Entry muna 'ko habang sinisipag akong magtype.
Lately tinatamad ako sa lahat ng bagay.
Hindi na 'ko nakakapagsulat. Hindi kagaya noon na halos araw-araw may update ako sa mga stories 'ko. 'Yung tipong kahit gustong gusto 'ko ang dami 'ko ng dapat gawing mas importanteng bagay.
Kelangan 'ko ng asikasuhin 'yung anak 'ko (which is given)
Kelangan 'ko ng maglaba, magluto.
Ni hindi 'ko na magawang manood ng kdrama or american series sa isang upuan, kahit sa gabi. 'Yung itutulog 'ko nalang kaysa manood ako.
Paano ba mamotivate?
