Hawak ang isang lapis at papel, iginuhit ko ang isang ibon. Gamit ang aking talento sa pagguhit maganda ang kinalabasan nito.
"Aba! Mukhang may nagmana talaga ng talento ko ah."
Tanda ko pa ang sinabing iyon ni papa. Bata pa lang ako, may angking galing na ako sa pagguhit. At hindi maitatanggi na napakabata ko para makitaan ng ganoong level sa pagguhit.
Napangiti na lang ako ng mapait habang nilalagyan ng final touches ang aking iginuhit. Nilagyan ko ito ng watercolor upang mabigyang buhay.
"Pa, magaling pa rin naman ako diba?" bulong ko sa hangin.
Nasa silid ko ako ngayon gumagawa. Nilingon ko ang paligid. Napakaraming kalat, mga kumpol na papel, punit na tape, lapis na nagkalat at iba pang materyales na ginamit ko dito.
Napabuntong hininga na lang ako sa kapaligiran ko. Kailan ba magiging malinis ang kwartong ito?
Napakamot ako sa sentido at tinignan ang dalawang bagay na nasa magkabilang sulok ng kwarto ko.
Ang ibon na iginuhit ko...
....at mga plates ko.
"Jusko naman ray! Di pa nga tapos ang school works mo, kung ano-ano naman ginagawa mo!"
Pinapagalitan ang sarili habang namumulot ng kalat. Jusko. Sa makalawa na ang pasahan nito. Di ko pa nakakalahati. May iba pa kong school works!
"Ugggg! Tama pa ba tong kinuha ko?"
Nangangalahati pa lang ako ng 1st year as a college student. Pero parang sumusuko na ko sa daming gawain.
Arkitektura, ito ang kursong kinuha ko. Bata pa lang ako, alam na ng papa ang potential ko sa pag aaral ng kursong ito. Kung kaya naman, pinagbuti ko at nagustuhan ko ang salitang ito.
Pero ngayon ay tatamad tamad nanaman ako. Napapikit ako at tinuktukan ang sarili. Walang ibang tutulong sakin kung hindi ang sarili ko. Nakakainis.
Tinapos ko ang pagligpit ng mga kalat at isinabit sa pader ng kwarto ko ang iginuhit ko kanina lang.
Freedom. Ito ang nakikita ko sa ibon. Bagay na meron ako, pero hindi ko maramdaman.
Tinalikuran ko na ang pader at hinarap naman ang aking gawain. Pero bago iyon, nilibot ko ang aking tingin sa buong silid.
Hmm. Okay. Malinis na. Makakapggawa na ko ng ayos.
Tinapos ko ang pagguhit ng iba't ibang museo at mga struktura mula noong panahon ng greek.
Pinintahan ko ito gamit ang watercolor at white pen upang mahighlight ang ibang detail.
"Ray, patapos na ang sem ha. Please lang. Makisama ang utak at puso."
Sinubukan kong matapos ang plates ko ng gabing iyon. Dahil alam kong dadagsa nanaman sila sa susunod na linggo.
"Thank you God."
Natapos ko na ang plates na sumasakit ang likod. Makukuba ata ako bago matapos ang kursong ito.
YOU ARE READING
Hiraya Manawari
RandomAng kwentong kung saan hindi natin alam kung hanggang saan natin kayang ipaglaban ang nararapat satin. Ito ba ay nakatakda talaga para sa atin? O ginusto lang natin ito dahil sa ideyang alam nating masaya dito. Paano kung wala na ang saya? Titigil n...