Prologue

635 29 10
                                    

<Yxius>

"You're a monster! Wala kang puso!" sigaw sa akin ng babae. Napaluhod siya sa lupa ay nanginginig na dinama ang abong kumakalat sa hangin. "Anak ko!" humahagulgol na tawag niya. Patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha habang nagsisisigaw. Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Kasalanan ko bang hinawakan ako ng walang kwenta niyang anak? Hindi ba nila alam na mamamatay sila kapag hinawakan nila ako?

"I'm sorry," walang emosyong saad ko. Napalingon naman ito sa akin at kitang kita ko ang poot at galit sa mga mata niya. Para bang isa akong napakanakakatakot na nilalang sa paningin niya. Napangisi ako. Sabagay, totoo naman. Tumalikod na lang ako para umalis pero natigilan ako ng sumigaw siyang muli.

"Bakit ka pa nabuhay?! Wala kang kwentang tao! Kamatayan lang ang dala mo sa lupain natin! Pinatay mo na ang Reyna at ang prinsipe namin, bakit idinamay mo pa ang anak ko?! Halimaw ka!" Nilingon ko siya at napatagilid ang mukha ko ng maramdaman ang malakas niyang sampal. Mahina akong natawa sa inakto ng babaeng ito.

"1... 2... 3." Kasabay ng pagbanggit ko ng tatlo ay nag-umpisang maging abo ang kanyang katawan. Nagsisigaw naman siya dahil sa panggigilalas at takot. At mayamaya ay tuluyan ng tinupok ng apoy ang kanyang katawan at naging abo ng tuluyan tulad ng anak niya. Napailing na lang ako. Stupid creatures.

Inignora ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa paligid at naglakad papaalis sa kapital ng Miletria. Balak ko sanang pumunta sa centro pero dahil sa mag-inang iyon, nawalan na ako ng gana.

Wala namang bago. Sinisisi nila ako sa mga bagay na hindi ko naman ginusto. Sila ang lumalapit sa akin kaya sila nagiging abo. Kung ayaw nilang mamatay, edi huwag silang lumapit sa akin. Simple. Sa tingin ba nila ginusto ko ang kapangyarihang ito? Kung kapangyarihan ba ngang matatawag dahil mas bagay atang sabihing sumpa. Lahat ng bagay na mahahawakan ko ay nagiging abo. Even a simple contact with my body. They will dissipate and wither.

Kung may paraan lang para mawala ito, matagal ko ng ginawa. I hate the disgust and fear in their faces every time they look at me. I hated that I am like this. I hated that I kill people even if it's against my will. Why am I born this way? Tanginang kamalasan yan. Bakit sa akin lahat napunta?

Nakarating ako sa isang mataong lugar kaya agad kong ipinasok ang aking dalawang kamay sa loob ng aking itim na long coat. Baka sisihin na naman ako ng mga taong iyon kapag may naging abo dito. Ngayon lang ako nakarating dito dahil hindi naman ako palalabas. Mas gugustuhin ko pang manatili sa kastilyo ko kasya makita ang disgusto sa mga mata nilang lahat.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng may humila sa akin patungo sa isang eskinita, at ang mas lalong ikinagulat ko ay ng hawakan niya ang aking batok at hinila ito papalapit sa kanya. Nang lumapat ang aking labi sa babaeng estrangherong ito ay parang may tumambol sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso. May manipis na telang mang nasa pagitan namin ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lambot ng kanyang labi. Hindi ako makagalaw sa lubos na pagkagulat at nanatiling bukas ang aking mga mata.

Rinig ko ang yapak ng mga kabayong tumatakbo at ang kalansing ng mga baluti na alam kong suot ng mga kawal. "Nasaan na ang babaeng iyon?! Hanapin ninyo!" Lumipas ang ilang segundo at nawala na ang kanilang mga yapak kaya naman humiwalay na sa akin ang babae.

Tulala lang akong nakatingin sa kanyang nakabibighaning gintong mga mata. Hindi man lang ako makakurap dahil sa sobrang pagkagulat. Bumilang ako ng tatlo sa aking isip at inasahan ko ng magiging abo siya ngunit umawang ang aking labi ng makitang nakatayo pa rin siya sa harap ko at wala man lang nangyari.

"Paanong—" Natigil ako ng marinig kong muli ang yapak ng mga kawal. Kita ko ang pagkataranta niya at botabotalheng kuryente ang naramdaman ko nang hawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinila papalayo. My black leather gloves don't even become a barrier for me to feel the warmth of her hands. Hindi ko alam kung saang lupalop kami nakarating dahil nagpadala na lang ako sa panghihila niya sa akin.

Miletria: The Withering FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon