Pag-ibig ay...
**
Naranasan niyo na bang mainlove? Sa kaninong tao? Sa isang varsity player ba o sa typical nerd, isang hottie o isang boring na schoolmate? Alam naman nating naiinlove tayo sa iba't-ibang klase ng panahon, itsura at syempre. Alam naman nating iba-iba rin ang pagkatao kapag nagmamahal tayo.
Lahat nakatingin sa "Positive" kahit may nakitang "Negative". Para sayo ay gagawa ka parin ng paraan upang maging "positive" ito.
Alam mo yung feeling na makita mo lang siya, goodvibes ka na agad? Ayiie. Kahit anong flaws niya, magiging "FLAWSOME" yung tipong di mo makikita ang kahit anong kapintasan sa kanya kasi nga sabi ko kanina. We're focusing on the positive traits.
Ang sarap ng feeling ng pagiging inlove like being inspired all day, na parang namumula na at nanginginit na ang mukha mo sa sobrang kilig. Pero narerealize mo nalang sa pagkababad mo sa isang timba ng kasiyahan ay bigla-bigla kang ilalagay sa isang balde ng kalungkutan.
Ni wala manlang babala na "tapos na ang kasiyahan mo. Susunod na ang kalungkutan at masasakit na pangyayari. Maghanda-handa kana." Mga ganyan ba para atleast makapaghanda manlang tayo kahit kunti pero WALA! Kahit isang katiting na babala WALA TALAGA! >____<
Alam mo yun? Yung feeling mo sana forever nalang yung nararamdaman mong kasiyahan hanggang sa makilala mo nalang ang pinakamasaklap na pakiramdam.
THERE WE MEET HEARTACHE. Pusang gala! Ang sakit sa puso, parang gusto mo nang tanggalin dahil sa sobrang sakit! Parang di pa sapat ang araw-araw na pag-iyak dahil sa sobrang kalungkutan.
Gusto mo nang magpakamatay sa sobrang sakit na nadarama. Nabrobroken hearted ka kasi di ka niya pinansin o kaya di siya nagtetext sayo. In other term, parang feeling mo ginawa ka niyang libangan.
Pero ano ba? Ano bang karapatan mo bilang isang "tagahanga" lang sa kanya? Eh kahit nga isang katiting manlang na kahalagahan sayo eh wala! Bakit? Girlfriend ka ba niya?
Let's say masakit mag-assume, masakit umasa. Di mo naman kasi mapigilan yun dahil sa mga pinapakita niya dba? At dun napupunta ka sa stage ng GALIT.
OO! GALIT AKO SAYO! Mamatay ka sana kasama yang bruha mong girlfriend! Oo, nagstastalk kana sa fb ng "mahal" niya at kinukutsa mo! Pero minsan nafefeel down ka kasi napakaganda niya compared sayo.
Eh ano namang meron ka? Haggard ba lagi mukha mo? O kaya ang panget-panget mo? Sabog ba buhok mo araw-araw o di ka lang talaga nagsusuklay? Laglag na laglag ba eyebags mo?
MUNTANGA! MOVE-ON NA! Ilang months namang makalipas makakarating ka na sa stage DEPRESSION. Kumbaga, maiiwan mo na lahat ng kaibigan mo feeling mo wala ka nang matatakbuhan matapos mo mailabas ang galit, hinanakit at sakit sa loob mo.
Hindi mo pwede ishashare sa family mo kasi alam mo namang di naman nila maiintindihan iyon. Paano naman kasi baka pagalitan ka lang. Alam mo naman ang parents dba?
Sobrang lookforward sa future mo at iniisip na ang pag-ibig ay nakakasira ng pag-aaral. Bakit? Pag-aaral lang ba? Syempre pati mukha, kaluluwa at higit sa lahat ang puso.
Mag-eemo-emohan, magsesenti ka naman dyan at narerealize mo na masasabi mong "Wala na talagang pag-asa". Andun kana sa STAGE OF ACCEPTANCE. Binabangon mo na ang sarili mo dahil nakikita mo na ang sarili mong MUNTANGA.
Marerealize mo na baka hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa. Tuloy-tuloy na ang proseso hanggang sa tumatawa ka na ulit ng di mo namamalayan. Magsosorry ka na sa mga kaibigan mo at kung sinuswerte ka nga naman.
Pababalikin ka nila at tinanggap ulit with a power hug. Pero sabi nga nila, ang tunay na kaibigan handa ka parin tanggapin kahit anong mangyari. At dun, pumapasok si MOVING-ON sa buhay mo na masayang-masaya.
Marerealize mo na hindi lang siya ang umiikot sa mundo mo. May mga kaibigan ka pa at pamilyang maakbayan at makasama hanggang sa mawalan ka na ng pahinga, andyan parin sila para sayo ang tunay na nagmamahal ng buong puso.
Syempre, ang MAIN JOURNEY GOAL ang pag-aaral. Wag puro pag-ibig! Aral muna! At tandaan! Wag matakot magmahal muli kasi paulit-ulit lang din naman yan.
Sawi ka na naman oh hindi, tandaan andiyan ang Diyos laging nagbabantay. Alam naman ng Diyos kung sino para sa iyo o nakalaan talaga para lang sayo.
Masyado ka lang talaga kasi nagmamadali at tsaka malay mo, kaya pala di ka niya mahal kasi may "THE ONE" na naghihintay sayo sa dulo. So you must better enjoy the flow of life that God has given to you.
Just put your trust in God's hand, just surrender all the unnecessary things to God. He will help you for everything *smiles*
At syempre, hindi ko makakalimutan 'tong experience na ganito kasi alam kong naexperience rin ito ng karamihan. Pero alam ko na yata kung sino yung The One na sinasabi ko kani-kanina lang. Pero di ko sasabihin, malalaman nyo kasi eh :P
Oh ayan, wag masyadong emo ah? Kasi naman tinuruan tayong maging mapagmahal sa ating kapwa at dapat din natin tulungan ang nangangailangan kasi malaki man o maliit may katumbas parin yung ginawa mong kabutihan at alam naman natin na bawat isa sa atin ay may nakalahad na magandang kinabukasan kung magsisikap ka lang. :)
"Even we people know how complicated love is, in the end of the day. We would still choose to love."
~*~
Credits to: kaaaapkeeeeyk (my meme XD)
For entertainment purposes only.
Copyrights © 2015 by miakasnowberry
PLAGIARISM IS A CRIME.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ay....
ChickLitUmaasa? Bitter? Single? Taken? Complicated? Inspired? Maraming crush? Timer? BROKENHEARTED? Kung isa ka sa mga nabanggit, welcome ka dito! ^^