1

5 1 0
                                    


Monday na monday, tirik na tirik ang araw. It will be my first day of school in high school that's why I tried to go alone than be awkward because some nannies will be by my side. Biglang tumunog ang bell nang aming paaralan "Welcome students of Emellio University School, this will be your first day in class,  please be guided by the schedules given to you. ENJOY!"


Pumasok na ako sa room at napahinto nang bigla akong nakakita ng mala anghel sa kagwapohan na kaklase. Matagal ko siyang pinagmamasdan habang siya ay nagsusulat ng schedule sa whiteboard. "Goodmorning class, since today is the first day of tha class, nakasanayan na nating i-introduce ang ating mga sarili. And since we have a new student, she'll introduce herself first to us" Saad ni Ms. Hernendes.


At dahil ako ang ang bagong student, nagpakilala na'ko sa kanila. "Hi everyone i'm Maxemillia Reid, the one and only heiress of Emillio University School and Axe Airline. BTW, just call me Max. Also some of you know that Axe Airline is the best airport in Manila." Everyone was shock about my introduction except for the teacher and the man besides me who was always late, si J. "Clap your hands" sabi ni ma'am. Pagkatapos nilang magsipalakpakan ay sumunod ng magpakilala ang kababata kong kaibigang si J.


"Hi guys i'm Jayrald Peters, the son of Jayn Peters, the principal here in the school that's why no one should come closer to me." banta niya. "I'm just kidding HAHAHA, and don't forget to call me J." Nang natapos na si J ay agad sumunod ang mga kaklase ko. Panghuling nagpakilala ang lalakeng kanina ko pa tinitigan dahil ang gwapo:>


"I'm Kleoh-Drey Soriano, I live in USA before but I transfered here and also I am the son of the CEO of Softee Airplanes, and we customize airplanes. Call me Kleoh." Airplanes? Baka pwede kong ipakilala kina mom at dad ang Softee Airplanes. For sure malaking sales ang mangyayari kapag naging business partners ang mga magulang namin.


~makalipas ang 4 na buwan~


"Max!Max!" Sigaw ng kaklase ko. "Oh? Bakit?" Tanong ko sa kanya. Kumakain lang ako ng snack dito sa may bench. "May gusto raw si Kleoh sayo!" Kinikilig na saad niya na para bang sya ang gusto ni Kleoh eh ako naman. Wait, what!? Ako? May gusto siya sa'kin? Yessssssssssssssssssssss!


Tumahimik lang ako na parang wlang nangyare ngunit tila kinakabahan at kinikilig ako, hindi ko namalayang sumilay na pala ang isang ngiti sa aking mga labi. Mapabalik-balik na ata ang salitang 'may gusto siya sa'kin' sa utak ko.


Kinaumagahan may biglang humawak sa aking kamay at hinila ako, hindi ko naman inaasahan kung sino iyon. "K-kleoh!?" Gulat na gulat na saad ko. Bigla niya akong pinatahimik, takot atang may makarinig. "Ah...eh pasensya na, may gusto lang sana akong sabihin sa iyo" Saad ni Kleoh. Tila kinakabahan.


"Sasabihin? Sa akin? Ano?" Nauutal kong tanong sakaniya. Eto na ba 'yon? Magco-confess na ba siya? Ack!"Gusto kita!" Saad nito sa akin. Naging bukangbibig ako sa katapangan niya. Alam kong may gusto siya sa'kin pero iba pala ang pakiramdam kapag siya talaga ang nagsabi sa'yo ng personalan. Dali-dali ko ring sinabi ang nararamdaman ko. Ayaw kong magpaligoy-ligoy pa. Ganiyan dapat, hindi na kailangan mag-isip pa. "Kleoh Soriano! Gusto rin kita" Sa walang pag dadalawang isip na saad ko.


Naging mag kasintahan na kami ni Kleoh at naging masaya ngunit biglang may hindi inaasahan na pangyayari. Ipinatawag ako ng principal pagkatapos ng physics lesson namin. Pumasok ako sa principal's office at nadatnang nag-uusap ang principal at sina mom and dad. Teka, may kasalanan ba'ko?


"Ipinatawag kita dito dahil marami tayong pagpaplanohan about your marriage with my son Jayrald after you two finish your studies" Saad ni Ms. Peters. Kasal? Bat ako ikakasal? Nagulat ako sa sinabi ng mama ni J, at ang mas ikinagugulat ko na sumasang-ayon si dad at mom. Alam kong biro lang ito.


"Pero Mom, Dad, ayoko po!" Galit na saad ko.


"Maxemillia!" sigaw ni Dad sa akin. "Kung gusto mo ng pamana ko, magpapakasal kayo ni Jayrald" sabi ni dad na para bang wala ng makakapigil sa kaniya. Sumang-ayon din si Mom dahil mag kumare sila ng mama ni J.


"Akala ko ba ay biro lang ito?"Nag walkout ako dahil sa galit. Baka ano pa ang masabi ko sa kanila na masama.


~Makalipas ang 7 malungkot na buwan~


Biglang bumagsak ang Axe Airline at sa kalapitan na bankruptcy ng company ni Dad. Mas naging malungkot pa ako sa mga pangyayari. Bumaba ang sales at mga pasahero. May aksidente kasing nangyari sa isang airplane kaya't maraming tao ang nabahala at natakot na baka sila ay madamay din kapag sumakay sa eroplanong mga gamit ng Axe Airline.


"Emillia!" Sigaw ni Dad. Dali dali akung bumaba sa hagdan at pumunta ky Dad. Na'sa sala siya at nagbabasa ng dyaryo.


"Daddy! Max po itawag niyo sa'kin" reklamo ko.


"Ipo-postpone ko na ang kasal" sabi nito. What? No! Magsasalita na sana ako kaso may idinagdag pa siya. "Ngunit sa ibang lalake ka ikakasal"


Bigla akong nagtaka at napa-isip kung kanino ako ikakasal. Sa ibang lalake? Nababahala narin ang relasyon namin ni Kleoh dahil sa mga plano ni dad.


~ Lumipas ang 1 linggo~


"Mr. Klark and Mrs. Andreyah Soriano, it's nice meeting you, I'm Emillio Reid and this is my spouse Maxine Reid, and also meet my daughter Maxemillia" Saad ni Dad na para bang abot langit ang saya.


"I'm glad to meet your family Emil and I am very grateful to be your partner at Axe Airline" Saad ni Mr. Soriano.


Tinanong ko si Mom kung sino sila at namangha ako.


"Meet my son Kleoh, he's our one and only heir" Saad ni Mrs. Soriano. Agad namang pumasok ang isang maginoong lalaki. "I hope this partnership and arrange marriage will be stable and perfect" Saad ni Mom.


"Mrs. Maxemillia Soriano, gising na po." Bigla kong minulat ang aking mga mata at tumawa dahil nananaginip lang pala ako.


"Maganda ba ang panaginip ng Misis ko?" Tanong ng aking Mister na si Kleoh Soriano :>


-credits to my expansive imagination.

Dreams are Beyond the TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon