Pauline's POV
Nasa study hall na kaming dalawa ni Siege.
Mukha na syang condo unit sa ganda at laki ng space: May mga sofa beds, may fridge na puno ng foods, may coffeemaker and may mini library.
Nasan na kaya mga yun?
8:30 na. TIME IS GOLD
Naupo ako sa may sofa at nagbasa ng Wattpad stories sa phone ko.
" Huy ungas, tawagan mo nga sila. Di sila ngrereply sa mga chat ko at text. " sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Patuloy lang akong nag scroll ng pwedeng basahin.
Walang nagsalita.
" SIEGE!------- "
Pagtingin ko sa tabi ko. HAYSS
Kaya pala walang nagsasalita kasi NATUTULOG ang ungas!
Napuyat yata to kagabi kakabantay sakin.
Nakaupo sya habang natutulog...
Why he's so cute?
SHET. BA'T NAPAPANGITI AKO?
PAULINE FOCUS.
" Wake up, Siege... " kinalabit ko sya.
Hindi sya nagising.
" Siege... gising na. Uyyyy!" Kinalabit ko sya ulit.
WALA PA DIN.
Bigla syang gumalaw papalapit sakin at niyakap ako.
" S-Siege.. ano ba ginagawa mo? "
"Pau, dito ka lang ah...wag mo ko iwan. " sabi nya ng mahina.
JUSKO. HEART BAT KA GANYAN?
" Oo. Di kita iiwan. Umayos ka. Dito ka sa lap ko matulog. "
HA? BAT KO SINABI YUN?
BAD MOUTH!
Tumingin sya sakin , halatang antok na antok pa sabay higa sa lap ko at hinawakan ang kamay ko.
" S-siege, kung antok ka pa. Dapat sinabi mo sakin. "
" Ehhh gusto kita makita eh.. " Idinikit nya ang kamay ko sa pisngi sya at kiniss.
" Sus. Dami mo sinasabi. Sige na matulog ka na muna. Gisingin kita pag andyan na sila. " sabi ko sabay pukpok sa braso nya.
" Hmmm.. " sabi nya sabay tango at sumiksik sakin.
Why acting so cute, SIEGE?
Parang bata.
Hinimas ko ang buhok nya at napangiti ako.
" Thank you for saving me, My Prince. " bulong ko sa kanya.
Buti hindi sya nagising.
I smiled and minassage ang ulo nya.
-------
Aldrin's POV
" Guys, bilisan nyo kumain no. Madami tayong gagawin ngayon. Nagmessage na si Pau, nasa study hall na sila ni Siege. " paalala ko sa kanila habang hinihintay sila na matapos kumain.
" Wait lang, Drin. Madali na ako matapos. " ani Christian sabay ininom ang sabaw sa bowl nya.
Takaw talaga nito.
Bilis kumain eh.
" Hintayin mo ako, Chris! Andaya mo! " naiinis na sabi ni Angelique sabay simangot at kumain ulit.
YOU ARE READING
Nightingale University: The Bloodbath
Teen FictionA university where drama, lies , love lives, add the nosy Admin of NU Grapevine and a Masked killer on the loose.