" Shit, shit, shit."
Hindi ko halos matignan ang katawan ng Nanay ni Alfred. Duguan halos lahat ng parte ng katawan niya. Nakadilat ang mga mata nito at nakaturo ang kaniyang daliri.
" Hindi mo dapat makita ang mga ganito, Azariah, come on.." Malambing na sambit ni Damian sa aking tainga. Siya ang sumama sa akin na makapunta dito, dito din pinatay si Papa, sina Alfred at Bianca, pati ang Nanay ni Alfred, dito nila pinatay.
Sino ba kasi ang amo nila?
" Ako ang huling tinawagan niya, Damian, kaya nababahala ako. Baka may nalaman siya, o kaya may gusto siyang sabihin kaya lang ay nasundan siya ng mga taong naka itim na iyon." May galit na sambit ko sa kaniya. Hinayaan niya lang ako, tinakpan na nila ng itim na tela ang mukha ng Nanay ni Alfred. Nasa likod ko lang si Damian, si Mr. Madrigal naman ang nag aasikaso sa bangkay ng Babae.
Bakit pati siya isinama?
" May nakita kaming tatak ng logo sa bandang tiyan niya. Iyong logo na iyon ay logo ng nahanap mo, Azariah, galing sa mga Fuenmayor." Paliwanag ni Mr. Madrigal sa akin. Ipinakita niya sa akin ang larawan. Agad akong napapikit ng makita iyon.
" Mainit na bakal ba ang ginamit para maitatak iyan sa katawan niya?" Tumango siya.
" Yes." Maikling sagot nito.
Tinignan ko si Damian, nakangisi siya habang nakatingin sa bangkay ng Babae. Nang magtama ang aming mga mata ay saka na umamo ang kaniyang mukha.
Anong problema?
" Anong balita doon sa voice record kay Bianca? May nahanap ba kayo? Gusto ko ding marinig." Sambit ko habang naglalakad kami palabas sa crime scene.
Tinignan ni Mr. Madrigal si Damian.
" Maaari mo siyang marinig bukas, sa ngayon, umuwi ka na muna at magpahinga, may aasikasuhin ka pa bukas." Tumango ako sa sinabi niya.
Sumakay ako sa kotse ni Damian, inalalayan niya ang bandang uluhan ko habang paakyat ako.
" Mag iingat ka, Mr. Madrigal, see you tommorrow." Paalam ko.
" See you."
Sumandal ako sa upuan, at saka ako pumikit.
" Are you sleepy?" Tanong ni Damian, tumango ako. Inalis ko ang suot kong sandals at saka ako umayos ng upo, kahit ang bag ko ay nasa ibaba na.
Inilagay sa akin ni Damian ang coat niya, inayos ang bag ko at saka siya nagsimulang mag maneho pabalik sa bahay.
" She hurts you, she deserves it."
Nasa kwarto na ako nang magising ako. May lalaking nakaupo sa tabi ko, kaya alam kong si Damian iyon, nakatingin siya sa akin, at saka hawak ang kumot ko. Idinilat ko nang tuluyan ang aking mata at saka ko hinila ang kaniyang kamay.
" Damian, huwag kang aalis." Sambit ko sa kaniya. Agad siyang lumingon sa akin, nagtama ang mga mata namin. Inaantok pa ako kaya papikit pikit pa ang aking mga mata.
" Wala akong matutulugan dito-"
Hinila ko ang kamay niya saka siya pinahiga sa aking tabi.
Hindi naman siya umangal.
" Dito ka na muna, please? I'm scared. Don't leave me, Dami."
Nagising ako kinaumagahan dahil sa katok mula sa labas ng aking kuwarto. Kahit ang katabi ko ay nagising din. Nakahawak pa ako sa kaniyang mga dibdib kanina nang magising ako, mabuti nalang at nauna akong nagising bago siya namulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/280076410-288-k990849.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
ActionUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...