Chapter 43❤Jelous Much!!!

267 12 0
                                    

Angelica Santos

Nagulat talaga ako ng makita ko si Angelo na papunta sa canteen doon sa table namin.At halata naman sa kanya na parang magwawala na naman siya ng wala sa oras.

Nakita ko rin na nakatingin siya ng masama kay Ken.Problema nito?Nakikipagkaibigan lang naman sa akin yung tao ea.

Flashback

Best sorry hindi kita masasabay maglunch may pupuntahan lang ako saglit lang babalik din ako after lunch.Paalam sa akin ni Paula.Hay wala na naman akong kasabay kumain parang nakakawalang gana naman.

Ah sige best ingat ka nalang sige hintayin nalang kita mamaya sa room natin.Nagbeso beso na kami sa isa't isa at ayun umalis na siya.

Ako naman eto walang ganang kumain wala rin kasi si Angelo hindi naman siya pumasok din ea.Bakit naman kaya di pumasok yun?Nag aalala na tuloy ako sa kanya kanina pa ako hindi mapakali sa room namin.

Habang naglelesson ang prof.namin hindi ako makapag concentrate dahil lumilipad ang utak ko papunta sa condo ni Angelo.Nag aalala ako sa kanya natural lang naman siguro yun kasi boyfriend ko siya ea.

Hi miss!!!Napatingi ako bigla sa masiglang boses na yun na nakiupo sa table ko.

Ah sorry I'm not talkng to strangers.Sabi ko kanya hindi naman kasi talaga ako nakikipag usap sa mga hindi ko kakilala.

Sige ako si Ken Panganiban and you are?Pagpapakilala niya sa akin and nag offer siya ng kamay niya para i-shake hands ko.

Angelica Santos.Nakipag shake hands nalang rin ako sa kanya mabait naman siguro siya ea.At ayun na nga nagsimula na siyang magsalita at ang ikinagulat ko ang malaman na siya pala ang unknown number sa CP ko na text text.

Hindi makulit si Ken promise.Akala ko naman kasi kung sino na siya lang pala.Pero ang gaan pala sa pkiramdam kapag may kaibigan ka na lalaki.

Hihi ewan ko halata naman na mabait si Ken ea sa hitsura palang naman niya ea.And inamin niya rin sa akin na gusto niya daw ako pero hindi naman niya ako pipilitin basta daw maging magkaibigan nalang kami.

Ok lang naman na para sa akin yun.Kaibigan lang naman kami ea.Nagkwento pa siya nang nagkwento ng nakakatuwa habang ako ito napapatawa sa mga kalokohan niya Sarap rin pala kasama nitong lalaki na ito.


End of flashback

At ayun nga nakita ko si Angelo na papalapit sa table namin.Malay malay ko bang may balak pala yang pumasok.Ang nakakapagtaka paano sila nagkakilala?At kung magkakilala sila bakit ang sama naman kung makatingin si Angelo kay Ken?

Aish gulong gulo na talaga ang utak ko.Si Angelo pala ayyy pati pala ako kasama niya.Andito kami ngayon sa office niya.Padabog niya pa sinarado ang pinto ng office niya.Sige push mo yan Angelo marami ka namang pera.

Naupo lang siya sa couch niya at nag iisip na malalim.Ano na naman kaya ang nagawa kong mali para magkaganyan yan?Hala baka mamaya mag away na naman kami ea,ayoko na natatakot na akong masaktan noh.

Sinubukan ko siyang lapitan at naupo rin sa tabi niya saka ako lumapit baka kawi may bumabagabag sa damdamin niya ng hindi ko alam kaya mabuting kausapin ko nalang siya.

Angelo may problema ka ba?Simula ko ng tanong.

Hindi siya nagsasalita still parin siya sa pag iisip niya ng sobrang lalim.Bakit ba?Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanya?Wala naman akong ginagawang masama pero bakit pakiramdam ko ako parati ang may kasalanan?Ang sakit lang.

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon