"Si Mang Nesto"
A/N
Ang ilan sa mga pangyayari ay hango sa tunay na buhay ng aking pinsan na pinalawak ng aking imahinasyon.........
Buwan noon ng Oktubre nang ibalita sa amin ng aming guro ang napakagandang balita para sa aming mga mag-aaral. Magkakaroon umano kami ng fieldtrip sa isang sikat na lugar sa Baguio.
Masaya kaming nalaman 'yon kaya hindi pa man tuluyang nalalapit ang araw ng fieldtrip, marami na sa mga kamag-aral ko ang nag-usap tungkol sa mga gamit na dadalhin.
Mula sa mga pagkain, inumin, maging gamot na kailangang inumin para sa mga kaklase kong hindi sanay sa malayuang byahe at palaging nasusuka.
Isang linggo matapos sabihin samin ang fieldtrip ay umalis na rin kami. Pinabaunan ako ni nanay ng mga pagkain at ilang kumpol ng damit dahil ilang araw din kaming mamalagi sa Baguio.
Sa bus pa lang ay kita na ang saya sa mukha ng mga kaklase ko lalo na sa tuwing napapadaan kami sa nagtataasang bundok at sa maberdeng kulay ng paligid.
"Nicole, gusto mo?"alok sa akin nang isa sa mga kaklase ko sa pagkain niya na inilingan ko na lang. Hindi naman ako gutom at wala rin kase akong gana noong araw na 'yon.
May mga kaibigan akong katabi sa bus ngunit nakatulog dahil sa medyo may kahabaan ang biyahe namin. Matarik na ang basang aspaltong daanan kung kaya't karamihan ay hindi maiwasang kabahan lalo na't makulimlim at nagbabadya ang ulan.
Ilang oras pa ang nagdaan noong huminto ang bus sa isang resort sa Baguio. Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ay nahapit ko na ang jacket na suot ko dahil sa lamig na sumalubong sa akin. Ganito pala talaga rito, totoong ibang klase ang lamig. Para akong nasa loob ng refrigerator.
Isinabit ko ang bag na suot ko sa aking balikat bago tumabi sa isang gilid habang hinihintay pa ang iba naming kasama na nasa loob pa ng bus.
"Magandang umaga sa'yo, 'neng." nilingon ko ang nagsalita at doon ko nakita ang isang matandang lalaki na nakasuot ng isang sumbrerong banig.
"Magandang umaga rin po." Binati ko rin siya pabalik at napag-alaman kong ang ngalan niya ay Mang Nesto. Siya raw ang care taker ng resort at labing-limang taon na umano siyang naninilbihan dito.
Pinaalalahanan niya pa ako na matulog daw ng maaga sa gabi at huwag lalabas ng mag-isa lalo na kung madilim na. May mga aksidente umano ang nagaganap partikular na sa madaling araw.
Nagpasalamat ako kay Mang Nesto dahil sa hospitality na ipinakita niya sa akin na tinanguan niya naman at bahagyang ikinangiti.
Ilang minuto pa ang dumaan ay may nagsalita na upang itipon kaming magkakaklase. Muli akong nagpasalamat kay Mang Nesto bago bumalik sa mga kaibigan ko.
Sa harap namin ay may isang binatang nagsasalita. Inilibot niya kami sa bawat parte ng resort habang nage-explain ng mga kung ano na hindi ko maintindihan dahil sa pagod na pasan ko. Hindi ako nakinig pero pinagana ko naman ang talas ng mga mata ko. Maganda ang resort na tutulugan namin. Malinis at wala akong makitang hindi katangi-tangi. Ang kagandahan pa sa resort na ito ay may mga tanim silang strawberry kung saan maari naming subukang manguha — may additional fee nga lang.
Matapos maglibot ay itinuro na sa amin ang aming mga kwarto, maging ang magsasama-sama sa kwarto. Marami ang nainis o nayamot noong kinuha ang mga cellphone namin, kinonfiscate ang mga ito at ibibigay lang daw sa araw ng pag-uwi namin. Walang nagawa ang lahat sa naging patakaran. Sino ba namang may laban sa mga guro?
Nagpahinga kami ng isang oras at matapos no'n ay kumain kami ng lunch. Nagsimula na rin ang mga activities namin na ikinasaya ng marami.
Nakakapagod pero nakaka-aliw.
BINABASA MO ANG
Si Mang Nesto
HorrorDisclaimer: Ang ilang senaryo na mababasa sa kwento ay aktuwal na nangyari sa totoong buhay.Ito ay mas pinalawak lamang ng manunulat upang mas maging kapana-panabik ang mga eksena. ..... 'Sa paglabas pa lang ng pinto ay naramdaman ko na agad ang la...