Simula
"Tara na, Wana!" sigaw ni Nyla nang makitang nasa likuran pa'ko ng pinag tataguan namin.
Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko, tsaka sumunod ng takbo sakaniya. Rinig ko ang mga reklamo niya habang papalapit ako sakaniya.
"Mygod wana! Kung hindi siguro kita tinawag malamang sa malamang nakita kana ng mga kuya mo " iritang ani ni nyla.
Hindi ko siya pinansin at bumuntong hininga nalang. Siya naman kasi ang nakaisip na pumunta kami sa tambayan nila kuya para tignan kung naandon ba si Kuya Ludas at ng makitang nandon nga si kuya at may kasamang babae nag simula nang mag bago ang mood niya.
"Anong oras palang naman tumambay na muna tayo sa Duck A. Nandon ngayon sila sovi " aya sakin ni nyla.
"Alam mo naman na bawal ako gabihin, atsaka alas singko na. Alam mong may curfew ako" Pagrarason ko, alam kong kahit mag rason ako hindi papayag si Nyla na hindi ako kasama. Pero sabi nga nila diba? walang masama sumubok.
"Jusko! Labing pitong taong gulang kana wana! Ano bang tingin mo sa sarili mo? Bata pa!? " Taas kilay na sabi ni nyla sakin bago ako inirapan.
Hindi naman siguro magagalit sila Daddy pag na late ako nang uwi? tutal sila nyla naman ang kasama ko. At sa Duck A lang naman kami pupunta malapit lang saamin, tinignan ko si nyla nakita kong nakatingin 'to sakin mukang inaantay ang sagot ko.
"Sige na nga." agad na umaliwalas ang muka niya ng marinig ang aking sagot. "Yes! The best ka talaga" masayang ani niya tsaka kumapit sa braso ko.
Inilibot ko ang tingin sa aming dinaraan, hindi talaga maipagkakaila ang ganda ng laguna. Napapalibutan ng mga bundok at may sariwang hangin kahit pa'y may mga dumadaan na kotse at tricycle.
Tatlong beses pa lang ako nakakadayo rito, samantalang sila Nyla ilan beses na nakapunta. inaraw araw na ata nila ang pag punta rito. Basta pag ka awasan deretso na agad sila sa Duck A.
Nakita na kaagad namin sila Sovi sa isang bench, kompleto silang lahat at mukang nag kakasiyahan na. Maraming tao sa Duck A ngayon, halos lahat ng bench ay man nakaupo na mga istudyante.
"Akala koba hindi kayo sasama? " bungad na tanong samin ni lucilia. Agad na umupo si Nyla.
"Oo nga, akala koba pupunta kayo sa tambayan nila Ludas? " sunod na tanong ni debilyn. Nag kibit balikat lang ako at hinayaan na si Nyla na ang mag kwento.
"Wag nga kayo matanong! Hindi ako pumunta rito para tanongin niyo ng mga walang kwentang bagay!" bulyaw ni Nyla sakanila. Agad naman sila nag si-tawanan mukang alam na agad ang nangyare.
"Oh ano Nyla? sinabi naman na kasi namin sa'yo kay Jason ka nalang. Pogi din naman yon." natatawang ani ni sovi.
Nag si sang-ayunan sila na s'yang mas kinainis ni Nyla. Nag patuloy lang sila sa pag aasar kay Nyla na ngayon ay mukang asar na asar na dahil sa muka nitong parang pinag sakluban ng langit at lupa. Hindi ko rin alam kay Nyla kung ano bang nagustuhan niya kay kuya. Mag iilan taon na rin siyang patay na patay kay kuya.
"Look, nandito na sila. " saad ni sovi habang nakatingin sa aming likuran. Sabay kaming lumingon ni Lucilia sa tinitignan ni sovi.
Nakita namin ang grupo nila kuya na nag lalakad papunta sa dulo ng Duck A. Kompleto sila at halos lahat sila may mga kasamang babae probably their girlfriends or flings, maybe.
"Oh may bagong flavor of the month nanaman pala si kryos" pabulong na sabi ni debilyn.
Tumango ako bilang pag sang ayon. buwan buwan iba't ibang babae ang nagiging girlfriend ni kryos. Minsan nga dipa umaabot ng buwan. Sakanilang mag tro-tropa isa si kryos sa madalas mag palit ng babae. but i'm not gonna lie kryos is handsome with his buzzcut hair. Kaya hindi ko ito masisisi kung bakit andaming nag kakandarapa sakaniyang babae.