Death March

5 1 0
                                    

Parang nasa death march ako. Grabe mas okay na maglakad magisa kesa naman kasama tong demonyitong to -_- wala ng ibang ginawa kundi magutos!

Bumili ka nyan.

Dalahin mo yan.

Pumulit mo yan.

Yung gamit ko bitbitin mo ng maayos.

Wag mong dudumihan bag ko.

Nauuhaw ako ibili mo ako ng iinumin.

Gutom na ako, PAGKAIN!

Naiinitan ako! Payungan mo ako.

ANO TO?! You found katulong in me?! Abay tarantado to ah. Di lang bag ko dala ko pati bag nya, buti pa sya nakakain at nakakainom eh yung kamay ko? Punong puno! Yung bag nya nas harap yung bag ko nasa likod, yung kanan kong kamay nagpapaypay sakanya yung kaliwa nakahawak sa payong nya, yung drinks at tira nyang pagkain hawak ko pa.

Michael: “doggy! Ibili mo ako ng ice cream yung strawberry”

Ako: “pero… yung… dala ko yun… ang dami kong..”

Michael: “ano?! Magrereklamo ka?”

Ako: “hindi ah! To naman ito na nga eh susunod na nga po eh”

Syempre bumili ako ng ice cream nya. Aba naman sobrang tindi nitong lalaking to wala man lang awa kahit konti?! Ano to dalawa lang kamay ko pano ko naman to hahawakan ngayon? -_- pagbalik ko sa may park kung saan nya hinihintay yung ice cream nya. Nilalaro nya yung aso. Bakit ganito, bakit ang amo ng muha nya? Bakit ang bait nyang tignan? Ang saya ng mukha nya? Ngayon lang ba nakkakita ng aso yan?

Michael: “anong tininingin tingin mo dyan?! Ice cream ko?!”

Ako: “oh, ice cream nyo mahal na prinsipe”

Michael: “ang tagal mo naman!”

Ako: “sorry! See daming dala diba?”

Nag puot lang sya. Nagulat nalang ako nung bigla syang nagsalita.

Micheal: “ang saya lang magkaroon ng  aso no? pagaalis ka  hihintayin kanila sa pinto mo. They will stay loyal to you, they will never leave you. Di ka nila ipagpapalit sa iba. They will obey everything you’ll command. They will comfort you everytime na malungkot ka. Pasasayahin ka nila. ^_^ ang saya lang magkaroon ng aso no? tsaka di sila nagsasalita kaya kahit anong sabihin mo wala silang sasabihin sayo, tsaka nakikinig lang sila sa mga kwento mo ng para bang lagi kang tama. ^_^ kaya gusto kong magkaroon ng aso nung bata ako.”

Ito nanaman tayo sa bigla bigla nyang pagngiti eh. Sa biglang pagamo ng mukha sa bigla biglang pagpapakilala kung sino sya. Kaya ito nanaman ako I let my guard down, feeling close..

Ako: “kung gusto mo ng aso, bakit di ka magalaga?”

Michael: “di nila ako binilihan, hindi daw ako pwede. May asthma kasi ako, bawal daw sakin. Tsaka may aso na ako ngayon, kaso nagsasalita nga lang, sinungaling pa. Pero masunurin. ^__^”

ABA!!!! Epal tong lalaking to ah di kakatuwa! Nakakairita! >:( di sya normal! Nanlait pa!

Michael: “HOY! DOGGY! Alikana! Uuwi na tayo! Yung bag ko! Sabi ka naman wag mong dudumihan eh! Lechugas naman oh! Nananapak ako ng kahit babae pag di nagiingat at nadudumihan yung mga gamit ko! Bitbitin mo nayang bag ko! Payungan mo na ako kasi mainit na! at mainit na kaya paypayan mo narin ako! Bilis! Ang bagal naman!”

Kanina maayos pa kausap, kanina nakangiti pa. TAPOS BACK TO REALITY NANAMAN! Siya nanaman yung malademonyong prinsipe na walang alam kung hindi magutos, magalit sumigaw, umangil. Lahat na ng masama. -____-

~15 minutes walk~

Grabe after ng sobrang nakakapagod na paglalakad dahil bitbit ko ang mundo dumating narin ang pansamantalang kalayaan ko, ang street kung saan kami maghihiwalay ng landas! BWAHAHAHAHAHAHAHA! This is it pancit!

Michael: “I’m going right”

Ako: “I’m going left ^_________________^”

Michael: “yung bag ko?”

Ako: “here! Ingat paguwi. ^_____________________^”

Michael: “saya mo ah. Ay nga pala bukas dapat maaga ka pumasok para mabibili mo lahat ng gusto ko. Kapag naunahan kita sa school, maghanda ka na sa parusa mo”

Ayan nanaman tayo sa death threats eh -_____-

Ako: “FINE!”

Then we went separate ways :) yes! I’M FREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!! Alone time! Grabe feeling ko lumilipad ako, sa sobrang gaan ng katawan ko, di ko pasan ang daigdig. Wala ng asungot na naguutos ng kung ano ano, di ko na aalalahanin yung bag nyang sing linis ng bag na bago, wala na akong aatupagin. I can be carefreeeeeeeeeeeee! Sarap pakinggan F-R-E-E!! FREE!!! ^____________________^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Who Cried WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon