CHAPTER 5

411 7 1
                                    

"Bakit napatawag ka?" I asked Vincent after answering his call.

Kahit na bihira kaming magkita ng isang ito ay malapit ako sa kaniya dahil medyo magka-ugali sila ni Ethan.

"Ikaw? Bakit nasagot ka?" ganti niya at humalakhak. "Kunwari ka pa! Gusto mo lang akong makausap."

Nag-open cam ako at mabilis siyang inirapan.

Nasa 8th Avenue Coffee Shop ako ngayon at hinihintay si Kristopher na dumating. This is our meeting place when he needs to discuss something about the lessons I want to know. Isa pa, magiging usapan lang kung palagi kaming magkikita sa loob campus.

"Bago ba gamit mong cellphone ngayon?" tanong ni Vincent.

"No. It's still the same," I said in curiosity. "Why'd you ask?"

"Wala. Ang linaw kasi."

"Ah. Nasa coffee shop ako, so maybe that's because of the lighting."

Humalakhak siya. "Ang linaw kasi ng kagandahan mo."

Hindi ko na rin maiwasang bumulalas ng tawa dahil sa sinabi niya. Siraulo talaga ang isang ito kahit kailan!

"Seryoso ba? Sige na nga, pinapayagan na kitang ligawan ako."

"Cringe! Tangina mo, Thea!"

"You did it first! Sinakyan ko lang 'yong trip mo," depensa ko.

"What about me? Kailan mo ako sasakyan?"

Dahil sa lakas ng tawa ni Vincent ay binabaan ko nang kaunti 'yong volume ng cellphone ko. Nagtataka na ang mga tao dahil sa ingay naming dalawa. Narinig ko pang sinuway si Vincent ng isa niyang kaklase dahil nakakaabala na siya sa pagre-review.

"Kung sa personal lang tayo nag-uusap, baka naitulak na kita," I said.

"Basta ba sa kama mo babagsak!"

"Vincent!"

Tumawa lang siya nang malakas.

Kaagad namang nagbago ang ekspresyon niya. May nginuso siya sa likuran ko. Sa una ay kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

"You want a kiss?" I asked.

Umakto siyang nasusuka. "Tangina! Nasa likod mo si Kristopher! Kailan pa kayo pasikretong nagkikita, huh?"

Pinatay ko ang tawag at mabilis pa sa alas kuwatrong bumaling sa likuran. Nginitian ko ang nakasimangot na si Kristopher. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ay doon na nag-iba ang ekspresyon niya. He looked so pissed right now.

"You made me wait!" reklamo ko sabay lapag ng cellphone sa lamesa.

"Ano'ng gusto mong inumin?" Parang wala siyang narinig dahil iniba niya ang usapan.

"Kahit iced coffee lang," simple kong sagot, hindi maiwasang bumuntong hininga.

"What about food? Ayaw mo?"

Umiling ako. "Diet ako ngayon."

Hindi na siya nagtanong muli. Akmang didiretso na siya sa counter nang pigilan ko siya. He looked at me and cocked an eyebrow.

"Sandali, kukuha lang ako ng pera—"

"It's okay. I'll pay."

Natigil ako sa pagkuha sa wallet ko. Nag-angat ako ng tingin. Eksaktong tinalikuran na ako ni Kristopher at naglakad pumuntang harapan. Agaw pansin agad ang katangkaran niya. Halos lunurin pa ng mga babae ng titig si Kristopher.

Napabuntong hininga ako.

Hays, pogi.

Nang makabalik si Kristopher ay kagyat niyang tinanong kung nasaan ang mga papel na sinulatan ko ng essay.

Huling Pagluhog (Relationship series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon