ako ay nag-iisa sa sulok ng kawalan
hinahanap ang sarili subalit di matagpuan
nagiisip, nagtataka, nagugulumihanan
ako ay nag-iisa, ako ay nag-iisa.. sa kawalan.
ako ay nag-iisip sa sulok ng kamuwangan
inaalam ay marami pero walang kasagutan
nagtatanong, naghahanap, nagugulumihanan
ako ay nag-iisip, ako ay nag-iisip..sa kamuwangan..
ako ay nagtatanong sa sulok ng kamangmangan
tinutuklas bagay-bagay at kanyang pinagmulan
naghahangad, nagmamatyag, nagugulumihanan
ako ay nagtatanong, ako ay nagtatanong, sa kamangmangan.
ako ay naghahangad sa sulok ng kasalatan
inaasam ay kayraming samut-saring yaman
nangangarap, nagnanasa, nagugulumihanan
ako ay naghahangad, ako ay naghahangad, sa kasalatan.
ako ay nangangarap sa sulok ng kabiguan
sa aking pag-iisa sa sulok ng kawalan
sa aking pag-iisip sa sulok ng kamuwangan
sa aking pagtatanong sa sulok ng kamangmangan
sa aking paghahangad sa sulok ng kasalatan
ako nga ay nag-iisa, nag-iisip, nagtatanong, naghahangad.....ng kawalan.