Chapter One

38K 653 26
                                    

Malungkot na bumuntong hininga si Andi habang nakatingin sa life-size portrait ng Papa niyang si Alfred Borres na nakasabit sa dingding ng living room ng bahay nila.

It has been six years simula nang umalis siya sa Sagay at magdesisyong mamuhay nang mag isa; malayo sa anino ng kanyang Papa.

Alfred never cared for her. All her life she tried to please him pero wala siyang tamang ginawa para dito. Ikinurap kurap niya ang mga mata para pigilin ang nagbabantang pagsungaw ng luha.

She didn't hate him all along kagaya ng ipinaniwala niya sa sarili. Bakit nga ba siya magagalit dito kung sinikap nitong ibigay ang lahat sa kanya?

Lahat. She smiled bitterly. Materyal na bagay, yes, but not affection and never love.

Bata pa siya ay madalas na nasa out of town ang Ama kung hindi man ay magdamag na nasa library para magsulat. He was a teacher, and a romance writer on the side and she idolized and patronize him so much. Lingid sa kaalaman nito ay may kopya siya ng bawat librong naisulat nito sa loob ng ilang dekada.

Matiyaga niya ang mga iyon na inipon at isinilid sa isang box sa ilalim ng kanyang kama. Hindi niya nga lang ang mga iyon nadala nang maglayas siya.

"When are you leaving, Andrea?" ang malamig na tinig na iyon mula sa likuran niya ang naging daan para makabalik sa reyalidad si Andi.

Nagpakawala siya ng mahinang buntong hininga bago hinarap ang madrasta. Shirley whose eyes were still swollen, namumula ang tungki ng ilong at may galit ang mga matang nakatuon sa kanya was still as beautiful as the last time she saw her.

Limang taong gulang sya nang mamatay ang kanyang Mama niya na si Bernadette sa isang aksidente sa daan. Matapos ang mahigit anim na taon, Alfred remarried. Si Tita Shirley iyon who was nine years younger than him.

May isa itong anak sa pagkadalaga, si Darren. Nang tuluyang tumira sa bahay nila ang mag ina, pakiramdam ni Andi nakahanap siya ng kakampi at kapamilya sa katauhan ng mga ito.

Madalas siyang ipagtanggol ng madrasta kay Alfred noon. Tuwing napagbubuhatan siya ng huli ng kamay, inihaharang ni Shirley ang katawan.

Ganundin si Darren na kasing bait at buti ni Shirley ang naging pakikitungo sa kanya. But their kindness didn't stop her from leaving years ago. Bakit nga ba siya mananatili kung mas matigas pa sa bato ang puso ng taong gusto niyang mapalapit sa kanya nang husto?

Nang umalis siya ng Sagay, hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob at tapang para mamuhay mag isa sa Maynila. Hindi madaling pag aralin ang sarili habang nagtatrabaho siya sa gabi.

She rented out an apartment na kasing laki lang ng kuwarto niya sa Sagay. Natutunan niyang asikasuhin ang sarili, magbayad ng bills at tipirin ang matitira sa natanggap niyang maliit na sweldo sa edad na dise otso.

Noodles, corned beef at sardinas, pinagpapalit-palitan niyang ulamin ang mga iyon maitawid lang ang sarili sa gutom. She didn't contact Alfred para humingi ng financial support.

Dahil isinumpa rin naman nito na hindi siya tutulungan kahit gumapang siya pabalik sa Sagay.

Nagtrabaho siya sa isang fast food chain bilang service crew sa Quezon City habang nag aaral.. Nasubukan niyang pumasok sa eskwelahan nang walang ligo o tulog o laman ang tiyan.

Nakapagtapos siya ng pag aaral dahil sa pagsusumikap niya. May lisensya na siyang magturo at may ilang buwan nang pumapasok bilang English teacher sa isang private school sa Maynila nang makatanggap siya ng tawag mula kay Tito Emman, ang bunsong kapatid ni Alfred.

Ito ang nagbalita sa kanya tungkol sa sinapit ng kanyang Papa. Hindi niya naitanong kung paano nito nakuha ang cellphone number niya ay hindi niya na naitanong pa.

Travis De Marco (Preview Only) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon