Prince Dwight Raven Windsor POV
Palakad lakad akong nag mamasid at nag pasikot sikot sa palasyo habang iniihip ang fresh na hangin ng biglang may tumawag sakin yumuko ito bilang pag galang
:"Prince Dwight pinatagawag ka ng mahal na Hari sa bulwagan"
"Sabihin mo ano yun?"
"Walang sinabi mahal na prinsipe basta ka nalamang ipinatawag"
"Sigeh una kana susunod ako"
"Per-"
Sinabi kong susunod ako Timothy.pagputol ko sa kanyang sasabihin
"Masusunod Mahal na prinsipe". Mabilis itong naglakad nang makita ko siyang nakalayo na ay naglakad narin ako patungo sa bulwagan.
Bulwagan
Pagbukas ng pinto nakita ko ang Hari na nakaupo sa kanyang trono katabi ang mahal na reyna at ang Bunso kong kapatid
Pinapatawag mo daw ako Ama?
"May nabalitaan akong bumaba sa Pilipinas si Haring Oliver at doon ay mananatili muna siya ng limang taon"
"Anong balak mo Ama?"
"Nais kong sundan mo siya at ang kanyang anak Upang silay mapangalagaan sapagkat si Haring Oliver ay aking matalik na kaibigan at kapatid sa puso nais kong protectahan mo sila at ang kanyang anak na si Amesthry at lalo nang susundan rin sya ng kabilang kaharian upang patayin at gamitin ang kanyang anak at salakayin tayo nito"
Bigla akong natigilan sa sinabi ng aking ama biglang lumundag ang puso ko dahil sa tuwa ngunit hindi ko ito matukoy kung bakit dahil ba sa pinag kakatiwalaan nya ako o dahil kay Amesthry.
"Masusunod ama"
"Magaling ngayon din ay luluwas kana nakahanda na ang mga gamit mo pinahanda ko na isasama mo si Timothy"
"Masusunod ho".
Magaling din tong ama ko akalain mo hindi ko pa alam pero naka impake nako advance mag isip pano kung di ako pumayag psh asa ayoko mapugutan ng ulo.
*PHILIPPINES*
Narating namin ang Pilipinas ng walang kahirap hirap nandito kami sa biniling lupain at bahay ng aking ama upang aming tuluyan hindi ko masasabing bahay to sa sobrang laki at pagpasok ko palang ng gate ay nakita ko na ang mga alipin dito dati nakong sanay sa buhay dito at pananalita nila pagkat dito ako lumaki 10 years akong nanirahan dito.
"Magandang araw Prinsipe". Saka itoy yumuko
Tiningnan ko siya si Lola Lylia ang nag alaga sakin nung bata ako niyakap ko sya at halata rito ang gulat
"Wag niyo nakong tawaging prinsipe yaya anak nalang ho"
"Lumaking mabuti ang alaga ko nagagalak ako anak hala pumasok kana sa iyong silid at ipaghahanda ko na kayo ni Timothy"
Pumasok ako sa aking silid at nakasabay parin sakin si Timothy
"Timothy dito wag mo akong tawaging Principe ang itawag mo sakin ay Ang aking pangalan"
:"Ngunit prinsipe"
"Hindi tayo pwedeng mabuko Timothy". Pagputol ko sa sabihin nya
"Masusunod Dwight"
"Ganito ang plano Dwight ikaw ang magbabantay kay Haring Oliver at ako kay Amesthry"
"Ngunit alam niyo ho ba kung saan si Amesthry at Haring Oliver?"
"Oo si Haring Oliver ay naninirahan din dito malapit lang, ikaw at si Amesthry ay nag aaral sa pag aari ng aking ama tatlong taong na makalipas ng itoy muling bumangon at mas lumaki pa dahil sa pag unlad ng ating ekonomiya mas lumago ang skwelahan ngayon mag aaral ako dun mag papanggap akong normal na estudyante at ikaw ay magpapanggap din na normal na body guard sabihin mo lahat kay haring Oliver ito ngunit hindi ang nakaraan namin ni Amesthry"
"Masusunod Dwight"
"Doon kana sa iyong silid"
Mabilis itong naglakad tungo sa kanyang silid"Amesthry makakaya ko na kayang harapin ka habang iniisip ko ang bagay na ating nakaraan?"hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
YOU ARE READING
IM IN LOVE WITH THE ASSASSIN
RomanceHOT BUT IMMATURE GUY FELL INLOVE WITH A BEAUTIFUL HOT BUT COLD WOMAN -This story will be revised and edited,there might be different scenes that you may read. -This story is a teen-fiction you can encounter a wrong spelling, wrong grammar,error type...