WALANG imik ang klase nang matapos ang report ni Miss Capistrano. Tila natigalgal ang kanyang mga kaklase sa pagtalakay nito sa buhay-tanghalan ng mga Griyego sa panahon ng sinauna nilang sibilisasyon. Bukod sa impressive ang kanyang Keynote presentation, malawak at malalim ang pagpapaliwanag niya sa kasaysayan ng tanghalan na nagtapos sa nakaaaliw na clips mula sa mga sikat na broadway musicals ngayon.
Saglit na nabalot ng katahimikan ang klasrum bago may nagsimula ng masigabong palakpakan.
"Well done, Miss Capistrano," iyon na lamang ang nasabi ko.
"Thank you, sir," malamyos ang tinig niya.
TA121 o History of Theatre ang asignatura. Binubuo ito ng mga freshmen Theatre Arts majors. Sa kanilang lahat, si Miss Capistrano, si Clarisse, ang nakatawag ng aking pansin. Sa sampung taon kong pagtuturo sa unibersidad, isa siya sa kakaunti na maituturing kong university-level na mga estudyante. Hindi nerd si Clarisse, kahanga-hangang magaling talaga siya. Mihahambing ko siya sa mga estudyante ng mga nangungungang universities abroad. Unang taon pa lamang niya sa kolehiyo, malawak ang kanyang pananaw sa disiplinang pinag-aaralan. Pansin din ito at kinagiliwan ng mga co-professors ko. Hindi siya nag-aaral upang matuto para sa magiging trabaho; nag-aaral siya para makatuklas pa ng mga bagong bagay tungkol sa teatro.
"You know, Sir Vince, because of my extreme amazement of the ancient Greeks, I'm kinda contemplating on shifting to anthropology. Kasi I believe na sobrang yaman din ang civilization natin, 'yun nga lang, wala sa sinaunang culture natin ang nagchronicle," bulalas ni Clarisse minsan isang hapon nang nadaanan niya akong nagbubukas ng office ko sa faculty hall.
"So, you're leaving us? Ganun?" Pabirong sagot ko.
Ngumiti si Clarisse, noon ko lamang napansin na brown ang kanyang chinitang mga mata. "I said I'm just contemplating. But no, walang stage ang anthro!"
"Good," sabi ko, "mawawalan ako ng tagapagpaliwanag sa klase pag umalis ka e."
"Ganun? Explainer pala ako," sinundan niya ng hagikhik.
Naunlock ko ang pinto. Wala na akong klase kaya naisipan kong yayain si Clarisse sa loob para ipagpatuloy ang usapan namin. Sumunod naman siya. Ni-lock ko ang pinto at inilapag ko ang aking mga gamit sa isang side table at pagkunwa'y pinaandar ang aircon.
"Wow, at may divan ka pa dito, sir! Performance level naman ang office mo," sabay upong pahilata sa divan na sadyang pina-ship ko pa galing sa lumang bahay namin sa probinsiya.
Likas na mapagmasid si Clarisse. Napupuna niya lahat ng mga gamit ko sa office. Tila alam niya lahat ang kasaysayan, konteksto at gamit ng mga ito.
"You're ogling everything inside my office, Clarisse," napangiti ako sa curiosity ng aking estudyante, "pumili ka ng gusto mo, kung kaya kong ibigay, it's yours."
"Talaga, sir?!" namilog an mga mata ni Clarisse sa pagkamangha ngunit saglit lang at biglang naningkit ang mga ito sa ngiti na tila ngiti ng isang batang naghihintay ng regalo.
Sinagot ko lang ng ngiti ang tanong niya.
"Hmm... alin, alin, alin ang naiba..." pakanta-kanta pa siya habang sinisipat ang bawat bagay na maaari niyang hingiin. Tumigil ang paggala ng kanyang paningin sa maliit na estatwa na nakatayo sa pagitan ng mga aklat sa isang book shelf.
"How about that terracotta soldier? Sir Vince, pleeeease...!" Malambing na pangungulit ni Clarisse.
Ayaw ko sanang pagbigyan dahil souvenir ko ang figurine ng minsang nag-attend ako ng conference sa China. Nabili ko ito sa Shaanxi province sa mismong lugar kung saan nahukay ang libu-libong terracotta warriors na sinasabing bahagi ng pagpaparangal nang ilibing ang unang Emperor ng China noong 210 B.C.
"Hmm, since that's a souvenir, dapat masagot mo muna ang tanong ko," panunudyo ko.
"Ang daya mo mo, sir," sabay halakhak ni Clarisse. "Go, what's your question?"
"Who was the first emperor of China?" Tanong ko.
"Sir Vince!" May halakhak sa pagitan ng kanyang pagsasalita. "Qin Shi Huang!" May kakaibang tono nang binigkas niya ito.
BINABASA MO ANG
Clarisse, My Student and Lover
RomanceWalang pinipili ang pagtangi at pagnanasa, umuusbong ito maging sa mga di inaasahang panahon at pagkakataon. [NOTE: Paki-vote naman ng kuwento kung nagustuhan ninyo. Salamat!]