Ang balik ng bobong Foot Bridge

33 0 0
                                    

BOBO Chronicles #002 

"Manong pakitabi po sa tabi," Napakaredundant ng aking sinabi pero wala na ako sa katinuan kaya hindi ko na pinansin. Ang mahalaga maitabi ni Manong yung taxi sa may tapat ng computer shop. Pagkatigil ni Manong Driver, tumingin ako sa side mirror, habang sinabi ko sa mga taong nakaupo sa likod ng taxi "Mauna na kayo, magpapalamig lang ako." Wala silang nagawa kung hindi buksan ang pintuan ng kanang bahagi ng taxi, bumaba at sabay sabi sa akin na ingat ka, bago isinara ang pinto. "Manong pakidiretso lang, doon lang po ako sa bandang unahan" baling ko sa driver. Habang umabante ang sasakyan, naisip ko, masarap pala sa pakiramdam yung ginawa ko. Ang sarap mag-walk out, pero sa pagkakataong ito, ang astig ng walk-out ko. Literally, hindi ko matatawag na walk-out kasi sila ang pinalabas ko ng sasakyan. Pero ang sarap sa pakiramdam, hindi dahil nilayasan ko ang mga kaibigan ko pero dahil nakawala ako sa kanilang presensiya at ano man ang maisip kong gawin or sabihin, malaya akong magagawa ang mga ito.

Manong pakitabi na lang dyan sa tabi, sa may tapat ng simbahan, dyan sa may convenience store. Ayun, dito ako nalugi, ako magbabayad ng taxi, mokong na mga iyon mukhang sila pa nakaisa sa akin. Pero dahil mabait si Manong at pasensyoso siya sa pagsisimangot ko, binigyan ko siya ng extra. "Manong ito ho, Merry Christmas." Pagkakuha ni manong napangiti siya at sabay sabing "Salamat, toy."

Pagka-baba ko ng taxi, pumasok ako sa convenience store, sabay diretso sa banyo. Laking pasasalamat ko kasi may banyo ang tindahan na ito, kanina pa ako nagpipigil ng ihi, bago pa pumutok ung nagngangalit na bulkan sa ulo ko at bago pa ako biglang pumara ng taxi at magyaya umuwi sa pagkapikon ko sa isang hindi magandang biro na binato sa akin.

Laking ginhawa ng makaihi ako, pakiramdam ko lahat ng init ng ulo ko sumama sa mga tubig na lumabas sa aking katawan. Ang sarap din sa pakiramdam na Iflush lahat ng nararamdaman mo. Pagkalabas ko ng banyo dumiretso ako sa hilera ng mga refrigerator para mamili ng iinumin, ano bang tawag dito? Hmmn. Hindi ko alam. Basta hilera siya ng refrigerator.

Ang bigat ng pakiramdam ko, ano ba dito ang iinumin ko para gumaan kahit kaunti lang. Chuckie, Sprite, Mogu-Mogu, Vitamilk.. Hmmn asan ba yung hinahanap ko?!? Ayun! Beer! Pinagmasdan ko at inisip kong maige. Makakatulong ba sa akin ito? Pag ininom ko ba ito mababawasan problema ko? Sabay batok sa sarili at sabi: "lakas! bibili ka ng beer, hindi mo naman alam ang lasa." Nakalimutan ko, hindi pala ako umiinom.

Minsan sa sobrang bigat ng dala mo, napipisa sa bigat si Utak mo, kaya itong si Puso dahil maikli ang pasensiya at hindi makapaghantay ng mga utos galing kay Utak, magbibida at siya ang mag-iisip. At sa mga panahon na pinipilit na gampanan ni Puso ang hindi naman niya gawain, doon gumugulo. Doon nagiging kumplikado.

So ayun no choice at dahil malakas maka bote ng beer ang vitamilk kaya eto na lang, tutal it's all about mindsetting. So kinuha ko ung Choco Shake na flavor at binayaran sa counter. Paglabas ko ng tindahan, isa agad ang naisip ko. Waiting Shed! Kailangan ko maghanap ng Waiting Shed! Doon makakaupo ako at makakapagisip, tulad ng nangyari sa akin nung isang araw.

Naalala ko ung Waiting Shed sa may tapat ng pagawaan ng mga tarpaulin. Napangiti ako, sabay nagmamadaling pinuntahan ung lugar na hindi naman ganun kalayuan, mga limampung hakbang at kalahati siguro andun na ko. Nung ika-apatnapu't isang hakbang nasilayan ko na yung lugar kung nasaan ung pinakamalapit na waiting shed sa kinalalagyan ko. Bigla akong napasimangot.

Doon tumambad sa harap ko yung Foot Bridge. Ito yung Foot Bridge na tuwing nakikita ko, napipikon ako. Naalala ko pinost ko pa sa FB ung picture nito dahil sa asar ko sa mga pulitikong gumawa ng proyekto na ito.

→→→

The best way to honor people who pay taxes is to use their contributions wisely.

I'm really hoping that this project will be worth it.

Bobo Chronicles!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon