Gumising ako ng maaga at mataimtim na nagdasal na si Lord na ang bahala saken at nawa'y makayanan naming lahat, kahit lubos na kinakabahan ay tinuloy ko ang aking paliligo. Niligpit ang aking mga gamit, nagpaalam saking mga magulang, sa aming isda at siyempre sa alaga kong aso. Tinungo ko na ang daan sa paaralan at nadatnan ko dun si Albert, nilagay namin ang aming mga gamit habang nag-uusap sa mga pwedeng mangyari. At maya-maya pa ay nagsidatingan na ang iba't-ibang studyante at mga guro sa ibang paaralan may mga naka kotse at ang iba ay naglakad mula himbis hanggang sa mismong paaralan. Tinulungan namin silang mag impak ng kanilang mga gamit at winelcome saming paaralan.
Kompleto na ang lahat alas 5:00 na nang hapon, habang kami'y nakaupo ay biglang pumito at dali-dali kami ay pumunta sa gitna nang plaza. Doon ay nagbigay ng mga panuto at sa hindi namin inaasahan, ipinakuha samin ang aming mga gamit at bag at lahat ng yun ay nilagay sa harap at inisa isa nilang chineck ang dala naming gamit. Laking gulat naming lahat ng kunin nila ang mga dala naming bigas at pagkain, at doon lubos akong kinabahan. Kinuha nila ang lahat ng pwedeng makain at mga gamit na di naraw namin kailangan tulad ng posporo at mga kutsilyo. Lahat kami ay nagulantang sa aming nakita. Dumating na ang gabi at kinuha namin ang dala naming hapunan, yun na daw ang huling masarap na pagkain na aming matitikman kaya lubusin na daw namin ito. Kami ay nag camp fire nagkaroon ng mga orasyon sa scouting at iba pa, pagtapos kami ay pinatulog na sa oras na alas 10:00 dahil maaga pa raw kami bukas. Gamit ang aking duyan ako ay natulog tinali ko sa magkabilang kahoy at kahit di komportable ay nakatulog naman ako.