"Sandra, okay ka lang? Bakit parang balisa ka kanina pa? May nangyari ba?" Kanina pa napapansin ni Beatrice na parang hindi mapakali si Sandra. Hindi nya na napigilang magtanong.
Si Sandra at Beatrice ay matagal ng magkaibigan, sa totoo lang ay lima silang magkakaibigan. Si Steven, Brandon at Luigi ay busy pa sa paghuhukay ng lupa sa bakuran ng bahay ni Sandra.
Naghuhukay ang tatlong lalaki hindi dahil may gusto silang ilibing doon ngunit para maibaon nila lahat ng gamit ng kanilang kaibigan na si Vanda, Vanessa Danna. Huling habilin kasi ito ni Vanda, ang hukayin ang bakuran nila Sandra at doon ilibing ang mga gamit ni Vanda. Ang ipinagtataka nila ay kung bakit kailangan pang ibaon ang mga gamit nya doon at kung bakit sa bakuran pa nila Sandra.
Matagal na rin na magkaibigan si Sandra at Vanda, sila ang pinakamatagal ng magkakaibigan sa kanilang anim. Namatay si Vanda sa sakit sa puso at hindi rin sila makapaniwala sa sobrang bilis ng pangyayari ang sabi rin naman ng mga magulang ni Vanda ay wala naman sakit sa puso ang kanilang anak simula pagkabata.
Close na close rin ni Vanda ang pamilya ni Sandra kaya ayon ang iniisip ng limang kaibigan nito na kaya doon ibabaon ang mga gamit ay dahil parang pangalawang magulang nya na rin ang pamilya ni Sandra.
"Beatrice, wala namang nangyari. Sadyang nagtataka lang ako kung bakit kailangan pang ibaon sa lupa ang mga gamit ni Vanna at kung bakit sa likod pa ng bakuran namin.
"Kahit ako man ay nagtataka rin, imposible naman kasi ng dahil sa gusto lang nya yon diba?
"Hindi kaya dahil may mga nakalibing doon o kaya ay mga bungo? Baka naman gusto nya lang tayong takutin?" Alam na alam kasi ni Vanna na takot na takot sa mga multo or kababalaghan si Sandra.
"Imposible rin naman atang mangyari yang sinasabi mo, Sandra." hindi rin kasi naniniwala si Beatrice na magagawa nito ito sa matalik na kaibigan.
"Sandali nasaan na ba sila Brandon?Akala ko ba ay mabilis lang nilang mahuhukay ang lupa sa bakuran nyo?" nagtataka na ang dalawang babae kung bakit ang tagal ng tatlong mga kaibigan nila.
"Gusto mo ba ay puntahan na natin sila?" hindi na natiis ng dalawang dalaga at pinuntahan na ang tatlong lalaki at laking gulat nila ng hindi pa ppala nagsisimula ang tatlong lalaki.
"Hoy, kayong tatlong lalaki akala ko ba ay maghuhukay na kayo agad. Hay naku, sinasabi ko na nga ba kaya hindi maganda ang pakiramdam ko e." Nagtataka naman ang tatlong lalaki kung bakit mukhang balisa ang kaibigan nilang si Sandra.
"Sandra bakit parang may bumabagabag sa'yo? May problema ba?" tanong ni Luigi kay Sandra, di maipagkakaila na mayy pagtingin ito kay Sandr, itong si Sandra lang talaga ang hindi makakahalata it's either may gusto rin sya kayy Luigi or sadyang wala syang gusto rito at pinipilit na isawalang bahala nalang.
Si Steven ang higit na nasaktan sa nangyari kay Vanda. May kaunting hinanakit ito kay Vanda sa di pagsabi nito sa kanilang lahat ng tungkol sa sakit nito.
"Kung maibabalik lang ang panahon ay aamin na ko sa'yo Vanda. Hinding hindi ko na itatago ang lihim kong pagtingin sa'yo." mahinang bulong ni Steven sa pag aakalang hindi sya narinig ng kaibigan na si Beatrice.
Hindi malaman ni Beatrice ang mararamdaman ng malaman nya na ang gusto ng minamahal nya ay si Vanda. Ang akala nya ay may tyansa na maging sila ni Steven pero hindi naman syaa ganoon ka desperada para magghabol dito. "Hihintayin na lamang kita mahal ko." mahinang bulong ng dalaga.
"Makakaya nyo bang gawin yan ngayong araw? o bukas nalang nyo itutuloy? Gusto nyo bang magmovie marathon na lamang tayo or kwentuhan nalng buong magdamag." tanong ni Beatrice at pinilit na pasiglahin ang boses.
"Sa tingin ko ay mas maganda kung magmovie mmarathon nalang tayo mamaya. Mamaya ay mapunta na naman sa inuman iyang kwentuhan na sinasabi mo Beatrice."sabi ni Brandonn. Hindi naman sila gaanong nagpapakalasing dahil sa nandiyan ang mga magulang ni Sandra at alam nilang uuwi rin sila sa kani kanilang bahaay. Hindi rin pumapayag ang magulang ni Sandra na mag ooover night sa bahay nila.
"Sige, parang di nyo na rin kami tinanong kung anong gusto namin diba."
"Bakit kung kayo ba ang tatanungin? Anong mas gusto nyo?" sa sinasabi ng dalawang dalaga ay paniguradong di naman makakatanggi ang tatlong binata.
"Ano pa bang magagawa namin diba." sambit ni Brandon sa pag aakalang di sya maririnig ni Beatrice.
"Ewan ko sa'yo Brandon." pikon na sabi ni Beatrice .
Ang tatlong kaibigan nila ay nanahimik na lamang at baka sa kanila naman mainis ang dalaga.
YOU ARE READING
Go Back.
AdventureWhat would you do if something happened that changed your life? What would you do if that something can be the cause of the death of your friends or maybe you?