Prologue

2 0 0
                                    

Ash's POV



Tila nakikiramdam ang panahon dahil sinasabayan ng tulo ng ulan ang mga patak ng luha sa aking mga pisngi habang nakatingin sa espasyo kung saan mahahalata na kakatabon lang ng lupa rito.


"In memory of Mary Wood North" ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng gana sa buhay habang nakatingin sa puntod ng aking ina. Ang nag-iisang tao na walang ginawa kung hindi tignan ang mga tamang nagawa ko at hindi ang aking mga kamalian.


Tss masyado ka namang nagiging mahina ngayon.


"Halika na Ash hija, umuwi na tayo." Wika nang aking Lola kaya napatingin ako sa kanya at doon ko lamang napansin na handa na siyang umalis. Binigyan ko ng huling tingin ang puntod ng aking ina ngunit may napansin akong isang kulay itim na sobre sa likod ng bulaklak na nandoon kaya kinuha ko ito. Mayroon lamang isang malaking 'A' na nakalagay sa wax na nag-sisilbing pandikit ng sobre.


"You're invited to The Academy"


Ihahagis ko na sana ito ngunit ng may marinig akong tunog ng parang metal ay kinuha ko ang kabuuan ng papel sa loob at saka ko nakita na mayroong dalawang susi na magkasama sa loob ng sobre.


'124' iyon lamang makikita na nakaukit sa susi na sa palagay ko ay numero ng silid.


Itinago ko na lamang sa bulsa ng aking suit ang sobre at sumunod na kay Lola pauwi.



-----



Mag-iisang oras na rin simula ng mahiga ako sa aking kwarto pag-uwi at hindi manlang nag-abalang mag-bihis hanggang sa mapagpasyahan kong kunin ulit ang sobre at tignan ito ng maigi. Hanggang sa makita ko ang isang parte na parang may nakaangat kaya agad ko itong hinawakan at nagulat ng may makitang isang maliit na memory card.


Agad akong tumayo at pumunta sa computer ko habang dala-dala ang memory card. Nang mainsert ko na ang memory card ay agad lumitaw ang isang website.


'The Academy'  iyan ang kapansin-pansing malaking title na bumungad sa akin. Itim din ang theme ng website ngunit hindi ito tulad ng inaasahan kong creepy tignan dahil kasalungat nito ang nakita ko dahil napaka elegante at proffesional tignan ng website.


Dahil dito ay hindi ako natakot na mag-iscroll at makikita rito ang gate ng isang paaralan at dito pa lang halata ng mga mayayaman ang nag-aaral dito. Nag-iscroll ulit ako ngunit nagulat ako na parang isa lang itong ordinaryong school website na nakalagay ang mga bagay tungkol sa paaralan. Dahil wala na akong makitang mga bagay na interesado ay napag-pasyahan kong isearch ang paaralan nito sa internet.


Ngunit bigo rin ako dahil ang tangi ko lamang nakita ay kung kailan ito itinayo. Kahit ang principal o director ng school ay hindi nakasaad.


'Di naman ako tanga para mag-enroll sa isang paaralan na may kakaibang patakaran at masyadong masikreto.

The AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon