Chapter 3

43 9 2
                                    

"Okay class you may go"

Wait lang may napapansin ako. Kanina pa tingin ng tingin ang mga ka-klase ko sa labas ng room tapos nag bubulong-bulungan. Nung lumabas na yung prof namin nag simula ng malakasan yung boses ng mga haliparot kong classmates

Classmate 1: Omg! Nasa labas ng room natin ang hype. Sht! Sino kaya inaantay nila? Hala bes! Baka ako na? Magtatapat na ng pagmamahal sakin si Jestin

Classmate 2: Assuming ka bes! Sampalin kita dyan e. Hay nako! Ang gwapo talaga ng Leslie my loves ko, feeling ko talaga kami ang meant to be e

Classmate 1: Ay oo bes! Tama ka

Classmate 2: yieeee ang supportive mo talaga bes

Classmate 1: oo tama ka! Hanggang feeling lang yan! Dream on bitch hahahahahahahahaha

Ang hype lang pala ang nasa labas, kala ko naman kung sinong artista. Hay nako! Ano bang pinakain ng mga hinayupak na yon sa mga babae at ang daming nag kakandarapa sakanila.

Inayos ko na mga gamit ko at lumabas na kami nila Jan Mary ng room para mag lunch then boom! Nandito nga sila mga nakangisi pa ang mga loko! Syempre yung lovers nilalanggam na. Pag-labas kasi ni Mary nag taka sya kasi bigla nalang may umakbay sakanya ito namang baliw kong bestfriend nag blush!

Si ate Karla? Ayun turn into silent mode nanaman nndito si leslie e. Yieeee! Hahahahaha Ay oonga pala! Libre lunch ko ngayon mwehehehe

"Ay Babe una na kayo susunod nalang ako. Ilalagay ko lang to sa locker staka kukunin ko yung book ko sa history"

"Sige babe"

"Shar! Samahan na kita!"
Ano nanamang problema nitong si Leslie at sasamahan pa ko? Anong kala nito sakin maliligaw? Hello? Buong buhay ko dito na kaya ako nag aral duh? But in the brighter side maganda yan at may makakasama ako

"Bahala ka"

"Oy pre! Sige na susunod nalang kami ni shar"
Tumango lang sila, may mabinulong si Jestin kay Leslie

"Abnormal ka talaga pare! Hahahaha"
Ano kaya yon? Naglakad na kami pa left side ni Les sila Jan Mary naman sa right side.

"Shar ano gusto mong lunch?"

"So seryoso ka talaga sa panlilibre ha? Hahaha"

"Oonaman! Pag sinabi ko, sinabi ko *wink"

Aba't kumindat pa ang loko hahaha binatukan ko nga! Pero di naman ganon kalakas

"Hahaha oo nalang!"

"Ang brutal mo talaga shar! Hahaha"

Nasa tapat na pala ako ng locker ko. Nilagay ko na yung iba kong gamit staka yung book sa susunod kong class kinuha ko na agad mag rereview pa ko. May quiz kasi kami mamaya. Ang kapal pa naman ng librong to

"Shar ako na dyan"

"Dina! Ano ka ba? Yakang yaka ko na to"

"Wag ng makulit! ako nalang mag dadala, ang kapal kapal kaya nyan tsk!"
Hay nako! Wag ng makipagtalo at baka magalit pa si Mr. Diaz sabagay di ako mahihirapan mabigat naman talaga e

"Sabi ko nga po boss ikaw na mag dadala. Ito na po hehehe"

"Good! bibigay mo din pala e hahahaha"

"Ewan ko sayo! Ang abnormal mo! Hahahaha tara na nga!"

"Aye aye captain!"
At ang sira ulo nag saludo pa. Pa-iling iling nalang ako, puro takaga may saltik ang mga taong nakapaligid sakin hahaha

Nag vibrate phone ko, pagtingin ko si Jan Mary lang pala

From: Babe'Jan Mary
Babe sa Mcdo, ingat kayo ha?

To: Babe'Jan Mary
Sige, thanks!

From: Babe'Jan Mary
Bilisan nyo at magogood vibes ka pagdating mo dito! Bwahahahaha

To: Babe'Jan Mary
Ano nanamang kalokohan yan? Ha babae!?

From: Babe'Jan Mary
Wala naman, sinakto ko lang na yung vacant seat ay sa tabi ni Cps hehehehe loveyou!

Napa face-plam ako, ilang ulit ko bang sasabihin don sa babaeng yon na hindi ko na gusto si Cps. Ang kulit talaga ng bungo mo non hays!

Simula kasi nung 1st year high school hanggang 4th ka-klase ko si Cps, naging crush ko sya nung 2nd year ako pero hanggang ngayon ini-issue parin ni Jan Mary e ang tagal na non e. Parang crush lang staka ang nene ko pa kaya nung crush ko si Cps like duh? Hahahahaha

"Sino yang ka-text mo shar?"
Titingin pa sana sa phone ko kaya awtumatiko kong nilagay ito sa bulsa ko. Hindi ko na tuloy nareplyan si Jan Mary

"Ah-eh ano si ano-si Jan Mary lang yon sa Mcdo daw mag la-lunch hehehe"
Napakamot nalang ako sa batok ko

"Ahhhhh" Les
May patango-tango factor pang nalalaman to. Parang yung expression na hindi convince, binatukan ko nga!

"Para san naman yun? *pout"
Shems! Ang cute nya pag nag pa-pout.

"Hahaha para kang bata tara na nga!"

Nasa parking lot na kami mayaman ang Hype at ang ga-gwapo bonus point na ang pagiging matalino. Yep! Tama kayo ng basa matata-lino nga sila, kaya no wonder kung bakit maraming nababaliw sa Hype isang ngiti lang nila maka-laglag panty na talaga hahahahaha

Pinag buksan ako ni Les ng pinto nilagay nya sa likurang part ang mga gamit ko at bag nya. Tiningnan ko sya more like tinitigan napaisip ako. Ang gwapo nya, Matalino, Mayaman, Plus gentelman pa! Oh? Saan ka pa? Diba? Di ko namalayan katabi ko na pala sya ngumisi pa ang loko sabay sabing

"Crush mo ko no? Hahaha"
Napa-laki mata ko, nilapit nya pala mukha nya sakin nilayo ko mukha nya

"Ang kapal mo talaga hahaha hangin mo rin e noh?"
Ang loko tawa lang ng tawa

Pinaandar nya na ang kotse nya papuntang Mcdo

A/N: btw. Senior high na sila sa story na to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon