Chapter 4: DOTA Bet

36 1 0
                                    

AN: Sorry for the late update. :)

Nga pala, nasa side si Reji. (^v^)

-----------------------------------------------------------------

JILL VALENTINE DE LA VEGA

Andito ako ngayon sa kusina. It's my turn to cook dinner tonight.

Wala kasi ang parents ko ngayon. Andun sila sa bahay namin sa Baguio.

Anniversary kasi nila ngayon, kaya ayun, hinayaan namin silang ma-enjoy yun ng sila lang. May tiwala akong di na kami madadagdagan.

Tama na 'tong dalawang unggoy dito sa bahay.

Oo, may unggoy kaya kami. Sina Sam at Jepee. Shh lang kayo ha?

"Ya, ano ulam?" si Kuya Sam na mukhang gutom na gutom na.

"Itlog tapos hotdog." di naman ako maalam magluto e. Tamang pag-prito lang ng mga simpleng pagkain ang alam ko. Well at least marunong parin naman ako mag-prito, diba?

"Ba't pa nga ba ako nagtanong? Tss. Parati naman ganyan pag ikaw. Sige na, bilisan mo." you're welcome po kuya ha? Tsch. Edi siya na yung magaling magluto, ako na yung hindi. Psh

"Kuya, ano daw yung ulam?" rinig ko namang bulong ni Jepee kay Kuya. Malakas talaga ang pandinig ko, wag na kayo magtaka. 

"Itlog tas hotdog daw." sagot naman ni Kuya.

"Na naman? Tss. Di na nagbago. Ki-babaeng tao e." na-touch naman ako sa sagot ni Jepee. Oo na! Ako na yung babaeng di maalam magluto! Tsch.

"Ya! Narinig ko yun Jepee! Ikaw na mag-luto! Ki-yabang na bata, isa rin namang di maalam magluto. Tss." nakakainis naman kasi. Maski sanay na ko sa ugai niya, na parang di man lang niya ko ginagalang as his older sister. Nakakainis! Aish. 

"Bata pa ko kaya di talaga ako maalam. Tsch. Luto lang, bilis na." ay siraulong bata. Err! Nakakabadtrip. Pigilan niyo ko, lalagyan ko talaga 'to ng lason! Aish!

Luto na kagad yung itlog tas hotdog. Di naman matagal lutuin 'to e. 

"LUTO NA! LUMAMON NA KAYO! MGA WALANG UTANG NA LOOB!" Tsch. Oo! Galit ako. Nakakainis naman kasi. Ang hirap talaga maging nag-iisang babae sa magkakapatid. Matutuwa pa ko kung naging bading nalang yang si Jepee. Tsch. Badtrip!

Di ko na sila inantay, kumain na ko at umakyat na kagad sa kwarto. Kung nagtataka kayo kung ba't di ko kasabay si Riley kumain, e kasi di yan nakain ng dinner. Diet daw siya. Diet daw pero kung lumamon ng lunch at breakfast e wagas. Wala rin.

Naabutan ko siyang busy magkalikot ng cellphone niya. Hayaan na, bago kasi.

Tumapat nalang ako sa computer at dinalaw ang Dragon City ko. Maalam rin naman ako sa pag-iinternet, facebook, twitter, and etc. May sound cloud pa nga ako, pero wag niyo na dalawin at baka mabingi kayo sa ganda ng boses ko. Joke. Di, sa kabaligtaran talaga. Di ako magaling kumanta. Tss.

Sorry na, pwede? >.< 

May bagong friend request ako, si Genie. ^__^

Ang bilis ko siyang nakasundo. Ang bait niya kasi at isa pa, madaldal siya at approachable. Biruin mo yun, mas matanda pa pala siya sakin, pero parang mas enjoy parin ang life niya.

Opo, ako na etong, young, free, but boring. -__- 

Maya maya ay narinig kong suma-soundtrip si Riley kaya naman inagaw ko yung kabila ng earphones niya at nilagay ko sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I can't sing ♫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon