VI

8 0 0
                                    

LET ME KNOW IF MAY MALI SA AUTOBIOGRAPHY PARA ITATAKWIL KO NA SARILI KO HAHA

12MN KO TO ISESEND SAYO DAHIL DYAN BANDA ANG ORAS NG ATING PAGIGING SADGIRL, IPLAY MO NA PLAYLIST MO BEH PARA MAIYAK KA NAMAN DITO SA MESSAGE KO

-

-

-

Hi pre

gagi wala rin akong masabi pasensya na. SORRY MEDYO LAME TONG NAISIP KO, WALA AKO PERA E KINUHA NI MAMA 😓. oki first of all syempre, domain buddy, semi (?) rant buddy, future co-lasallian, kasamang mag-skip ng klase, childe's biggest simp, best dps, my besto friendo. happiest 16th birthday to my ate marah :)

alam mo bang napakaraming "mosts" ko ang nasayo?

if comfort was a person, it would be you. i am the most comfortable and most free when i'm with you. i define comfort as a feeling— it's when you don't need to limit yourself. i define comfort as you. most trusted friend, most kaugali (feel ko magkapareho tayo ng ugali, iba lang preferences natin), most valuable friend, most witty, funny, creative, maparaan.  most everything.

sobra sobrang naaappreciate kita. alam mo naman siguro 'yan. wala na akong ibang masabi dahil nandon na ata sa mahabang letter lahat ng thoughts ko sayo. hindi ko alam if alam mo kung gaano kalaki epekto mo sa buhay ko. kulang pa ang word na "sobra" sa laki ng gratefulness ko and saya ko na nasa buhay kita. i'd leave anything and anyone for you tbh, kaya kong isuko lahat para sayo

pero walang kwenta naman yang mga kaya kong gawin and kaya kong isuko para sayo kasi alam ko na you will never ask me to do that for you. you are the most untoxic (tama ba term tangina) person that i know. alam kong hindi mo ako papapiliin, hindi mo ako pahihirapan, hindi mo ako ilalagay sa sitwasyong ayaw ko, kasi you want the best for me. hindi ka naman sa selfless pero kahit ganon you never fail to think about people na nakapaligid sayo. kaya i like sticking to u always. kaya lagi kitang iniinvite sa bahay kapag wala akong kasama dito. sobrang kampante ko kapag ikaw ang kasama.

gusto kong tandaan mo na lahat ng about sayo ay nagmamatter saakin. all your thoughts, all your emotions, mentally, socially, physically, everythingly aspects that you own. buong pagkatao mo tanggap ko, mahal ko, at importante saakin. i care for you and i appreciate you. a lot.

pareho tayo, tandaan mong hanggat nandito ako, may kwenta ka. kaya sobrang galit na galit ako sa mga taong against sayo, yung mga may galit sayo, to all people that did you wrong. wala akong pakialam kung napatawad mo na sila, forgiveness is never an option for me kung ikaw ang sinaktan nila. as long as i'm here, i will forever try to be the person you can trust, cry, and lean on to. tin'try kong protektahan ka at tulungan ka sa abot ng makakaya ko sa lahat ng problema at shits na darating sayo at sa buhay mo. i know you never ask for help, but i don't want you to feel alone kasi for the longest time, you've been keeping all things on your own.

sobrang pinagmamalaki kita, alam mo rin yan. kasi kung di ko gagawin, sinong gagawa? you're never proud of yourself. hindi ko alam anong diperensya sa mata mo at hindi mo nakikita lahat ng magagandang bagay na tungkol sayo. hindi mo binibigyang pansin yung mga abilities mo at talents. hindi ko alam, sobrang hinahangaan kita pero sayo wala lang yun lahat. pero di naman kita sinisisi hehe. di ko sinasabing magbago ka wtf sobrang gustong gusto ko yang ugali mo, napaka-fair and rational mo mag-isip. i know personality mo na yan, tanggap and sanay na ako sayo. kung may limang taong proud sayo, isa ako ron. kung iisa lang ang taong proud sayo, ako na yon. kung wala nang taong proud sayo, ibig sabihin non patay na 'ko. kakampi mo ako sa lahat. never sumagi sa isip kong umalis sa tabi mo. suportado kita sa lahat. mamamatay muna ako bago nila masabing wala kang kakampi.

i know you're a real one because when i'm happy, you're happy. and same din naman for me. whatever your emotions are at the moment, dadamayan kita, gladly.

again, happy birthday sa'yo, pre. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

110405Where stories live. Discover now