R18 | READ AT YOUR OWN RISK
'Ben! Asan yung toyo mo dito?' tawag sakin ni Eri habang nagluluto ng paborito nyang adobo. nandito kasi siya sa apartment ko ngayon, dumalaw lang kumbaga.
syangapala, di pa pala ako nagpapakilala hahaha.
Ako pala si Steven Sky Dominguez o mas kilala sa Ben. 21 years old at nasa kursong BS Psychology sa San Agustin University at 3rd year na din.
masayahin naman daw ako sabi nila, mabait ng kaunti kaso namimisunderstand dahil sa chinito kong mata. Akala kasi nila, snob ako at suplado. huuuuwell-- akala lang nila yon kasi maingay talaga ako at palabiro. pero syempre, sa mga close friends ko lang syempre lalo na sa best-friend kong si Eri.
Si Eri, simula 8 years old yata ako, magkasama na kami. magkapitbahay lang kasi kami sa subdivision sa lugar namin sa pampanga at matalik na magkaibigan at magkasama sa negosyo yung mga tatay namin. siya yung una kong naging kalaro, kaaway, kasapakan, kaasaran at una ko ring minahal ng pasikreto.
yes at naramdaman ko to noong nasa puberty stage na kami. way back first year high school kaso sa sobrang katorpehan ko, ilang ex na nagdaan sa kanya, di parin ako nagconfess ng feelings. sobrang nag-ooverthink kasi ako and pakiramdam ko, once na mag-take a risk ako, hindi lang relationship namin ang isusugal ko, kundi pati friendship namin.
kaya ayon hehe. certified NGSB at Hopia parin hanggang ngayon.
'HOY BENSOT YUNG TOYO' paulit na hanap sakin nito ng toyo. jusko naman hanggang ngayon di parin makita yawi.
jusko narinig ko nanaman yang bensot. simula noon, yan na yung pang-asar nya sakin hanggang sa naging tawag nya na. naalala ko nga, nasa same class kami noon, tinawag nya ko ng bensot. parang gusto ko ng lumubog sa lupa non e, pero dedma lang. pag sa kanya nanggagaling yung bensot, medjo masarap sa ears, nakakakiliti hehe.
'Kanina ka pa dyan, hanggang ngayon' di mo parin makita? toyo lang Eri jusko, kaya ka laging naloloko e nandyan lang kasi di mo pa makita' pasegwey kong banat sa kanya sabay abot ng toyo. mind me, bumabanat banat na ko ng ganyan sa kanya ha kaso wala e. taena akala biro gago din.
'Utut mo' tanging sagot nya.
diba ang sweet? yawa.
Matapos magluto ni Eri ay kumain na kami. Nagkamustahan sa ginagawa namin araw-araw, at nag-asaran sa mga bagay bagay na maaalala namin. Si Eri, sa San Agustin din sya nag-aaral kaso, tinatake nya is Fine Arts, third year din. magaling kasing magdrawing si indai at hilig nya talagang mag-paint, mag-gawa ng mga sculptures kaya yun yung ginusto nya. Madalas lang din kaming magkita sa school dahil nasa kabilang building lang sila. madalas pinupuntahan ko siya para sabay kaming maglunch o dinner kaso pag dinner, di ko na sya naaabutan kasi mostly, lagi syang nasa club. para ano? syempre para mag-party at uminom.
ganun ang life nya. uminom, magpunta sa mga club pero at the same time, di nya pinababayaan yung studies nya. sadyang masyado lang talaga syang nasanay sa ganun and wala namang kaso sakin yon. dun lang din kasi nya narerelease yung mga problema nya lalo na sa family nya.
'eh ikaw? kamusta ka naman?' tanong niya sakin habang nginunguya yung last na baboy sa plato nya.
'ako? oks naman. mukha ba kong stress? hahaha.' sagot ko sa kanya habang patawa-tawa.
'oo. mukha kang panda e, kakalaro mo yan.' pang-aasar na tugon sakin nito. aba loko to ah.
pagtapos naming kumain ay naghugas na ko ng plato. naghahanda na din sya paalis dahil may lakad daw sila ng mga kaibigan nya.