasdan ang paladng dose-anyos na si kath.
"Talaga ho?bakit ho?" excited na tanong ng dalagita.
"Nakaguhit sa palad mo na makakasal ka sa isang milyonaryo at makapangyarihang lalaki.at ayon pa rito sa guhit ng palad mo,nagmamay-ari Ito ng malawak na lupain sa baryo nyo."
"Wow talaga ho?sino ho kaya iyon?"
May kinuha sa Luma sira-sira nitong bag ang matanda. Ball pen at papel. May isinulat I to room at tiniklop nang maliit. Pagkuwa'y pumikit I to at dinasalanang nakatuping papel at kinuha ang kanang palad niya
"It ago mo ito,at tandaan mo,huwag na huwag mong buksan ang papel na iyan,ha? Huwag kang mainip. Kapag sumapit ka na sa desi-ocho, saka mo lang yan pwedeng buksan. At kapag nabasa mo na ang pangalan ng lalaking nakatala riyan, saka mo mapagdudugtong-dugtong na ang mga hula KO sa iyo ay pawang katotohanan."
"Talaga po? Itatago KO lang ang papel na Ito kapag nag-desi-ocho na ako at saka KO bubukasan?" Excited na tanong ni Kath.
"Oo tandaan mo, huwag na huwag mong silipin ang nakasulat diyan kung Hindi pa takdang panahon,ha?"
"Oho,tatandaan KO ho."
"Kathryn!"palapit na ang kanyang ina ng na si Aling Bea.
"At, sige ho, aalis na ako. Heto na ho ang bayad KO." Inaabot niya sa matanda ang nakatuping beinte pesos.
"Ah, Hindi na, ineng. Natuwa ako sa iyo kaya wala ng bayad ang hula.Kapag may bayad kasi, Hindi iyon to too."
"Ay,ganoon ho!"
"Oo. Basta tandaan mo lang ang bilin ko, ha?"
"Oho, sige ho." Lumapit na siya sa inang tapos nang mamili ng duster sa isang baratilyo.
"Halika na, Kath. Ikaw talagang bata ka, king saan-saan ka nagpupunta! Ano no naman bang ginagawa mo sa matandang iyon? Wala ka namang pambayad, gusto mo pang magpahula."
"Hindi ho ako nagbayad. Saka maganda naman ho ang hula sa akin at-----"
"Ay, tama na 'yan! Dose anyos ka pa lang, nagpapaniwala ka na sa hula. Halika na at gagabihin tayo nang uwi sa San Marcelino. Magagalit na namn ang tatang mo."
"Oho."
Sumunod na lang siya sa paghakbang ng Ina, habang sa kamay niya ay hawak bang mahigpit ang munting papel namaliit na nakatupi na kinasusulatan ng pangalan ng lalaking mapapangasawa daw niya.
Hinding-hindi niya iyon bubuksan, Hindi babasahin kung Hindi rin lang sa takdang panahon...

Don't Ever Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon