"Ginagawa mo dito?"

Masama ko syang tinignan mula ulo hanggang paa. Agang-aga bbwisitin ako! Gusto talaga nito masaktan.

"Maglulunch ka na? Sabay na tayo!" Yaya nito sa akin. Inirapan ko ang sya at hinila na si Eunha.

"Si Eunha kasama ko maglunch." Nilagpasan ko lang sya pero sumunod pa rin sya sa amin.

"Yayayain daw ni Mingyu si Eunha mag lunch! Sabay ka na sa akin!" Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap sya.

"JK, kung gusto mong gumanti sa hindi ko pag pansin sayo before, suntukin mo na lang ako." Hamon ko dito. Di agad sya nakasagot pero agad na natawa sa sinabi ko. Aba? Akala yata nito, nagjojoke ako.

"Hindi ako nananakit ng babae."

"Pumikit ka tas ispin mong lalake ako. Isang suntok lang naman e." Sabi ko dito pero lalo syang tumawa. Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil hindi naman ako nag papatawa!

"SERYOSO AKO!" Sigaw ko dito.

"Seryoso nga din ako sayo!" Sagot nito sa akin. Parang tanga naman tong lalaking to. Ang  pangit mag joke, hindi funny.

"Bahala ka dyan."

#𝟏 ‣ 𝘿𝘼𝙍𝙀❜ᴶᵘⁿᵍᵏᵒᵒᵏTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon