Is there a HOPE? [One Shot]

59 3 2
                                    

-Shane Louise Takahashi's Point of View-

"Sir! I nominate Shane Louise Takahashi for muse!" Napalingon ako sa nagsalita. Nakakabwiset tong si Anastasha.

"I second the motion Sir!" Tumingin ako kay Leana.

"Ayoko.." tipid kong sabi.

"Sige na Shane! Pag ikaw ang muse, lagi tayo nananalo sa Intrams." -Anastasha

"Ako nalang lagi. Wala nabang iba? Nakakasawa na maging pambato nyo." Ako. Second day of classes ngayon at obvious naman na nageelect na ng mga officers ngayon. At eto namang mga bwiset kong kaibigan napagdiskitahan nanaman ako gawing muse, eh hindi naman ako kagandahan.

"Ayaw mo ba talaga Ms. Takahashi?"

"Sir ayoko. Halata namang tinitrip lang ako ng mga yan, halata namang hindi ako kagandahan. Andaming maganda dyan, andyan si Michelle. Magalit pa yan saken." Sabi ko, kasi 1st year highschool palang nanggagalaiti na yan saken, ako kasi laging muse. Ewan ko ba trip ng mga classmate ko.

"Do you think na panget ka? At bakit naman magagalit sayo si Ms. Fernandez?"

"Tuwing nagiging muse ako, galit sya saken. Sasabihan nya ko na 'Bwisgci, lagi mo nalang inaagaw yung pwesto ko. Hindi ka naman maganda. Kuko lang kita' ayoko na makarinig ng ganyan." Sabi ko habang nagdodoodle. Tapos narinig kong nagtawanan yung mga classmate ko. Pati din ata si Sir.

"Hahaha, Ms. Fernandez is it true?"

"Sir, nagjojoke lang po ako sa kanya."

"Nagjojoke?, joke ba yung pagsampal mo sa kanya?" Sabi ni Anastasha.

"Cut that out. Past is a past. Sya nalang gawin nyong muse." Sabi ko.

"Eh ang panget nyan eh! Hahahaha!" Sigaw ni James.

"Hiya ako sayo." Sabi ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo? Arte mo naman." Napatingin ako sa nagsalita. Si Deniever lang naman na matagal ko ng gusto. Oo gusto ko sya 1st year palang. Pero hindi nya naman ako pinapansin, kinakausap nya lang ako kung may kailangan lang sya.

"Pakelam mo kung ayaw ko. Sino ka ba? Kilala ba kita?"

"Harsh mo teh." -Anastasha

"Oo nga, sino ka nga ba? Strangers lang naman tayo." Litong lito na talaga ako, bakit nga ba ako nagkagusto sa walang pusong lalaking to'.

"Bakit ako tatanungin mo, ikaw naman tong mismong kumausap saken." -Ako

"Bakit masama ba? Nasa batas ba yun?"-Sya

"Wala. Ikaw lang kasi yung hindi ko kilala dito. Ni hindi ka nga namamansin" -Ako

"Ikaw nga yun, wag mo baligtarin" -Sya

"Tss, kapal mo rin eh no'?" -ako

"Tama na yan, bakit ba kasi ayaw mo Ms. Takahashi, eh ang ganda ganda mo kaya. Ikaw ngalang may lahi dito sa mga babae eh. Biruin mo, Half Japanese ka."-Sir

"Sir anong connect? Atsaka ano naman kung may lahi ako?"

"EH KASI NGA MAGANDA KA! BAKIT BA AYAW MO MANIWALA!" Sabay nilang sigaw.

"Tss. Bahala nga kayo dyan." Sabi ko at nagdoodle ulit.

"Ok Class. Ang muse natin ay si Ms. Takahashi at ang Escort naten ay si Mr. Sianford" Nagulat ako sa narinig ko, hindi na si Thunder? At si Deniever pa talaga ha.

"Sir! Hindi na si Thunder ang escort?" Tanong ko.

"Ayaw ko na eh. Bakit nagkakagusto ka na ba saken Shane my labs? Oh sige sasabihin ko ako nalang." Sana pala di ko nalang tinanong.

Is there a HOPE? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon