Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit ng bigla tumunog ang aking cellphone. Nangunot ang aking noo ng makitang si Papa ang tumatawag.
Huh? Ano kayang meron?
Tumigil muna ako sa aking ginagawa para sagutin ito.
"Bakit po, pa?" may halong pag-aalalang sagot sa tawag ni papa.
"Grabe naman 'to! Na-miss lang kita!" Natatawa niyang sagot ng nahimigan ang aking pag-aalala.
Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking mga puso nang narinig ang sinabi ng aking papa.
"I miss u too, papa!" nakangiti kong sagot.
"Date tayo nak?" bigla niyang sabi. "Sabay ka na rin sakin umuwi sa bahay." dagdag niya pa.
"Pa?! Nasa labas ka po?!" Gulat kong tanong na tawa lang ang nakuha kong sagot.
"Hala, wait lang po! Patapos pa lang po ako sa gamit ko!" natataranta kong sabi.
"Wag kang magmadali. Hindi naman ako nagmamadali, anak." natatawa niyang sabi. "take your time, anak. Dito lang muna ako sa kotse mag-iintay." dagdag niya pa bago niya tuluyang binaba yung tawag.
Pag-baba ng tawag, namamadali kong tinuloy ang aking ginagawa kanina.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit para makauwi sa aming bahay sa cavite. Kakatapos lang ng aming final exam at pasahan ng mga requirements kaya't binigyan kami ng one week break ng aming school bago ang nalalapit naming graduation.
Pagkatapos ko sa ginagawa, nagmamadali kong ni-lock ang aking apartment at mabilis na tumakbo sa aming kotse.
"PA!!" may galak kong sabi sabay yakap kay papa.
"Tara, Jollibee?" may ngiti niyang tanong pagkatapos niyang yumakap sa akin.
"Yes please, pa!" parang batang sagot ko na ikinataw.
Daddy's girl....
The week went smooth. Kumpleto kaming pamilya sa bahay sa loob ng isang linggo. ani ng aking tatay, family bonding daw dahil malapit na makapagtapos ang bunso ng pamilya.
Sobrang saya ko kasi simula ng nag-trabaho ang aking ate at kuya, sobrang dalang na namin mabuo.
Pero sa mga nakalipas na araw sinula ng naka-umuwi ako dito sa Cavite, napapansin ko ang halos araw-araw na pag-alis nila mama at papa tuwing hapon.
"Bukas na graduation mo anak!" naluluhang sabi ng aking nanay.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Kasalukuyan akong nilalamog sa yakap ng aking mga magulang.
"Ito na talaga! matutupad na ang pangarap kong makapagtapos ang lahat ng mga anak ko." narinig ko'ng bulong ng tatay ko sa nanay ko.
"Naku! Ang drama naman natin!" natatawa kong sabi para iwasan ang paparating na iyakan. "I love you both!" dagdag ko pa sabay yakap at halik sa pingi nila.
Kinabukasan, sinabihan kami ni Mama na mauna na raw kaming magkakapatid sa pagdarausan ng aking graduation sa kadahilanang matatagal raw ng kaunti sila. Kahit na may mga tanong sa utak naming magkakapatid, wala naring nagtangkang magtanong at sumang-ayon na lang din sa kanila.
"Ate, ang tagal naman nila mama." bulong kong sabi sa ate ko.
Kanina pa kami nakarating dito sa hall at hinihintay parin namin sila mama at papa na hindi parin dumadating hanggang ngayon.
"Parating na yun!" sabay na sabi ng aking mga kapatid.
Tumango na lang ako kahit halata din sa kanila ang pag-aalala.
Sampung minuto na lang at magsisimula na ang program.
Nasaan na kaya sila?
May kaba na namumuo sa aking dibdib sapagkat hindi naman sila ganito.
"Pansin niyo ba? laging umaalis sila papa tuwing hapon?" wala sa sarili kong tanong.
"Oo bunso." sagot ni ate at natigilan naman si kuya sa paglalakad.
"Baka busy sa pagbili ng regalo mo." ani naman ng aking kuya.
Halatang-halata ang kaba sa mukha nito pero dahil siya ang pinakamatanda sa amin, nakikita kong pinipilit niyang maging matatag at 'wag ipakitang naaapektuhan siya.
Mama at papa, nasaan na po kayo?
Ilang minuto pa kaming naghintay.
"Dalawang minuto na lang at magsisim—" naputol si kuya nang tumunog ang kaniyang cellphone.
Agad niya itong sinagot nang makitang si Mama ang tumatawag.
Hindi ko alam pero sobrang nanlalamig ako habang tinitignan ang itsura ni kuyang nawalan ng kulay at bigla na lamang tumulo ang luha.
"Ate anong meron?" nauutal kong ani. Kahit si ate ay parang na-estatwa pagkatapos makita sa ganitong sitwasyon si kuya.
"Kuya! Bakit ganyan ang itsura mo?!" halos mabaliw kong tanong sa kanya.
"Opo ma." nakatulala lang niyang ani bago binaba yung tawag.
"Kuya ano na?! Magsisimula na yung program! Nasaan na sila?!" medyo tumataas na ang boses kong tanong na napasin naman ang aking ate kaya niyakap niya ako.
"Lia, kalma ka muna. Hintayin natin sabihin ni kuya kung ano yun." malumanay ngunit nanginginig niyang ani. "Kuya anong sabi ni Mama?" tanong niya kay kuya.
"Ms. Zaragoza, nakapila na po yung mga kaklase mo. Kailangan niyo na rin po pumila." ani ng nagaayos ng mga estudyante sa hall.
"Ah opo. Pipila na po kami." ani ko. "Thank you po." kahit na naiiyak, nagawa ko paring ngumit sa kanya.
"Tara na pila—" naputol ang aking sinasabi nang biglang sumabat si kuya.
"Wala na si papa." ani kuya.
Huh?
Para akong nabingi sa aking narinig. Tumigil ang aking paligid at unti-unting sumisikip ang dibdib.
"Inatake daw sa puso si Papa dahil sa sobrang excitement." dagdag pa nito kahit na hirap na hirap na siyang magsalita.
Ano daw? mas lalo akong nabingi sa aking marinig. Ang daming tanong na nabubuo sa aking utak. Inatake sa puso dahil sa excitement... Bakit naman siya ma-eexcite? Dahil sa Graduation day ko?
"Kasalanan ko." bulong kong sabi. "Kung hindi ako gagraduate, buhay pa sana si papa." tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at unti-unting bumigay ang mga binti sa sobrang panghihina. Buti na lang at agaran din akong nasambot ng aking kuya.
Umiiling sila Ate at kuya na sabay na yumakap saakin.
Halos wala nang kaming pakialam sa mga taong nasa paligid at hikbi naming tatlo lang ang tanging ingay na maririnig sa hall.
"Wala namang sakit sa puso si papa diba?" nagtatakang tanong ni ate kay kuya.
"Ayun yata ang dahilan kung bakit sila umaalis tuwing hapon." wala sa sarili kong sabi.
Paano na 'to?
"Nangako si papa na siya ang kasama kong aakyat sa stage." nanginginig kong sabi sa mga kapatid ko.
Ang daya-daya mo naman papa eh.
"Lia, kailangan mo parin umakyat ng stage." sabi ni kuya habang yakap-yakap niya kami ni ate. "Tara na." humihikbi niya pang ani.
Wala ako sa wisyong tumango sa kanya.
"Proud kaya si Papa sa akin?" wala parin sa sarili kong tanong kayla kuya.
"Syempre naman!" sabay nilang sabi na may bahid ng sakit at hikbi sa mga boses nila sabay yakap ng mahigpit saakin.
Sana nga...