Pagsamo

47 1 0
                                    

"Sobrang saya ng kaarawan ko kahit wala akong pamilya, tanging ang tito ko lamang ang kasama ko pero, sana makakita manlang ako ng makulay na fireworks bago matapos ang araw nato." 


Nakapikit nyang sinabi, at pag tungtong ng 11:59 nung kinagibihan na iyon, isang malakas na pag sabog ang kanyang narinig at nakita nya ang makukulay na fireworks. 


"Wow ang ganda! Salamat kalawakan sa pag tupad ng aking hiling-," at nahinto siya ng isang malakas na huling putok ng fireworks.


Simula noon wala na siyang hiniling pa kundi sa kaligtasan at mabuting kalusugan nilang mag tito sa pang araw araw.



ngunit nung malaman ito ng kanyang mga kaibigan ay agad silang humiling ng humiling ng mga bagay bagay 



"Uy Beth! Pwede mo bang ihiling sa kalawakan ang pag pasa ko sa entrance exam ko?,- "

"Uy Beth baka pwede naman paki hilnig sa araw na to na umaraw, may gala kasi kami non wala naman mawawala kung itatry mo". 

Ani ng mga kaibigan ni Bethany na nakikusap sakanya, at siya naman tong pinag bibigyan ni Bethany.


"Uy sige try ko ha?" Sabi niya sakanila na siya namang nag ka totoo. 





Isang araw, kinausap si Bethany ng kaibigan nyang si Michelle 


"Uy Beth apaka bait mo no? lagi mo nalang pinag bibigyan mga kaibigan natin sa hiling nila, ni di kanga ata humihiling para sa sarili mo 17 kana oh, bahala ka limang buwan nalang di ka sigurado kung makakahiling kapa ulet" ani ni Michelle. 



"Wala yon, sabi nga nila wala namang mawawala tsaka may hiling ako para sa sarili ko matagal na, na sana makilala ko na yung taong para sakin yung mamahalin ako sa pang habang buhay, ewan ko bat parang pag ka sa iba ang bilis pero pag sakin e hay." kinikilig nyang sinabi. 




Isang buwan ang nakalipas, nag mamadaling papunta sa klase si Bethany habang may hawak na kape nabangga nya ang isang lalakeng may hawak na mga papel. 


"ANO BA!? TUMINGIN KA NGA SA DAAN PINAGPUYATAN KO TO DEADLINE NETO NGAYONG TANGHALI." Pagalit sinabi ng binatilyo. 


Agad namang humingi ng tawad si Bethany at hinatak ang lalaki at sinabing 


"Halika! ka akong bahala, gagawa ako ng paraan" At agad nyang kinwento ang kanyang abilidad sa pag hiling sa mga bagay. 


"Sira kaba? Anong manifest manifest di ako naniniwala jan-,"

 At biglang nag text sakanya ang kaibigan nya na nag sasabing, "Pre excused daw tayo sa project natin buti nag bago isip ni maam.

" At nakangiting sinabi ni Bethany, "Oh ano sabi good news ba? Tara kain tayo, libre ko para pampalubag nadin ng loob mo hmp!" 





Lumipas ang dalawang buwan at sila na'y nag kaka mabutihan sa isa't isa.


Isang araw habang naglalakad sila sa park habang nag tatawanan, nag ka titigan sila sa mata ng isa't isa at muntek nang mag dikit ang kanilang mga labi ngunit, biglang tumakbo si Clyde. 

"Bakit? Anong nangyare kanina?" sinabi ni Bethany sa text.



 Matapos ang araw na iyon, ilang linggo na silang di na ulet nag kakita o usap ngunit, dala ng hiling ni Bethany hiniling nyang makita ulet si Clyde.





 Isang buwan tatlong linggo at anim na araw ang nakalipas.


"Bethany, Bethany." Nanggaling sa isang indibidwal malalim ang boses. 

"Huh? Sino ka? Asan ako?" tanong ni Bethany. 

"Ako ang Ekwilibriyo, ako ang nag bibigay balanse sa buhay." tugon ni Ekwilibiryo.

 "Pinag sasabe mo? Asan kaba? Bakit di kita makita?" Naiiritang tanong ni Bethany. 


"Ako ang dahilan kumbakit lahat ng hiling mo ay nag kaka totoo" ani ni Ekwilibriyo. 


"Talaga ba? Uy salamat ha, sobrang laking tulong mo samen ng Tito ko, pero ano bayon wala bang kapalit yon? Sobrang swerte ko naman ata? Tsaka bat ka naman nag pakita sakin ngayon, kala ko ba di ka dapat nakikita ng mga tao?" tanong niya. 


Lahat ng bagay ay may kapalit, kaya ako ang Ekwilibriyo ang balanse ng buhay, kung may sineswerte may mamalasin kung may masaya may malungkot." sagot niya. 


"Edi yung pag hiling hiling ko para kaligtasan namin ng tito ko at sa mga kagustuhan ng mga kaibigan ko nakaka pinsala ako ng ibang tao?" natatarantang tanong nya.


 "Oo at ang iyong kahati sa balanse ay si Clyde. Naalala mo ba nung una mong hiling na fireworks? Oo pinagbigyan kita, ngunit ang kapalit non ay ang pag ka sunog ng bahay nila Clyde, at doon namatay ang pamilya nya." 

Biglang nanlumo si Bethany at nainis nyang tinanong "Ha? Anong nagawa ko? gusto ko lang naman maging masaya, teka nga asan ba siya ngayon? kailangan ko siyang makausap." 


At ipinakita ni Ekwilibriyo ang kalagayan ni Clyde na matagal ng kapalit may stage 4 cancer. 

"Yan ang ng kaligtasan nyong mag tito sa pang araw araw."


 At agad siyang nagising at nag madali pumunta sa ospital 15 minuto bago ang kanyang ika-18 kaarawan. 


"Clyde, Sorry bat di mo naman sinabi sakin agad." habang tumutulo ang kanyang luha at yakap yakap nya si Clyde. 

"Kasalanan ko, to pasensya na kung naging makasarili ako-" ngunit siya'y hinalikan ni Clyde. 


"Nag mamakaawa ako Ekwilbiryo at kalawakan! ito ang pinaka huli kong hiling, bigyan nyo pa kami ng mahabang oras, kahit mag hati na kami ng haba sa buhay ko, pakiusap!" daing niya. 


Pinunasan ni Clyde ang luha ni Bethany at sinabing, 

"Gusto ko na mag pahinga Beth, pasensya na di ko sinabi agad, Happy 18th Birthday, natupad ko naman hiling mo diba? Minahal kita hanggang sa aking huling hininga ,Mahal kita-" 


kasabay ng pag tunog ng orasan sa pag tungtong ng 12 ay ang pagtuwid ng lifeline machine ni Clyde.....


                                                          -Wakas-


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagsamoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon