Alon

1 0 0
                                    

Mataas ang sikat ng araw habang nakaupo ako sa isang madamong lugar.

Tahimik ang paligid at kapansin pansin ang mga makukulay na bulaklak sa gilid.

Sa tabi ko ang aking ina, habang sa kabila nama'y ang aking lola na tahimik lamang habang pinupuyod ang aking buhok.

Hawak ko ang isang kahon na naglalaman ng ibat ibang liham na iniakda ni itay. Tahimik ko itong binabalikan, napapangiti habang inaalala ang nakaraan.

Oras. Ito ay isang mahalagang elemento sa ating mundo.
Bumibilis ito kapag ika'y masaya at bumabagal naman kapag wala ka.

Habang abala ako sa pagbabalik tanaw napansin ko ang isang kakaibang sobre na nasa pinaka ilalim ng kahon. Selyado pa ito at halatang hindi pa nabubuksan.
Sa likod nito nakalimbag ang pamilyar na pangalan pati na rin ang petsa ng isang taon.

"Atty. Gabriel Yuchengco, 1983"

"lex favet modo dives"

Dahan dahan ko itong binuksan iniingatan na huwag mapunit ang lalagyanan.

Bumungad saakin ang litrato ng pitong makisig na lalake. Sila'y nakaupo sa buhangin, nakapaikot sa nagsisigang apoy.

Katabi naman nito ay isang liham na tantiya ko ay matagal ng iniakda dahil sa istilo ng pagsulat.

Tinitigan ko muna ang litrato ng matagal bago sinimulang basahin ang liham.

Ang malagpak na sulok ng bilibid ay hindi na bago pa para saakin.
Apat na taon na simula ng mahatulan ako ng pagkakakulong dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Ala-ala ko pa noong una nila ako dinala sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan mo mararanasan ang
grabeng paghihirap at pangungulila.

Ang malamig na bakal ng prisinto,

Ang nagsisipagdilimang sulok ng karsel,

Ang nakakaawang mukha ng mga bilanggo,

at ang mga istorya na hindi napagbigyan ng pagkakataon marinig.

Sa loob ng apat na tao na pananatili ko doon, naka kilala ako ng mga tao na tinuring ko bilang Pamilya.
Isa na dito si Juan Alexandro o mas kilala bilang Juan. Hindi naging mabait ang mundo para kay Juan. Lumaki siya sa hirap at sa murang edad ay kumakayod na siya para buhayin ang kaniyang pamilya.

Siya ay nakulong dahil sa kasong pagnanakaw at ilang taon na din ang lumipas ngunit wala padin usad sa kaniyang kaso.

Sunod naman ay si Ysmael. Kasalungat ni Juan, si Ysmael ay galing sa sikat at tanyag na angkan. Linggo-linggo ay binibisita siya ng kaniyang mga kaanak dala dala ang supot ng masasarap na pagkain.

Simula pa noong una akong naparito labis na ang aking pagtataka, na bakit ang katulad ni Ysmael, na galing sa sikat at tanyag na Pamilya ay naparito at ilang taon ng hindi nakakalaya. Papaano na ang katulad niya na may pamilyang makapangyarihan at madaming tinutulungang ay wala man lang ginagawa upang siya'y makalaya.

Pangatlo ay si Dencio ang pinaka mabait sa lahat. Siya ay isang anghel na hulog ng langit. Siya ang gumabay saakin noong bago pa lamang ako sa bilibid. Noong mga panahon na hirap na hirap akong makisama at tanggapin ang sitwasyon, siya ang naroon para saakin. Mahirap ngang paniwalaan na ang katulad niya'y nagawang mang hostage ng isang ginang.

Si Jackson naman ang pinaka misteryoso sa lahat. Hindi niya kwinekwento saamin kung bakit siya napunta sa bilangguan. Hindi siya nagsasalita hanggat hindi kinakausap at kumikibo lamang kapag kailangan.

Madalas, makikita mo siya nakatulala sa isang sulok na parang may sariling mundo.

Pang lima ay si Riguel. Isang mambabatas na kagaya ko. Nakulong dahil sa kasong slander. Siya ang "Kuya" ng lahat. Ang nilalapitan ng mga tao kapag may problema.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon