sorry?

29 0 0
                                    

One word. Para sakin pinakaimportante sa lahat yan. Pero sa panahon ngayon parang wala nang meaning yung sorry. Lagi nalang sorry. Nakakasawa na. Grabe.

Ilang months ko nang crush si Nathaniel Santos. Nathan daw nickname pero gusto ko Nate yung tawag ko sa kanya. Naging sobrang close kami. Hanggang sa tinuring niya akong “best friend”. I know right? Best friend. Best friend zoned nalang lagi. Pero kaya ko naming tiisin.

One time, bigla niya nalang na sinabi sakin na may ka-MU na daw siya. Si Alexa daw. Sa lahat ng pwedeng i-girlfriend yung close friend ko pa? Pero syempre hindi nila alam nagalit ako at naiinis dahil ako lang naman yung nakakaalam sa feelings ko para kay Nate. Yun yung mahirap sa babae, hindi pwedeng bigla bigla nalang umamin sa nagugustuhan niya. Hindi tulad ng mga lalaki, makakita lang ng maganda sa kanto number agad yung kukunin pagkatapos ilang weeks palang sila na nga. Bakit nga ba ng unfair ng mundo? Or sakin lang to ganito?

Dahil nga “MU” sila ni Alexa lagi na rin siyang kasama ni Nate and that means third wheel ako. So mas mabuti nang lumayo ako. Hindi nagtagal naging malabo yung relationship nila. Hindi ko alam kung anong maffeel ko. Kung tuwa ba or lungkot. Pero hindi ko nalang papansinin. Sino ba ako para makielam sa relationship nila diba?

Anyways, days have passed at nagspread na rin na may feelings ako kay Nate. Hanggang sa dumating yung point na nalaman niya at nagconfess siya sakin. Pero bakit ganun? Parang.. parang iba yung naffeel ko? I should be happy na may gusto siya sakin pero bakit parang hindi? Dahil ba sa sinasabi nila na rebound lang ako? O dahil ba sinasabi nila na mang-aagaw ako? E nagustuhan ko na nga si Nate dati pa hindi pa nga sila ni Alexa? Sino ba sila para i-judge ako? Alam ba nila yung story? Oh right, people judge based on what they hear and see. This world is so messed up.

Ilang days na nga yung lumipas at medyo tanggap na nila na “MU” talaga kami ni Nate at hindi lang ako basta basta rebound. Nafeel ko rin yun. Actions speak louder than words nga diba? At dahil diyan, thankful ako dahil finally may makakaintindi na sakin. Meron nang magmamahal sakin. Meron nang magccare sa akin.

“I love you.”

Sabi ng teacher ko na once na sinabi sayo ng guy yang three words na yan, responsibility ka na niya. Pero bakit parang..baliktad? Ako yata yung lalaki dito? Lagi nalang ako yung sumusuyo even though siya yung may kasalanan. Lagi nalang ako yung kumakausap sa kanya. Lagi nalang ako!! Bakit? Pagod na ba siya sakin? Sawa na ba siya sa pagmamahal na binigay ko? Hindi pa ba sapat yun? TELL ME!!! ANO PA BA YUNG GUSTO MO NATE HA? NAKAKASAWA NA! NAKAKAPAGOD NA!

Pero bakit ganun? Isang “sorry” mo lang mawawala yung galit ko sayo? Isang “sorry” mo lang magiging okay na tayo? But “sorry” won’t fix anything. May nabasa nga ako na once na binasag mo yung isa glass, and it gets broken then you say “sorry”. Sa tingin mo mabubuo ulit yung glass sa isang sorry mo na yun? Hindi diba? You broke me Nate. Nakakainis ka! Puro ka nalang sorry wala ka namang ginagawa para maayos ang lahat! Sa tingin mo yang sorry na yan mabubuo ako ulit? Sa tingin mo ba sapat na yang sorry mo? Leche ka! I hate you! Pero wait. I cannot hate you. Nakakainis naman. Why am I so weak? I may be one of the most intelligent girl sa class but pagdating sa love sobra sobra yung katangahan ko.

Nathaniel, do you think may magagawa yang marami mong sorry? Bakit ka nga ba laging nagpapasorry e ulit ulit mo rin naman ginagawa? It’s no use Nate. Dadating yung punto sa buhay ko na mapapagod ako ng sobra as sorry mo. Lagi nalang kasi yan yung naririnig ko sa’yo. Yes, you said “I love you” to me. But everytime mag-I love you too ako, magiging cold ka. I don’t get it Nate. I don’t get you. Am I even your responsibility? Parang wala lang ako sayo. Props lang ba ako para maipagmayabang mo sa mga teammates mo na may ka-“MU” ka? Props lang ba ako para hindi ka mapahiya na single ka?

Seriously Nate, ano nga ba ako sa buhay mo?

.x Ella

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"sorry"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon