01

5 2 11
                                    

Angela's POV
     
    

"HOY ANGELA YUNG CRUSH MO PADATING NAAAA!" Sigaw ni Ryan na kakadating palang ng room, tapos na kasi ang breaktime kaya nagsisipagbalik na yung mga classmates kong hinayupak. Ingay talaga ng lalaki na to, parang di lalaki.
   

Pero teka! Crush? Yung crush ko?! Hala omg!
     

Agad kong hinanap sa bag ko yung liptint at polbo ko at nag lagay sa mukha ng kunting liptint. Nagpolbo na ako kanina pero naglagay ulit ako ng kunti, medyo na stress ako sa math kaya I'm sure mukha nanaman akong sabog.
    

Dapat mukha akong presantable para naman mapansin niya ako. Tiningnan ko sa salamin kung okay na ba itsura ko pero bigla akong nag panic nung makita kong may lampas lampas yung liptint ko.
     
  

Omg talaga!
    
   

"HOY TISSUE NGA JAN DALI PAHIRAM AKO!" Sigaw ko sa sobrang panic.
    

"Eto oh gela" sabi ni Aira. Nakita kong may hawak siya na tissue kaya naman nagpunta ako kung san siya naka pwesto.
   

Nasa likod kasi upuan ko katabi ng kay crush omg! tas yung kay Aira malapit sa pintuan kaya medyo malayo.
 
  
Nung nakuha ko na yung tissue, akmang pipihit na ako pabalik sa pwesto ko ng biglang may mabangga ako.
     

Nakita kong natapunan ng liptint yung uniform niya kaya nag panic ako ng kunti. Dala ko kasi liptint ko tapas nakalimutan kong isarado.
     

Omg self ang clumsy mo talaga.
       

"Omg hala sorr-" Omggggg! Si crush yung nabangga ko! Hala natapunan ko pa ng liptint yung uniform niya>.<
     

"Omg, sorryyyyy!" Sabi ko tapos pinunasan ng tissue yung uniform niya na nalagyan ng liptint pero di natatanggal. Yari na talaga.
    
     

"Hey, it's okay don't bother HAHAHA" he said. Napaatras na ako nung marealize ko na ang lapit ko pala sa kanya.
      

Ang kyut niya tumawa omg!
      
  

"A-ahm s-sorry papalitan ko nalang ng bago" sabi ko habang nakayuko.
     

Nakakahiya ka self omg
       
     
He chuckled.
      

Omggggg ang kyuttt!
       
   

"It's fine" He said and walk through his seat. Sumunod naman ako kasi nakita kong papunta na dito yung teacher namin.
      

"GUYS ANJAN NA SI MA'AM!!!" sinabi na ni Aron yung magic word sa classroom kaya nagsipagbalikan na sila sa mga upuan nila. Ako naman eto pasulyap-sulyap kay crush HAHAHA
      

Agad na nag lesson si Ma'am sungit kaya nagfocus na ako sa harap. Mahirap na baka bumagsak, mapahiya pa ako kay crush omg wag naman sana.
        

Natapos na yung class hour kaya naman inaayos ko na agad yung gamit ko kasi balak ko sanang sundan si crush.
     
   

Magpapapansin lang HAHAHA charot
        
      
"Hoy Angela! San punta mo?" Tanong ni Ryan habang nagaayos ako ng gamit. Inirapan ko naman siya.
     
    
"Susundan ko yung asawa ko HAHAHAHA charot" sabi ko dito napangiwi naman to na mas lalo kong ikinatawa.
     
    
"Harot mo te' ah HAHAHA" sabi nito atsaka lumabas na ng room. Atsaka sumunod na din ako dito palabas.
    

Paglabas ng room nakita ko agad si crush kaya sinundan ko siya ng palihim. Narealize ko na papunta pala kami sa garden ng school.
      

Lah ano naman gagawin niya dito?
    
  

UNTITLEDWhere stories live. Discover now