Hindi ko alam kung papaano magsulat ng letter dahil hindi ako nakapagaral, walang nagturo sa akin kung papaanong magsulat. Malinaw ko pang natatandaan ang pagsilip ko kung papaanong gumalaw ang mga kamay ni Rein habang hawak ang lapis, bawa’t guhit na gawin niya ay pinakatitigan ko para masundan at makapagsulat kahit sa hangin man lang. Akala ko ay posible na akong makakuha ng trabaho kapag natuto akong nagsulat... pero nagkamali ako.
Isang araw ay umuwi ako, pinagyayabang sa inyong lahat na marunong na akong bumasa at sumulat dahil tinuruan ako ng isang panadero sa panaderya sa harap ng bahay niyo kung papaanong gawin ang mga ito. Tinuruan niya rin akong magsaing at magluto na hindi ko nagamit dahil walang pumapayag na pumunta ako sa kusina.
Ang sabi niyo ay problema lang ang dala ko, dinamdam ko iyon noon, pero ngayon ay napatunayan kong totoo nga. Isa lang akong babae na pinipilit pumasok sa napakaliit na butas, pinababangon ang sarili para umusad sa kung anong naiwan ko kahapon pero 10 years na akong sumusubok... hanggang ngayon ay nasa bukana pa lang ako ng butas ng karayom na ‘yon. Parang iyong ulo ko na nakasabit sa tali no’ng makita niyo ‘ko.
Ang batang Vallene ay nagtatanong, bakit niya kailangang pagdaanan ang lahat ng ‘yon? Hindi kasi ‘yon kinakaya ng utak niya. Papaanong nakapagisip na magtrabaho ang isang pitong taon?
Pitong taon bago ko napagtanto na gano’n ang turing niyo sa akin dahil anak ako ni mama sa ibang lalaki, sa lalaking nangrape sa kaniya.
Kagaya ba ni mama ay pinahahalagahan niyo rin ako ngayon dahil wala na ako?
Si Aera, Rein, Erin at Denia lang ang mga taong nagpanatili sa akin na buhay dahil alam kong kailangan nila ng nanay, gusto kong maging nanay at ate sa kanila pero hindi ko nagawa ang mga ‘yon dahil pinipigilan nila ako. Sila ang rason kung bakit ako nananatiling gising sa mga araw na nagdaan.
Pa, I’m burned and bruised from the fire you started.
Hindi ko alam kung papaanong magsisimula ng buhay ulit... kaya tinapos ko na lang.
Vallene Geronimo • 2004 - 2021