Prologue

35 2 0
                                    


Leizelle Novelita Casabuena's POV'

Nakaupo ako sa aking upuan sa may sulok ng aming classroom at nagbabasa ng libro habang nakasalpak ang aking headphones sa aking tainga. Walang musika na tumutugtog, sadyang isinuot ko lang ang headphones para walang mangistorbo sa aking pagbabasa. Nagbabasa ako ngayon in advance para sa aming lessons. Gusto ko lang maging handa dahil baka may biglaang pagsusulit na magaganap. O di naman kaya ay recitation.

Rinig na rinig ko ang mga tsismisan ng mga istudiyante, College student na kami pero para parin silang highschool haysst.

Napataas ang aking tingin nang biglang nagtilian ang aking mga kamag-aral. Andiyan na ang grupo ng idols, na sina Pablo,Josh,Stell,Ken at Justin. At sabi nga nila napakasuwerte namin dahil kaklase namin sila. Haysst eh pasaway yang mga yan.

Halos lahat ng mga kaklase namin na narito sa classroom ay lumalapit sa kanila para magpapicture. Siyempre karamihan mga babae... may isa pa ngang niyakap si Pablo. At ito naman si Pablo todo smile.

'Di ba sila napapagod ngumiti? Tsk.

Tsaka halos araw-araw ganyan ang iksena, kapag pumapasok sila ng silid-aralan ay lagi nalang silang sinasalubong ng mga kaklase namin. Kala mo naman araw-araw first time nila makita ang grupo.

Sila ang SB19 na kamakailan lang ay nag-release ng isang music video na nagviral. At kung inaakala ng lahat na I'm their basher, ay nagkakamali sila. Sadyang ganito lang ugali ko.

A smile formed on my lips as Stell wave at my direction. Ngunit pilit lang ang ngiting ito. Ibinaba ko ang headphones at isinabit ito sa likod ng aking leeg. At ibinaba ko rin ang librong akong binabasa.

Papalapit na sila sa akin ngayon, at ngayon ko lang napansin na mas pumorma ang kanilang kasuotan. Hmmm... improvement.

"Uy ano tong binabasa mo?" Sambit ni Stell at kinuha ang aking libro. Agad kong hinablot ito sa kaniya.

"Akin na nga... di ko na tuloy alam kung saang pahina yung binabasa ko...haysst" magkasalubong ang kilay kong sambit habang binubuklat ang libro at hinahanap ang pahina kung saan yung binabasa ko kanina.

May inilapag sa ibabaw ng aking lamesa si Justin. Napunta doon ang aking atensyon. Pagkatapos ay iniangat ko ang aking paningin sa nagbigay. Tinignan ko siya ng nakataas ang isa kong kilay.

"Ang init na naman ng ulo mo, mukha ka tuloy bulkan...yan palamig ka muna.." sambit niya. At tinulak bahagya ang milkshake papalapit sa akin.

"ito ba yung report?" Sambit ni Josh at kinuha ang manila paper na aking pinagsulatan.

"Ano ba! Dun nga kayo...may tatapusin pa ako, alis.."iritang sambit ko sa mga ito, pagkatapos ay tumayo na sa aking kinauupuan at nilampasan ko sila, at naglakad papunta sa mini library na nasa likod ng aming silid-aralan.

Isinauli ko ang kaninang libro na aking binabasa at nang tumalikod ako sa bookshelf, para sana bumalik sa akin upuan ay humarang sa aking harapan sila Stell at Justin.

Hindi ko sila pinansin at akmang lalampas na sila, nang harangan nila kung saan man ako maglalakad. Una sa kanan, pagkatapos maglalakad na sana ako sa kaliwa ngunit agad din silang humarang doon.

I stared at them seriously, while crossing my arms Infront of my chest.

"Puwede padaan??" Sambit ko, halata na sa  aking boses ang pagka-irita.

Ngunit imbis na tumabi sina Stell at Justin ay nagtinginan sila at para bang nagkaisa ang kaniyang isipan. Pagkatapos ay humarap sila sa akin ng may nakakalokong ngiti sa kanilang labi habang sila ay naglalakad palapit sa akin.

Ngayon ko lang napansin na may tinatago pala silang kung ano sa kanilang likuran.

Teka?? A-anong gagawin nila?
.
Atras ako ng atras hanggang sa tumama ang aking likod sa bookshelf. Napapikit nalang ako nang talagang malapit na malapit na sila sa akin.

Naku naman...

Ano na namang trip nila???







**********

If you like this update, don't forget to vote, comment your reaction and follow me here on Wattpad.

Para manotify po kayo para sa mga susunod na kabanata.

Maraming salamat po 😊

-JaphiezVy

Classmates kong idols // SB19Where stories live. Discover now