08

59 7 0
                                    

KYLIE

Lahat kami ay binalot ng kaba ng marinig namin ang malalakas na katok ni Rosemarie.

“Guys, ano ng gagawin natin?” kabadong tanong ni Ate Mayet saka siya tumingin saʼkin.

Nanlaki naman ang mata ko ng hinawakan niya ang kamay ko.

“Kylie, please help me. I donʼt want to die!” bakas ang panginginig sa boses niya.

Maski ang kamay niya ay malamig rin. Napalunok na lang ako dahil maging ako, hindi ko alam kung ano bang dapat na gawin.

“Stay there.” utos ni Jin saʼmin saka siya lumapit sa pinto.

“What the f ck, Jin! Donʼt tell me, youʼre going to open the door?” tarantang sabi naman ni Ate Mayet.

Inis naman siya nitong nilingon.

“Shut up, okay? Iʼm trying to figure things out. If you have nothing to say, just shush!” gatong niya naman.

Hindi na nagsalita pa si Ate Mayet. Hinayaan lang namin si Jin sa gusto niyang gawin.

Lahat kami na nandito sa kwarto ay tinitingnan siya habang dahan-dahan niyang pinipihit ang door knob.

“Jin!” napasigaw kami ng matumba siya dahil sa lakas ng pwersa na nanggagaling sa pinto.

Kaagad akong tumakbo kay Jin at inalalayan siyang makatayo. Napaangat ako ng tingin ng naramdaman kong may lumapit sa amin.

Nakita ko si Rosemarie na nakangiti sa akin ng nakakapangilabot at tama nga si Ate Mayet. Itim ang mata niya.

“Rosemarie.” pagtawag ko sa pangalan niya.

Parang wala siyang narinig. Nilagpasan niya lang ako saka siya naglakad papunta kay Ate Mayet.

“Ate Mayet! Takbo!” sigaw ko saka siya dali-daling tumakbo palabas ng kwarto.

Halos matulala ako ng makita kong walang nagbago reaction niya. Nakangiti pa rin siya.

“What are you doing, Kylie? Letʼs run!” tarantang sabi ni Jin saka ako hinawakan sa palapulsuhan at hinila palabas.

Hindi ko alam kung nakasunod ba saʼmin sina Jamesric o naiwan sila sa loob. Wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi si Ate Mayet.

Kahit naman naiinis ako doʼn kasi pabida at feeling leader, ayoko naman na mamatay siya. Ayokong maulit pa ang nakita kong pagpatay ni Macky kay Dalvyn.

“Napano kayo?” tanong ni Agor na mukhang walang ideya kung anong nangyayari.

Magsasalita na sana ako ng nakita ko si Ate Mayet na tarantang tumatakbo papunta saʼmin.

“Sheʼs here! Guys, help!” sigaw niya saka siya nagtago sa likod ni Jin.

Nakita kong nagmamadali naman sina Jamesric, Sheila at Roselyn na bumaba ng hagdan.

Nasa likod naman nila si Jhamil na chill lang na naglalakad. Nakapamulsa pa siya.

“Can someone tell us whatʼs happening?” naguguluhang tanong ni Exequel.

Wala ni isa ang nakasagot sa amin. Lahat ay natulala ng makita naming pababa na ng hagdan si Rosemarie.

Nakangiti lang siya. Matingkad na itim ang mata niya kaya naman kahit mga kaklase namin, hindi rin kumikibo.

“F cking sh t. Ganyan na ganyan rin ang mata ni Macky bago niya patayin si Dalvyn.” kabadong sabi ni Agor.

Nanginginig na ang tuhod ko sa mga oras na 'to. Gusto ko ng tumakbo palabas ng bahay. Gusto ko ng umuwi.

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon