First and foremost, I just want to introduce myself. I am an introverted person. I don't have any talents and skills coz I'm just a depressed potato hehe. ( I'm not good in English kaya pasensya na po 😅)
After I graduated from Senior High School, I had to stop pursuing my dream course due to financial problems. I let my ate be the first to graduate from college kasi graduating student sya noon. Then, I finally had a job kahit papano d ako making pabigat ng parents ko. I enjoyed my job kahit pa may echosera akong kasama hehe. Alam nyo nung time na hindi pa ako nakahanap ng work, I suffered depression and anxiety coz you know why, I got rejected sa dalawang university na inaapplayan ko. Noong una, gustong gusto ko mag aral ng kolehiyo pero dalawang beses akong nag failed at naging tatlong beses pa (bobo po ako😅). I was thinking na it's not meant for me siguro kaya nagkaganito. Nung nalaman ng relatives ko na I had to stop sa pag-aaral, they judge me at sabing "matalino ka sa klase pero bobo ka mag decision sa buhay". It hurts on my part na sabihan ng ganun though narinig ko lang yan sa sister ko na close ng tito ko. Hindi nila alam na sobrang depress ko na sa buhay, wala pa akong makakausap kasi I rather stay silent than sharing my problems with anyone. I don't trust anyone even to myself and siguro yan ang isa sa dahilan kung bakit takot ako mag take risk, ewan basta. hehe
I'm thankful na may nag alok sakin ng trabaho, kahit papano I don't have time to be sad and lonely. First-time ko mag trabaho and first-time ko rin malayo sa family ko. It's pretty hard and I have to overcome these challenges.
Along the way, I never stop praying na sana makapag-aral na ako ng college kasi gusto ko sana makasabay ko mag graduate ang mga batchmates ko but naiwan padin ako hehe but it's alright naman. I believe that God has a plan for me kaya d ko pinilit ang mga bagay na hindi para sa akin. I always pray na sana darating ang panahon na makapag aral na ako. I enjoyed my job and I learned a lot of things na makakatulong sakin in the future.
D ko maiwasan na umiyak gabi-gabi by the time na maisip ko mga problema ko na ako lang mismo ang nakakaalam. Hindi ko kasi ugali ang mag share ng problems kahit kanino kasi hindi naman nila ako maintindihan eh kaya shut up nalang ako. Tanging nakakaalam lang ng mga problema ko ay ang ating panginoon. Instead of sharing my problems with anyone, I rather wrote them on a piece of paper. Marami akong notebook na sinusulatan ko ng lahat-lahat. Nakakatulong ang pagsusulat ng iyong nararamdaman at mas kampante ka pa na safe ang secret mo kasi nga hindi marunong magsalita si notebook and all you need to do is to keep that paper para hindi mabasa ng ibang tao.
I faced challenges along the journey and masaya ako dahil na overcome ko ang lahat na yun. Thankful din ako dahil from those challenges, I become an independent woman. If someone would ask me if anong year ang pinaka pangit sakin, then it would be 2018. Sa tao na yan, I was rejected a lot of times, everyone judge me without knowing my real story. Na depressed ako ng sobra sa taon na yan and I was attempting to commit suicide a lot of time. Nasa isip ko lagi ang magpapakamatay pero d ko tinuloy kasi natatakot ako. Yung tipong gusto mo e end ang buhay mo kasi pagod kana sa lahat, pero kung gagawin mo na ang bagay na yan ay mapapaisip ka na what if mag iba na ang situation sa susunod na araw kaya Hindi ko talaga sya naituloy.
The year 2019, was my best year coz you know why? Hehe nakapag aral na ako ng kolehiyoooo! My ate graduated in college and in that year nakapag aral ako ng libre sa isang private university. God is good talaga.
Kaya sa mga taong nakaranas ng anxiety or depression,& rejections, huwag kayong susuko, okay? Malalampasan nyo din yan. Wag kalimutang mag pray lagi.
Yun lang. Salamat.
So, that was my answered prayer. Hehe.