Ang pagtatagpo sa Ped Xing

144 3 2
                                    

Bobo Chronicles #Prologue

"Takbo! Takbo!"

Bakit ba naman ngayon nangyayari sa akin 'to. Kakagraduate ko lang kanina, tapos ngayon mamatay na ako?!? Hindi ito pwede.

Huminto na lang kaya ako, tapos iabot ko na lang bag ko? Ayoko. Hindi pwede, andito lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng limang taon. Pinaghirapan din ito ng magulang ko, ayoko!

Hala Takbo pa. Bakit pa kasi dito nila naisipang magyaya gumimik, hindi ko kabisado 'tong lugar na ito. Pambihira, nauubusan na ko ng hininga, napapagod na ko, pero naririnig ko sila na hinahabol pa rin ako. Ilan ba sila? Hindi ko magawang lumingon, baka pagnakita ko kung ilan sila at kung anong hawak nila, mas lalo akong mawalan ng pag-asa.

"Tulong! Tulong!" Asan ba ang mga tao dito? bakit ganun, ala-una pa lang pero madilim na at wala ng tao. Kung diretso lang ang takbo ko, walang mangyayari sa akin dito. Kailangan kong tumawid, pero paano, hindi nga ako mapapatay ng humahabol sa kin, pero pag nasapol ako ng sasakyan, baka diretso na ko sa morge. Pasaksak na lang ako baka may chance pa ko mabuhay.

Hindi. Paano kung tagain ako ng maraming beses. Saksak o sagasa? Diyos ko, tulungan mo po ako. kakagraduate ko lang pls. gusto ko maranasan sumahod, gusto ko pang maranasan maging isang Makati Boy.

Mag-isip ka maige. Grumaduate ka dba? Matalino ka. Dapat ka makaisip ng solusyon. Isip, isip. Ano nga bang napag-aralan ko na pwede ko gamitin dito. Ah Physics. Tama, Acceleration! Acceleration is defined as the rate of change of velocity. The rate at which the speed of a moving object changes over time.

Teka. Pagod na ko paano pa ko mag-aacelerate nito. Ano ba naman 'tong kabobohan ko. May pa-accelerate accelerate pa akong nalalaman. Yung subconscious mind ko gumagana pero bakit puro hypothesis lang na-gegenerate ng utak ko. What I need is a reasonable solution para makaalis ako dito.

Pero ang mga humahabol sa kin, nag-aacelerate. Naririnig ko na sila mga limang hakbang na lang siguro pagitan namin. Palapit sila ng palapit sa kin, Sadyang madilim lang ba? Bakit ndi ko maaninag ang mga mukha nila. Teka isa pang lingon, titignan ko maige ang mga mukha nila. Bad Trip! Parehas sila naka-sumbrero, yung isa matangkad at mukhang sa isang saksak nya pa lang sa kin mamatay na ko sa laki ng mga braso niya, pero yung isa maliit lang... Teka?!? Siya ung nagbebenta ng yosi at candy sa labas ng bar kanina, siya yung kakuwentuhan ko.

Ang hirap isipin na kung sakaling huling araw ko na sa mundong ito eh kasalanan ng kabobohan ko. Bakit ko ba naisipang makipagkwentuhan sa tinderong ito kanina paglabas ko ng bar. Bakit ko binuksan sa harapan niya ang bag ko nung kukuha ako ng bayad para sa binili kong bubble gum. Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mamatay dahil sa katangahan lalong lalo na sa araw ng mismong graduation ko. Hindi ako makapapayag. 

"Takbo pa! Bilisan mo! Wag mo hayaan na mangyari ang kalapastanganan na ito sa isang taong naghirap ng limang taon makatapos lang ng Engineering." Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko, paulit ulit kong kino-convince ang bawat parte ng katawan ko na kahit pagod na pagod na sila kailangan nilang kumilos at gumawa ng paraan para makatakas.

"Takbo. Takbo pa." Mahina kong bulong. Hindi ko na kaya. Sisigaw na ako, tama, kailangan kong sumigaw. 

"Tulong"- Teka, bakit parang bumulong lang ako? Bad trip. Wala akong boses. Sa sobrang pagkahingal ko hindi na ako makasigaw.. 

"Panginoon, tulungan mo ako." Mahina kong sambit habang pinipilit pa rin tumakbo ng bawat parte ng katawan ko. Hindi na ako nakapag-iisip ng tama, puro takot at pagkabalisa na lang ang nararamdaman ko. Sa panahon na ito wala na kong ibang matatakbuhan kung hindi ang Diyos.

Sa hindi kalayuan may nakita akong karatula. "Ped Xing."  Ayun tama, walang ibang paraan para makatakas. Tatawid ako sa kabilang kalsada. Kailangan ko ng maayos na tyempo, sana walang sasakyan na dumaan. Ayan paglagpas ng kotseng pula ang pinaka tamang timing para tumawid.

Ayan! Pwede na ko magiba ng direksiyon. Hala Takbo! Bilis, tawid sa kabila!

Medyo malayo pa yang susunod na sasakyan kaya saktong sakto. Mukhang nagulat ang mga humahabol sa akin dahil bigla akong nag-iba ng direksyon. Sakto. Kailangan ko gamitin ang pagkakataon para bilisan sa pagtawid. 

Teka ano un? Bakit may babaeng tumatakbo, patawid sa pinang-galingan ko?  San siya papunta? Bakit patawid sya dito? May humahabol din ba sa kanya? Parehas ba kaming pinipilit na tumakas sa mga humahabol sa amin?

Ano ba meron sa lugar na 'to. Pugad ba dito ng masasamang loob? 

Miss wag ka dito. May humahabol din sa akin dito. Asan ba ung humahabol sa kanya? Medyo madilim din sa kabilang kalsada, hindi ko masyado maaninag.

"At this rate If I am in point A, and she is in point B and we are trending to one direction, We will meet at point C. Boom! Ang talino ko, Isosceles triangle ang mabubuo namin. We will be meeting at point C technically, that's the Vertex Point. We are on two different sides yet we are equal and soon we will collide." Wow. Ang lakas. Naisip ko pa ang mga ganitong application kung kailan life threatening situation ang na-eexperience ko. Minsan talaga pag nag-overthink ka at nagpakatalino sa mga sitwasyon na simpleng bagay lang ang sagot, nagiging bobo ka. Ang maling pag-gamit ng katalinuhan ay kamang-mangan.

Tatawid ka lang naman at tatakbo, yan lang naman ang solusyon. Ano ba kinalaman ng tatsulok dito? Bigla akong natauhan at sabay balik sa gunita at pilit na binabaybay ang kalsada patawid sa kabila.

Anong gagawin namin pag nagkasalubong na kami. Bahala na. Puro ako postulate, wala namang makitang theory na applicable sa problemang ito. Bat pa kasi ako isip ng isip ng scientific and mathematical solutions, hindi naman to Physics. Physic-alan to.

Ayan malapit na sya. Tatlong hakbang na lang... Dalawa... Isa.

"Akin na yang kamay mo!!!" Sigaw sa akin nung babaeng nakasumbrero, white shirt at maong pants na makakasalubong ko sa loob ng ilang segundo.

Teka, ano? bakit may paghingi ng kamay? Walang humahabol sa kanya? Kasabwat ba siya?

"Akin na sabi yang kamay mo." Sigaw nyang muli.

"Bakit?" sagot ko.

"Hawakan mo kamay ko dali!" Pagmamadali niyang sinabi sa akin.

Hindi ko alam, bahala na. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya, agad niya itong kinuha at hinawakan ng mahigpit sabay ngumit at sinabing: "Humawak ka ng mahigpit, lilipad tayo."


 ============================================ 

Playlist: Take You away by Angus & Julia Stone.

https://www.youtube.com/watch?v=8JvY4b0k-jU

============================================  








Bobo Chronicles!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon