CLEIA JAY

"Uy CJ,excited ka na ba?" tanong ni Thea bago maupo. Nasa cafeteria kami ngayon dahil katatapos lang ng subject namin sa auditing.

"Sa---" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi sumingit si Erica. "Kaloka talaga yang si Sir Corpuz 'no? gusto ko na lang maging kabute pag time nya na." reklamo nya habang naglalagay ng gamit sa bag.

"Jusko mars, sinabi mo pa. Kaloka pag nagbabalasa ng cards, mas bet ko na ipakain nya na lang sakin yung mga index card kesa sumagot sa endless kineme nya." dagdag ni Thea.

"Kakainin mo ba talaga?" tanong ko sa kanya.

"Eh ayun na nga, excited ka na CJ?" tanong ulit ni Thea. Lintek, saan ba excited?

"Saan ba?"

"Eh malapit na end ng semester, uuwi ka ba ulit sa province nyo?"

Ahh, oo nga pala, next week finals na. After nun, pwede na ko umuwi. Pero kailangan ko muna magreview for finals. "Oo, uuwi ako, miss ko na rin sina Nanay."

"Oo tama, buti naman, pero papaalam ako kay Mommy. Sabihin ko dun ako magbabakasyon kahit three days lang or one week." sabi ni Erica.

Huh??? Wala naman syang nabanggit tungkol jan. May napag-usapan ba kami na balak nya pumunta samin?

"Mars bet! Ako rin, magpapaalam kina daddy. Tsaka, malaki naman tiwala nila sayo CJ. Kahit saan pumunta basta ikaw kasama, eh okay lang sa kanila."

Wala akong masabi sa mga pinapanukala nila ngayon. Jusko maliit lang ang bahay namin dun. Tsaka alam nila na mahirap lang kami, eh scholar nga lang ako dito sa University eh.

"Desisyon kayo?" sabi ko sa kanila at tumawa nang bahagya. "Teka, di naman ganon kalaki ang bahay namin dun."

"Ano ka ba, kung di kami kasya sa inyo, edi sa hotel kami ni Erica"

"Oo nga, doon kami tutulog. Meron naman sigurong ganon don. Tsaka isa pa, di ko pa nararating yun eh."

"Oh sige, ipapaalam ko kina Nanay na sasama kayo sakin pauwi." sagot ko sa kanila. Paano ko ba sila tatanggihan, baka kasi may mangyaring masama sa kanila doon edi liable pa ako. Ayoko namang mapahamak sila or kung ano man.

"YEEEEESSSSS!!!" Agad namang nagdiwang ang dalawa. Puro aso sa bahay, baka takot sila sa aso. Pero bahala na, di ko rin naman talaga sila matatanggihan. Bukod kasi sa scholar ako dito sa Lyceum, scholar din ako ng company nila Thea.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa next class namin, 30 minutes lang kasi vacant namin ngayong araw. Last class na rin naman kaya gusto ko na rin matapos agad ito kasi gutom na si Kiba. Si Kiba yung aso ko na kasama sa apartment.

Nang matapos ang klase, nagpaalam na ko kina Erica at Thea na mauuna na akong umuwi, balak pa ata kasi nila tumambay sa starbucks. Yun kasi ang way nila ng pagtatanggal ng stress, sakin naman ay sapat na si Kiba para mawala stress ko.

Agad namang sumalubong si Kiba pag uwi ko sa tinutuluyan ko. Kung papapiliin ako kung tao ba o aso, mas pipiliin ko lagi ang aso. Nag-ayos lang ako ng ilang gamit tapos binigyan ko na ng pagkain si Kiba. Naisipan ko rin na umudlip muna bago mag-aral.


"Manong, para po!" sabi ko kay Manong. Bumaba na ako ng jeep at sa kalsada na ako tumawid. Oo, alam kong bawal pero 6:00 am palang naman, konti pa lang naman ang sasakyan. Inagahan ko talaga ngayon kasi exams na. Actually last day na ng exams, at yung last major subject na lang ang kailangan kong i-take.

Maybe This SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon