02

2 2 3
                                    

Angela's POV

"Hey! Back on earth Angela" sabi ni cru- I mean ni Bryan. Napatingin naman ako sa kanya na dapat ay saglit lang akong nakatingin pero parang na glue ata yung mata ko sa kanya kaya di na ako makaalis ng tingin.

Omg he's so handsome talaga >//<


"Hey, okay ka lang?" He asked softly. I just nod my head baka mautal pa 'ko kapag nagsalita ako.


"Sure ka?" He asked still staring at me like he's reading my soul. I nod and smile.


"T-tara, san tayo?" I asked. Omg bat ba ako nauutal pag siya kausap ko?!


"Hmm...kila tay reo nalang?" He answered while fixing his things. I looked at him with confusion.


"H-ha?" He laughed at my reaction. Ba't siya natawa? Baliw ka na be? Wag! Sakin ka lang dapat mabaliw. Charot.


"Si tay reo yung tindero dun sa kainan sa may tapat ng Ice cream store." He explained. Sa tapat ng Ice cream store? Wag mong sabihin na-


"OMG SA WEIRD OLD MAN BA KAMO?!" He was shocked by my sudden reaction. Napahawak pa ito sa dibdib kaya naman nag peace sign ako.


Ang kyut niya >//<


"A-y hehe s-sorry" He glared at me. Omg ang scary di ko naman sinasadya e.


"Wag ka ngang bigla biglang sumisigaw. Muntik na akong magka-heart attack" napatingin naman agad ako sa kanya.


"Ay wow oa mo Bryan, omg ka" inirapan niya lang ako. Bakla ata to e. Napatawa naman ako sa naiisip ko na ikanasama naman ng tingin niya.


Red day mo te? HAHAHAHA


Mas lalo akong natawa kaya naman nauna na siyang mag lakad sakin at mas binilisan niya pa para di ko siya maabutan. Akma sanang hahabulin ko siya ng biglang may umakbay sakin.


"San punta mo angela?" Naka ngiting aso na tanong Ryan kahit alam naman niya na kasama ko si Bryan.


"Bitaw nga ang baho mo! San ka nanaman galing?" Naiinis kong tanong.


"Arte mo te, ganda ka? ganda ka?"


"San nga? Isusumbong na kita kay tita parati ka nalang nage-escape." Pananakot ko dito.


"Sige! para sabihin ko din kay Bryan na c-" naputol ang sasabihin niya ng may biglang nagsalita sa likod ko.


"Anong sasabihin mo sakin?" Inosenteng tanong nito. Omg! Bigla akong kinabahan dahil baka malaman niya na crush ko siya. Napatingin naman ako kay Ryan na nakangiting aso sakin.


Omg Ryan wag kang magkakamaling sabihin sa kanya. Ipapakulam talaga kita.


"Gusto ko lang sabihin na.." Pabitin na anito.


"Na?" Please waggg

"Naruto. HAHAHAHAHA" nawala bigla yung kabang nararamdaman ko kanina dahil sa kalokohan nito. Nakita ko naman ang pagtataka sa itsura ni Bryan at kunting inis.


"Joke langgg! Gusto ko sanang sabihin na, sama ako sainyo. San punta natin?" Nakangiti nitong tanong pagkatapos ay inaakbayan ulit ako. Kaso yung akbay niya para akong sinasakal sa leeg. Balak ata akong patayin ng hinayupak na to e.


"Bitaw! di ako makahinga." Reklamo ko dito. Kaya naman binatawan niya na ako pero tumawa muna siya ng malakas.

Boang talaga kinulang ata sa buwan tong taong to e

"Kay weird old man punta namin, arat?" Ako naman ngayon ang napangisi dahil bigla siyang namutla.


"A-ano kayo nalang pala. M-may pupuntahan pa pala ako" napatawa naman ako ng malakas dahil sa sagot ni Ryan na ikinataka naman ni Bryan.


"Hindi diba sabi mo sama ka? Tara na HAHAHAHA" Hinila ko na silang dalawa palabas ng school. Nagpapabigat pa si Ryan halatang ayaw niyang sumama, pero hindi ako papayag syempre.


Pasensya na Ryan gantihan lang to ikaw naman nauna e.



Marami talagang takot na students kay weird old man kasi nanghahabol ba naman ng walis tingting. Lalo na kapag nakikita niyang may nagsasayang ng pagkain na sa mismong kainan niya galing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNTITLEDWhere stories live. Discover now