Nakapaligid ang kadiliman habang tahimik na lumuluha. Masaganang dumadaloy ang dugo habang tahimik na naka-upo sa isang sulok at doon pasikretong iniinda. Mga sugat at pasa, nasa estadong kaawa-awa.
Hindi lang hapdi ng katawan ang natitikman, kundi maging kirot sa puso ang nararamdaman. Katawa'y babagsak na, isip ay tuliro, puso ay wasak na. Ngunit patuloy paring nagmamahal kahit alam na wala ng pag-asa.
Tahimik na nakahiga sa kama habang yakap ang unan ng asawa. Ang puso ay tila sinabugan ng matinding pighati nang sa isip ay pumasok ang mukha ng asawa, asawa na masaya na sa piling ng iba, at tila tuluyan ng nakalimot sa kanya.
Isang martir na asawa, ang pilit paring umuunawa. Wala ng makakapitan, wala ng dahilan, ngunit nakatingala't walang tigil na nagmamakaawa. Isang asawang kaawa-awang nakaluhod at humihingi ng isa pang tyansa.
Handang magtiis ng tatlong taong pighati.
BINABASA MO ANG
3 Years Of Grief
General FictionHindi lahat ng lalaki, mapanakit. Hindi lahat ng lalaki ang nanggagago. Hindi lahat ng lalaki ang umaabuso. Maaari ring matawag na battered ang isang lalaki. He is Marcus Santiago, a battered husband. *** Maayos ang relasyon ni Marcus sa bulag niyan...