"Pau, tingnan mo twitter at tiktok." Salubong ni Justin sa kanya.
"Huh? Bakit?"
"Basta. Bakit ba naman kasi di ka makapagpigil dyan."
Natarantang kinuha ni Pablo ang phone nya at nagcheck ng twitter.
Nakita nya ang video clip mula sa interview nila kanina sa Forte media con. Nakatitig sya kay Stell. Yun Ang nasa video. Hindi lang nakatitig, it's like he's checking him out.
"Ha? Pano?"
"Pano? Pano, pano ka dyan? Kahit ikaw hindi mo alam na tumititig ka na sa kanya ng ganyan? Di ba ayaw mong mahalata nya yung feelings mo? Bawas bawasan mo yung kakaganyan mo. Ikaw rin." Pangangaral sa kanya ni Jah.
"Hindi ko talaga sinasadya to. Ang naalala ko kanina lumingon lang ako saglit pero.... ang fresh nya kasi kanina eh. Jah, anong gagawin ko? Baka mahalata nya?"
"Wala. Hindi ko rin alam. Ayan na sya. Bahala ka na. Alis na ko." Natigilan si Pablo. Hindi sya lumingon, gusto sana nyang pigilan si Jah pero mabilis na itong nakaalis.
"Pau." Narinig nyang tawag sa kanya ni Stell. Umayos agad sya ng tayo. Kalma self. Kalma self. Kalma. Yun ang paulit ulit nyang sinasabi sa isip.
"Oh, Stell nandyan ka pala." Sabi nyang hindi makatingin ng deretso kay Stell.
"Anong ginagawa mo dito? Di ba pwedi na umuwi? Uwi ka na para makapagpahinga ka na.""Hinanap talaga kita."
"Huh? Bakit? May sadya ka ba?" Kunwari ay inosenting tanong nya."Ou gusto kitang makausap."
"O sige ba. Tungkol saan?"
"Halika ka." Hinablot ni Stell ang kamay nya at giniya sya papuntang sa isang kwarto sa office. Ang kwarto na yun ay pahingahan nila.Pagkapasok ay narinig nyang nilock ni Stell ang pinto.
"O-oh b-bakit Stell? May nagawa ba ako?" Gulat na tanong nya.
"Wala naman may gusto lang akong ipakita sa'yo." Kinuha ni Stell ang phone sa bulsa at sandaling binuksan. Iniharap nito sa kanya ang phone at nagpiplay dun ang video na kalat ngayon sa TikTok at twitter.
"O- n-nakita mo na rin pala yan? Hehe n-napakamalisyoso talaga ng A'Tin noh?" Nauutal na sabi nya. Hindi sya makatingin ng deretso kay Stell.
"Malisyoso? Dahil ba kinilig sila ng makita tong video na to?" Sabi pa ni Stell na unti-unting lumapit sa kanya. Paatras naman sya ng paatras hanggang maramdaman nya ang dingding sa likod nya.
Wala na syang maatrasan pero papalapit parin ng papalapit si Stell hanggat nacorner na sya nito. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa pader at napapagitnaan sya. Kunti nalang at magkayakap na sila.
Sobrang lapit na ng mukha ni Stell sa kanya.
Sobra-sobra ang kaba nya ngayon.
"Malisyoso lang ba sila Pau? Or talagang may ibig sabihin ang mga tingin mo?"
"W-wala. Ano ka ba Stell, parang di ka na nasanay."
"Tumingin ka sa mata ko, Pau habang sinasabi mo yan."
"Anoba Stell, nagpapadala ka na naman sa mga fans!" Nilakasan nya ang boses para isipin ni Stell na galit sya.
"Tumingin ka sa kin at sabihin mo na wala lang yun."
"Pwed-"
"Tumingin ka sa'kin." Madiin na sabi ni Stell, sa pagkakataong ito ay alam nyang hindi na nya maaawat pa ito.
Unti-unti syang tumingin sa mga mata ni Stell. Alam nyang sa oras na gawin nya yun ay malalaman na nito ang sekreto nya. Pero wala na syang takas.
Tumingin sya sa mata nito pero wala pang 1 minute ay binawi agad nya dahil naluluha sya. Alam nyang alam na nito.
"Sorry Stell. Sorry." Naiyak nyang sabi.
Natatakot sya sa magiging reaksyon nito kaya tinakpan nya ang mukha nya ng dalawa nyang palad.Nagulat sya ng maramdamang niyakap sya nito ng mahigpit.
"Pau, sa wakas." Mas humigpit ang yakap nito.
"A-anong ibi-"
"I love you too Pau. Hindi mo lang alam kung gano ko katagal tinago to." Sabi nito habang yakap pa rin sya.
"Mahal na mahal kita." Sabi pa nito habang sya ay walang mahanap na salita dahil sa gulat. Hindi nya inasahan ang twist na to.
Humarap ito sa kanya at hinawakan ang mukha nya gamit ang dalawang kamay nito.
Tumitig ito sa mga mata nya at ngumiti. Unti-unti rin syang ngumiti at sinunggaban ito ng halik.
"Totoo ba to?" Hindi makapaniwalang Sabi nya pagkatapos putulin ang halik nila.
"I love you Pau. Yun lang ang totoo."
"Mahal din kita." At niyakap nya ng mas mahigpit si Stell.
YOU ARE READING
Titig
Fanfictionwala lang Stelljun to ih. Yung sa legendary Forte media con titig ni Pablo kay Stell