NICKLAUS
Nagkukumahog na pumasok ang secretary ni Nicklaus sa conference room. Ang lahat ng mga mata ay nasa kaniya, ngunit mas pinilit niyang lakasan ang kaniyang loob para lang makausap ang boss. Alam niyang mas malalagot siya kung hindi niya sasabihin ang natuklasan.
Nilalaro ang sariling daliri, pumasok siya sa loob. "What the hell do you think you're doing?" seryoso at nakakikilabot na tanong ni Nicklaus.
Kahit nakararamdam ng takot, tumuloy lang siya. Lumapit siya sa boss upang bumulong, "Boss, may report po akong natanggap. May nakakita po sa asawa ninyo sa isang restaurant sa Italy."
Nanlaki ang mga mata ng boss niya. Nilibot nito ng tingin ang mga ka-meeting bago seryosong bumaling sa kaniya.
"Cancel this meeting, I need to go." Nagulat ang lahat sa ginawa ng kaniyang boss, ngunit maski isa ay walang naglakas ng loob na magreklamo. "Okay po, Sir," tugon niya.
Patakbong bumalik si Nicklaus sa loob ng opisina at kaagad na tinawagan ang mga maaaring makatulong sa kaniya. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataong ito na makita muli ang asawa. Kahit nasaang lupalop pa ito, hahanapin at hahanapin pa rin niya ang babae.
"Ready the plane, Cohen. Pupunta tayo ngayon sa Italy."
Rinig na rinig niya kung paano nagreklamo ang kaniyang piloto. "Mahal mo ba ang trabaho mo?" makahulugan niyang tanong mula sa kabilang linya. Hindi nakatakas sa pandinig ni Nicklaus ang malakas nitong buntonghininga.
Opo, Boss," agap ni Cohen. "
"Good."
Mabilis niyang isinuot ang coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair at saka nagkukumahog na sumakay ng elevator. Nakasunod naman kay Nicklaus ang dalawa niyang butler at ang kaniyang personal assistant.
"Good afternoon, Sir," bati ng isa niyang empleyado ngunit, tulad ng nakasanayan, wala siyang pinansin na kahit na isa. Unlike before na ini-entertain ang mga ito ng asawa ni Nicklaus. Mabait iyong babae, asawa, at boss kaya naman hindi na siya nagtataka ngayon kung bakit ganoon na lamang ang lungkot at gulat ng mga empleyado niya nang mabalitaan ng mga ito na iniwan na siya ng babae.
Pagkalabas niya ng building ay ang saktong paghinto ng limousine sa tapat niya. Mabilis siyang pumasok kasama ng kaniyang mga butler at personal assistant. Sanay na sanay na siyang nakabuntot sa kaniya ang tatlo para na rin madali siyang makapag-utos kung may kakailanganing mahalaga.
"Sa airport tayo." Tumango lang ang driver niya saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Hindi niya pinansin ang sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino iyon.
Ilang segundo ay huminto na ang sasakyan.
"Sir, tumatawag po sa akin si Ma'am Mireille."
Pilit na inaabot sa kaniya ng PA ang cellphone ngunit hindi niya ito pinansin. Ayaw niya itong kausapin. Wala namang dahilan para makausap niya ang babae. Masyado na itong makulit, at hindi niya maintindihin kung ano ba ang gusto nitong mangyari.
"Block her number," utos ni Nicklaus dahil masyado siyang naaalibadbaran.
Walang nagawa ang kaniyang PA kung 'di ang magsinungaling sa babae. Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangan pa nilang i-entertain ito gayong hindi naman niya ito kaano-ano.
Ngayong malapit na niyang mahanap ang asawa niya, kailangan na rin niyang gawin ang lahat para mapauwi ito. Hindi na siya papayag na muli na naman itong lumayo at magtago. Hinding-hindi na niya ito patatakasin pa dahil magbabayad ito sa pang-iiwan sa kaniya.
Kung noon ay nagawa nitong mawala na parang isang bula, sisiguraduhin niyang hindi na iyon mauulit ngayon. Magiging alerto na siya sa lahat ng kilos nito at hindi na magpapakakampante pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/287212606-288-k378244.jpg)
YOU ARE READING
𝑻𝒉𝒆 𝑩𝒊𝒍𝒍𝒊𝒐𝒏𝒂𝒊𝒓𝒆'𝒔 𝑳𝒆𝒈𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒔𝒕𝒓𝒆𝒔𝒔| Series #1✔
Romance[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐈𝐌𝐌𝐀𝐂 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄] Matapos ang maraming taon ng masayang pagsasama nina Nicklaus Rich at Chantria Laurier-Rich, biglang nagbago ang lahat. Ang relasyon ng mag-asawa, na...